"Oh my God! In love na yata ako kay Spade de Vera!" kinikilig na sigaw sa akin ni Spencer isang araw habang kumakain kami sa cafeteria.
Gulat kong inangat ang tingin ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Spade de Vera?
It's been two weeks since Heart Freo uploaded the picture. As usual, napag-usapan din naman namin 'to ni Spade at nagkaayos din kami eventually. Ang sabi niya naman, tinitext niya ako non nang bigla siyang halikan ni Heart sa pisngi para sa picture. Kaagad niya naman daw 'tong tinulak at pinagsabihan. Medyo nagtalo pa nga sila ni Heart nang pinadelete ito ni Spade. In the end, she deleted it na rin naman so it's all good...
Well, not really... that picture had already been all over the internet (no thanks to their delusional shippers), so hindi ko alam if may sense pa ba talaga ang pag-delete ni Heart dito. Psh. Nagkaayos na kami ni Spade but no one could blame me if I was still a little bitter about it.
Tapos ngayon naman, ano 'tong biglang sinasabi ni Spencer?
"Spade de Vera?" tanong ko.
"Haven't you heard about him? May viral video kagabi about this super good looking vocalist. Tignan mo, Jill, ang pogi-pogi na nga ang ganda-ganda pa ng boses! Gosh!" kinikilig niya pa ring sabi sabay pakita sa akin ng video sa phone niya.
It's my Spade covering Ben&Ben's Araw-Araw. He looked and sounded as good as always. Nakaupo lang siya sa kama habang naggigitara at kumakanta pero ang lakas pa rin ng dating niya. Habang pinapanood 'to sa'kin ni Spencer ay may tatlong babaeng lumapit sa amin.
"Uy, Spencer! Si Spade ba 'yan? Nakakakilig 'no!" sabi ng isa rito at tinabihan si Spencer.
"Have you listened to his own band's songs? Ang gaganda rin!" sabi pa ng isa.
"Magpeperform sila next week sa Querencia Park! Gusto niyong pumunta? Gusto kong magpapicture kay Spade! I can ask our driver to take us there!" excited na suhestyon nung pangatlo.
"OMG! Talaga? G ako! My God! Ba't hindi ako nakakatagpo ng mga ganitong klase ng lalaki?!" sagot kaagad ni Spencer.
Hindi ko alam pero parang biglang nag-init ang ulo ko sa diskusyong narinig ko. Tumayo ako at iniwan sila sa table. Nagmartsa ako palabas ng cafeteria.
Hindi ko alam! I knew I should be glad that Spade and the rest of the Solitaires were finally gaining attention and getting the recognition they deserved, pero ewan ko ba. Naiinis ako!
Habang pabalik ako sa classroom ay ang dami ko pang nakasalubong na mga babae na si Spade din ang pinag-uusapan at pinagnanasaan. Napairap ako.
Hindi pa nga ako napapanatag kay Heart Freo, dumagdag pa ang mga ito!
Gets ko naman na it's part of Spade's career and it's only normal to have fans, pero hindi ko mapigilang maasar kahit konti dahil sa dami ng kaagaw ko eh hindi ko pa rin pwedeng sabihin ang tungkol sa amin.
Minsan hindi ko nga maintindihan kung bakit sobrang mali na ipagsabi ang relasyon namin eh. It's not like we're having an affair or something illegal. Minsan tuloy napapaisip ako... maybe I was just a side chic?
But then every time I thought of that possibility, memories of how genuine and sweet Spade had been to me came rushing to my mind, and I guess... that's all it takes for me to eliminate the idea of him two-timing.
BINABASA MO ANG
Cupid's Outlaw
RomanceIn matters of love, defying traditional rules brands one an outlaw. JILLIA finds herself entangled in an unexpected bond with her heartthrob seatmate, Reider. However, Reider is already in a picture-perfect relationship with another girl, and Jillia...