Chapter 1

443 29 53
                                    

Chapter 1

The Grand Alumni

I suck at remembering.

Kailangan ko pa ng maraming sticky notes at reminders sa kalendaryo sa office o kaya'y sa cellphone ko para hindi ko makalimutan.

Even the simplest mundane things like taking my vitamins, iyong gamot ko sa pabalik-balik kong migraine, kailangan ko pang i-set ang alarm sa cellphone ko.

Madalas na din akong napagsasabihan ng head namin dahil ako ang pinakamadalas na late magpasa ng reports.

Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nakalimutan ko na naman itong high school reunion daw namin bukas.

"Magandang umaga, Siquijor! Gising na. Gising na. Gising na. Gising na. It's Friday today kaya naman TGIF sa ating mga workaholic na mga manggagawa diyan! Sabado na bukas at alam niyo na 'yan.

Sa aking mga batchmates at schoolmates sa pinakamamahal kong SPSHS, hindi na ako makapaghintay na ilibre niyo bukas. Bawal makalimot... Hindi pa ako bayad sa lechon tsaka nakahanda na raw ang mga case ng beer... care of sponsors na sobrang humble at ayaw nang magpangalan pa.

Anyway, magpapatugtog muna ako para naman magising na kayong lahat diyan. Ito pa rin si DJ Brian, at hindi magkakajowa ang maglilipat ng channel!"

Hindi pa rin talaga nagbabago iyang si Brian. Mula high school, PRO iyan sa SG, eh. Lahat ng announcements, hindi iyan napapagod sa pagdalaw sa bawat classroom para sabihan kung ano na naman ang activity sa gym. Nakakamiss. Iyong mag-uunahan pa kami sa paglabas sa room kasi bahala na kung mainit basta walang klase.

Grand reunion na bukas. It's been eight years since we graduated. Tama ba? Hindi ako sure. Talagang makakalimutin ako, eh. Or more like, hindi ko lang tinatandaan.

I really miss my high school classmates. Naaalala ko pa lahat ng kalokohan namin dati. Alam ko naman na makakalimutin ako, pero I treasure my memories with them. Pupunta na nga lang ako bukas. Namimiss ko na nga rin kasi sila. Iilan na rin sa kanila ang pamilyado na. Iisa lang ang masasabi ko. Sana all.

Pupunta rin kaya siya?

Chan, you'll be fine. It's been 10 years already. Matagal na iyon.

Sobrang tagal na nga. Pero parang ang sakit pa rin.

It's really ironic na kahit sobrang makakalimutin ako, I remember every detail about him. Siguro dahil hindi ko naman talaga tinapon lahat ng memoirs at pictures namin dati. Siguro dahil gusto ko lang balik-balikan.

He was the highlight of my high school career. I'm sure ako rin sa kaniya.

I thought we would last. I never thought that was the last.

It's been 10 years. I should move on. I did move on. I moved on with my life. I became successful.

I just wish he didn't let us go without accomplishing anything.

Napalingon ako sa pintuan ng aking classroom nang marinig kong nagtatalak na naman si Roi. Siya ang pinaka-close ko sa lahat ng mga teachers dito. Siguro na rin sa halos magkaedad lang kami at nagkakasundo kami sa lahat ng bagay.

"Good morning, dzae!" sabi niya. Bitbit na naman niya ang kaniyang pamaypay kahit alas siyete ng umaga pa lang naman. "Narinig ko na grand alumni niyo na daw bukas. Sana all 'di ba." Napairap pa siya na tinawanan ko lang.

"Good morning din," I greeted. "Bukas na nga daw. Nakalimutan ko na nga, eh."

Napasimangot naman siya't tiniklop ang pamaypay saka itinuro iyon sa akin. "Naku, isa pa iyang pagka-ulyanin mo, sis! May seminar din tayo next week tapos deadline na daw ng submission of grades next week din. Naloloka na ako. Ang kukulit pa rin ng mga bata kahit na Grade 4 na!"

Field of Promises (SPSHS Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon