CHAPTER 12

97 53 20
                                    

CHAPTER 12 - Isaw

Kian's POV

This is so frustrating!

Nakakainis!

Tinakbuhan ako ng Maze na yun! At ano daw?! Kakain sila sa labas?! At ang kasama pa talaga niya ay dalawang lalaki?!

Sinabihan ko yung lima tungkol sa nangyari kanina. Mukhang may idea naman sila kaya sumunod nalang ako sa kanila.

So we're currently roaming around the city. Inikot namin yung lahat ng restaurant but they're not there. Saan kaya nagpunta ang tatlong yun?

When we're about to give up, I suddenly saw a familiar figure running towards that yellow store.

Hindi muna ako nagpakita. Sisiguraduhin ko munang siya yun.

At tama nga ako. Siya nga. At sobrang saya niya dahil sa kwek-kwek at fishball na kasalukuyan niyang kinakain ngayon. Parang first time niya yatang makatikim nito eh. Tss.

"Nakita ko na siya. Dun tayo." Sumunod naman silang lima sa'kin.

Sakto lang kasi huling piraso nalang ng  fishball ang natitira kay Maze kaya sinubo ko ito kaagad para inisin siya.

"Hey!" 

"Sorry. Ang sarap-sarap kasi. Mmmm." Sabi ko na nakapikit habang OA na ninanamnam ang fishball. Parang puputok na yung mukha niya dahil sa galit. Ganito ba kasarap yung kinakain niya na naging sobrang madamot na siya?

"You thief! That was my last piece and you stole it!" Nakasimangot na sigaw ni Maze na namumula yung mukha dahil sa galit. Patay!

"Masarap eh. Gusto ko pa." Sabi ko habang nakangiti.

"Edi bumili ka! You have money naman eh. You don't have to steal mine!" 

"But I want yours. Mas masarap kapag share tayo." Ngumiti ako ng napakatamis.

"Kian!" Sigaw ni Maze.

"You're welcome, Love." Kinindatan ko siya.

"You!" Tinutok niya sa'kin yung mga stick na hawak niya. Is she going to kill me?! "How dare you eat my fishball!" Pinagtitinginan na kami ng mga costumer ng store na 'to. Buti nalang at hindi madami ang tao. "I'm going to kill you!" Sigaw niya. Can't deny it. Nakakatakot talaga siya. Hindi ko naman alam na ganito pala siya ka-possessive.

Napalunok ako. Dahil sa takot at kaba ko, hindi ko nagawang kumilos. I'm just frozen still.

"S-shit! Ah! A-aray!" Mahinang sigaw ko. "Okay! Okay! I'll buy you everything you want to eat. Gusto mo fishball? Kwek-kwek?" 

Shit! Ang sakit! Parang may butas na yung kamay ko. Paano ba? Eh tinusok lang naman ako ng Maze na 'yan ng hawak niyang mga stick. Shit! Ang sakit. Tinignan ko yung kamay ko. Naku, may sugat na po ako. Hindi ko naman alam na amazona pala 'to. Akala ko joke niya lang yun. 

"That's what you get for stealing my last fishball!" Tss. Puro nalang fishball. Mukha na siyang fishball. "Now, I want all of that kwek-kwek and fishball." Ani Maze na matamis ang ngiting nakatingin sa'kin habang nakaturo sa mga kwek-kwek at fishball. Tss.

"Manang, bibilhin ko na po lahat ng kwek-kwek at fishball." Sabi ko kay manang. Masayang-masaya naman si manang sa sinabi ko. Sino ba ang hindi sasaya? "What sauce do you want?" Tanong ko kay Maze.

"Manang, yung sweet and sour na sauce po!" Masiglang sabi ni Maze. "Ah, manang can you wrap all of those kwek-kwek and fishball nalang po? Except mga five fishball and five kwek-kwek kasi I'll eat them. Thank you!" Tumango naman si manang habang nakangiti ng malapad.

Ang Girlfriend Kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon