Jerome's PO'V
Inabot na kami ng gabi ni yana sa bahay nila lommy, pano ba naman kase halos hindi na sila maubusan ng ikwekwento sa isat isa, kung hindi pa gumabi hindi pa sana sila matatapos.
Dito na kayo kumain Jerome at yana.. pag aaya samin ni lommy
Naku, hindi napo lommy kailangan napo namin bumalik agad sa hotel..
Oo nga po lommy, sa hotel nalang po kami kakain ni jerome..
O sigi mag iingat kayo ha! Bisitahin nyo lang kami dito kahit kailan nyo gusto.
Opo lommy, paalam po..
Nagpaalam na kami ni yana kay lommy, pinakiusapan ko din si lommy na wag munang banggitin kay yana kung san nakatira si sarah, balak kase namin syang sorpresahin pupunta kami bukas sa bahay ni Sarah.
Ikaw ah, hindi mo sinabi na si lommy pala ang pupuntahan natin dito, nasan kaya si Sarah? Namimiss kona sya, nagtatampo nako sa babaeng yon ni hindi manlang nagparamdam satin simula nung gumraduate tayo...
Natawa naman ako sa inaasal ni yana, alam kong matagal na nyang gusto makita si sarah hindi nya alam na makikita na nya ito bukas.
Matatagpuan din natin sya, dimo ba pinapakinggan yung sinabi ni lommy kanina? Wala daw sya sa pilipinas ngayon kase may flight sya nung isang araw...
Hmm, ahh basta gusto kona sya makita babatukan ko talaga yon pagnagkita kami..
Natawa nalang ako ng tuluyan sa sinabi nya. Kumain lang kami saglit at tsaka dumeretso sa kanya kanya naming kwarto, lumalalim narin ang gabi kaya kailangan na naming magpahinga. Bago ako matulog inayos ko muna yung ireregalo ko kay sarah, matagal ko ng binili ang kwintas na hawak ko ngayon, hindi ko lang ito maibigay sa kanya kase natatakot akong umamin pero ngayon dina ako aatras hindi nako magiging duwag muli, aamin nako sa kanya. Inilapag kona iyon sa lamesa malapit sa kama ko at humiga sa kama para makapagpahinga na.
Tanch's PO'V
*Kinaumagahan
Nauna akong gumising kay sarah, nakayakap nga pala ako sa kanya tinignan ko ang mukha nya at halata mong mahimbing parin itong natutulog. Hinigpitan ko ng kaunti ang pagkakayakap ko sa kanya sabay hinalikan ito sa ulo nya, gustong gusto ko pagganito lang kami kung malaya ko lang sana ipabatid ang nararamdaman ko sa kanya hinding hindi ako magsasawang yakapin sya ng ganto. Naramdaman ko namang niyakap ni sarah ang kamay kong nakayakap sa bewang nya, nakaramdam ako ng konting kilig sa ginawa nyang yon, hindi ko naman maiwasang mapangiti naiisip ko kase na para kaming magjowa sa lagay nato. Napakasarap sa pakiramdam para bang ayaw kona matapos ang umagang ito, naramdaman ko namang biglang gumalaw si sarah pinagmamasdan ko lang syang unti unting humarap sakin, hindi ko naman mapigilan ang sarili kong hindi sya titigan napakaganda kase nyang pagmasdan. Minulat nya ang mga mata nya at halata mong nagulat ito kaya naman bigla syang napaatras at nahulog sa kama.
*Blaaggg...
"Arayyyy, ansakit!"
Napatayo naman ako sa kama ng wala sa oras. Oh Sarah, Sarah okay ka lang ba?
"Meron bang okay na nagsabi ng aray?"
Nagpipigil lang ako ng tawa sa inasta nya, sukat ba naman kasing mahulog sa kama.
Bakit kaba kase lumangoy jan ea wala namang tubig.. pang iinis ko sa kanya
"Anong lumangoy, nagulat kaya ako sayo no. Kung makatitig ka kase parang may balak ka sakin.!"
BINABASA MO ANG
Unconditional love
FanfictionGaano ka katapang para ipaglaban ang taong mahal mo? Hanggang kailan mo kayang panindigan ang salitang mahal kita? Hindi man tama sa mata ng iba ang pinili nating mahalin, mas pipiliin ko nang maging mali sa mata nila kesa gawin ang tama pero hindi...