," TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER ELEVEN
"Kumusta ang paghahanap ninyo sa apo ko mga anak? Do you need me to ask the help Camp Villamor?" Tanong ng retired general De Luna.
"Malakas ang kutob kong buhay ang anak namin daddy dahil kung totoong patay siya'y may bangkay na sanang nabalitaang nagpakalat-kalat samantalang siya lang ang nawala sa lahat ng tao sa korte ng araw na iyun. We want that idea too daddy pero hindi ba't mas manganganib ang buhay niya kung isasapubliko natin? Hindi naman po siguro lingid sa kaalaman nating lahat na buhay na buhay pa ang mga mortal na kaaway ni Rennie Grace at iyan po ang inaalala ko baka mawala na ng tuluyan ang pag-asang magpakita siya sa atin kapag muling manganib ang buhay niya." Pahayag at sagot ni Pierce sa biyanang lalaki na siya namang sinang-ayunan ng maybahay nito.
"May punto ka diyan anak. Maari naman kayong kikilos na hindi nalalaman ng publiko kaso ang problema nga lang diyan ang law of protocols." Ani 'to.
"Tama ka diyan mommy pero may sinasabi naman tayong undercovers na maaring gagawa niyan at mas safety pa. Isa na iyan sa dahilan kung bakit kami umuwi dito sa Baguio. Pakiramdam kasi nami'y lahat na yata ng kilos nami'y nakakarating sa kabilang kampo kaya't hanggang sa kasalukuyan ay walang balita kay Rennie Grace." Sabi naman ni Janelle.
Totoo naman kasing parang laging may matang nakamasid sa bawat kilos nila dahil lahat na yata ng kilos nila'y nalalaman ng taga kabilang kampo o ang grupo ni Arturo.
"We are all fighters even we're in different positions. Sabi nga ng tito Terrence ninyo'y it's not against the law to break the protocol by getting rid of those pest and as I and Ace Cyrus agree he will do it even not by him personally. So I guess applicable naman iyan ngayon as long as you will not be caught by the others." Nakatawang sabi ng dating general kaso pasimpleng kinurot ng maybahay na hindi nalingid sa mag-asawang Janelle at Pierce.
"Opo naman daddy. Hindi pa naman siguro tayo paparusahan ni Bossing sa ganitong plano kasi mga bad guys sila I mean ang mga papatayin." Sang-ayun naman ng huli sa biyanan dahil totoo naman ang gano'ng istilo sa mundo lalo na sa kanilang mga alagad ng batas.
"Siguraduhin n'yo lang na mag-amang walang leakage ang plano n'yong iyan kapag nagkataong palpak kayo'y baka mas mahirapan tayong pauwiin ang apo namin kung saan man siya naroon." Nakailing na lamang na sabi ng Ginang o sis Dennise Joyce.
Sa kabilang banda, dahil napagkasunduang magpapanggap silang magkasintahan ay naisipan nilang umuwi sa kabahayan. Bago pa lumubog ang araw ng hapong iyun ay nasa bahay na sila.
"Oy kapre wala ka bang balak bumaba diyan nandito na tayo sa bahay." Pukaw ni Lucas sa dalagang maayos pa ring nakaupo habang nakasandal sa front seat samantalang halos naibaba na nilang dalawa ni Valdez ang mga gamit nila.
"My honeypie the king of all Kingkong hindi ganyan ang pagtawag sa fiancee mo. Oh no I almost forgot nasa probinsiya pala ako pero hindi naman siguro masamang maging sweet ka sa akin paminsan-minsan honeypie?" Nakangitinging sagot ng dalaga habang naka-cross arm.
Wala naman siyang balak na iba kundi ang arukin kung hanggang saan ang plano nitong pagpapanggap. Pabor din naman siya sa plano nito habang hindi pa siya lubusang magaling. In her mind kahit sa gano'ng paraan lamang ay maibalik niya ang pagsagip nito sa buhay niya.
"Ay hanep ka naman kapre---"
Kaso ang reklamo ng binatang hindi agad nakuha ang ibig sabihin ng binata'y pinutol ni Valdez.
"Ikaw naman bossing mukhang humina na ang pick up mo ah. Natural naglalambing ang bride to be mo kaya't sundin mo naman ang nais niya kung ayaw mong aatras siya sa kasal ninyo." Sabad nito na ikinaubo ni Lucas.
BINABASA MO ANG
TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Fiction généraleDrama, general fiction with romance that will lead you to mix emotions