DEINA POV20 minutes bago mag ring ng bell namin para sa flag ceremony inayusan muna ako ni Christel para sa pagpasok namin. Kaya eto ngayon nakalugay ang medyong umalon at mahaba kong buhok. Kung di ko lang sinabi na malabo ang mata ko hindi pa isasauli ang eye glasses ko. Sabi nya pa nga for the "meantime muna" di na lang ako nagreklamo at alam ko naman magbubunganga lang to pagnagsalita pa ko kaya hinayaan ko nalang.
Kaya pagkatapos hila-hila na nya ako papunta sa classroom namin para sa klase namin. At panay ang ilang ko sa mga matang alam ko pinagtatawanan ako alam na siguro nila ang nangyari. Mukhang sanay na sila sa mga ganitong issue . Ikaw ba naman lokohin ng gag*ng ex ko na yun na sikat na sikat pa, kaya di na ko dapat magtaka.
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Christel at mukhang alam na nya ang gusto kong ipahiwatig.
"Look who's here , tsk tsk tsk the poor nerdy trash." Si Angel kilalang maldita sa campus at kaklase ko pa. Nakapameywang kasabay ng mga alipores na kulang na lng kainin ang make -up sa sobrang kapal.
"Best tara na." Sabay hila ko kay Christel dahil sa ugali ng bestfriend ko hindi na ko magtataka kung mapaaway ito.
Tatalikod na sana kami ng hinila ako sa braso ni Angel."Hey wait ! I'm talking here! Hahaha ! Masakit ba ang mapaglaruan at mapagpustahan huhuhu kawawa ka naman." Ang higpit ng hawak nya at nakabaon pa ang mahahabang kuko nya pero di ko na alintana yon ng mas masakit na salita ang lumabas sa bibig nya.
"Hoy! Ikaw !" Sabay palo ni Christel sa kamay ni Angel di ko na napigilan si Christel sa ginawa nya.
"Ouch! Don't touch me !!! "
Hinila nya braso ni Angel na nakahawak sa braso ko. "Ito ang bagay sa mga Ingleserang tulad mo! "
Ang sumunod na nangyari nagkagulo na hila-hila ni Christel ang buhok ni Angel sabay sigaw ni Angel ng tulong.Nakapalibot na kaagad ang mga estudyante sa amin. Yung mga alipores ni Angel ay sumisigaw lang ng tulong hindi makalapit kaya tinanggal ko ang kamay ni Christel na hila hila pa rin nito sabay hawak ko rin sa braso ni Angel para mapalayo ito. Yun ang eksena nadatnan ni Dillan. Tinulak nya kami dalawa ni Christel sabay hila kay Angel.
"Dillan look pinagtutulungan nila ako." Sabay iyak nito sa ex ko pero mararamdaman mo talaga ang kalandian sa boses nito. Kaya tinignan ako ni Dillan ng masama sabay yakap nya kay Angel . Kita ko naman ang pagngisi ni Angel .
"Hindi totoo yan maniwala ka , hindi kami ang nauna . Siya pa nga-" hindi ako pinatapos sa pagsasalita.
"So gusto mong maghiganti at saktan ang girlfriend ko para makabawi sakin. "
Nabigla ako sa sinabi nya . Si Angel girlfriend na nya! ! Kahapon lang kami nagbreak tapos girlfriend na nya! ! What the !!
"Gusto mo talaga malaman ang totoo? OO pinagpustahan ka lang namin ng mga kabarkada ko natalo kasi ako sa laro namin at yun ang pinagawa sakin. Ayaw ko pa nung una pero si Angel pa nagsuggest na gawin yon sayo . 15days lang ang usapan buti nga umabot pa ng 20 days. "
Tumulo na luha ko ng di ko namamalayan so kasama din pala si Angel sa plano na to. Pinaglalaruan nila ako. Huhuhuhu di ko na napigilan ang mga luhang sunud sunod sa pagpatak.
"Just stop all of this.! Huwag nyong saktan ang gilfriend ko kung hindi ako ang makakabangga nyo." Hinila sya ni Angel sabay syang hinalikan sa labi .
Di ko na nakayanan tumakbo na ako palayo . Narinig ko pa ang pagtawag ni Christel pero di ko na pinansin pa. Lakad takbo lang ginawa ko para makalayo sa lugar na yon.
Bakit ??? Yun ang tanong na di ko maintindihan...
Abangan........
BINABASA MO ANG
The Unexpected Girl
Teen FictionShe's no ordinary. She's a nerd. She's very different. and She's a queen???? Alamin natin ang story ni Deina Blaire Delos Reyes .