CHAPTER 11

954 44 2
                                    

Maxielle

Ilang araw din kami naging busy sa office dahil sa nalalapit na event, pansamantala ko namang nakalimutan ang paghihigante ko, dahil doon sa nangyari sa bahay at dahil din sa maraming gawin sa opisina. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sa tuwing magkasama kami ni Kyzier ay nakakalimutan ko ang galit dito sa puso ko. Pero hindi ako magpapatalo,at sana hindi ako matalo.

Bukas na ang event at tapos na namin lahat para bukas. Maaga naman umuwi si Kyzier dahil sa bahay na lang daw niya babasahin ang ibang document para bukas.

Napapansin ko rin kanina pa na parang ang putla niya at panay hilot niya sa ulo niya. Pero hindi ko pinahalata na nag-alala ako baka magduda pasiya sa akin.

Pumasok ako sa office niya para ilagay sana ang mga iba pang papeles bago umuwi pero nahagip ng mata ko ang isang paper bag. Alam ko ang laman nito dahil pinakita niya to sa akin kanina.

Ang suit na gagamitin niya para bukas sa event.

"Paano ko ba to ibibigay? Hindi ko naman alam ang bahay niya, bahala na, magtatanong na lang ako.

Pumunta ako sa office nang supervisor para ipabigay kay Kyzier ang suit na ito.

Kumatok muna ako bago pumasok.

"Good afternoon Sir."

"Oh Miss Vergara, good afternoon. Ano ang maipaglilingkod ko?"

"Ah sir naiwan kasi to ni sir Kyzier sa opisina niya. Kailangan niya po ito para bukas. Baka po pwede pong pakibigay sa kanya?  Hindi ko po alam ang address niya eh," mahabang sabi ko.

"Miss Veragara,  Im sorry pero madami pa akong gagawin. Baka gabihin ako. Ikaw na lang kaya ang maghatid niyan, ibibigay ko na lang sayo ang adress." sabi niya habang sinusulat ang address ni Kyzier at binigay sa akin. Hindi na ako naka tanggi ng mag thank you siya.

Kasalukuyan naman akong nasa kotse ko papunta doon sa adress ni Kyzier.

Nagpark muna ako bago bumaba at pumasok sa condominium. Iiwan ko lang sana sa reception area ang paper bag dahil ayoko ko puntahan ang unit niya. Pero nagulat ako sa taong nag salita sa likod ko.

"Miss Vergara? Anong ginagawa niyo dito?"

Humarap naman ako at nakita si Kyzier na nasa harapan ko nakakunot ang noo.

"Ah sir,  ihahatid ko lang sana to, naiwan niyo po sa office," sabi ko sabay bigay ng paper bag.

Hindi niya tinanggap ang paper bag.

"Lets go to my unit," sabi niya sabay talikod.

Medyo nagulat ako sa sinabi niya, kaya di agad ako nakagalaw. Naramdaman niya siguro na hindi ako nakasunod kaya lumingon siya sa akin.

"Lets gi Miss Vergara, doon mo na ibigay sa unit ko yan," sabi niya at tumalikos naman ulit.

Sumunod na lang ako sa kanya,  nasa tabi niya ako habang naghihintay kami na magbukas ng elevator. Pagpasok namin sa elevator ay naiilang ako dahil kami lang dalawa dito. Nasa gitna siya nakatayo ako naman ay sa likod niya sa pinaka dulo. Ayoko na magdikit kaming dalawa nagwawala ang puso ko.

Tumigi ang elevator sa 15th floor, kaya lumabas na kami at pumasok sa Unit 1501.

"Gusto mo ba ng maiinom Miss Vergara?" Tanong niya ng makapasok ako.

Hindi ko na hinintay na sabihin niya na umupo ako, dumeretso na ako sa sofa niya at umupo doon.

Hindi ko narin sinagot ang tanong niya kung gusto kong uminom.  Dahil sumasakit na ang paa ko dahil sa heels na suot ko. Hinilot hilot ko ito para kahit papaano ay mahibsan ang sakit.

Lumabas naman siya galing sa kusina at linapag ang dala niyang juice. Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko gamit ang isang tuhod niya ay walang pan alinlangan na kinuha ang paa ko at hinilot ito.

"Sir anong ginagawa niyo?" Tanong ko sa kanya at binalak na hilain ang paa ko na hawak niya pero hindi niya ito binitawan.

"Bakit kasi panay suot mo ng heels e hindi ka naman sanay dito?" Nakayuko niyang sabi habang hinihilot parin ang paa ko.

Hindi naman agad ako nakasagot dahil sa sinabi niya.  Paano niya nalaman na hindi ako sanay mag suot ng heels?  Nakilala niya ba ako? Eh bakit wala naman siyang sinabi sa akin kung kilala na niya ako?  Ahh parang mababaliw ako sayo Kyzier.

"Ah sir ok na po ako, salamat," sabi ko sabay hila ng paa ko,  at umupo ng maayos.

Tumayo naman siya at umupo din sa kabilang sofa. At nakatitig na naman siya sa akin. Bakit ba panay tingin to sa akin? Sarap mo batukan Kyzier nakakailang kana.

Hindi ko na nakayaan ang titig niya kaya tumayo na ako.

"Sir mauuna na po ako,  kailangan ko narin kasing umuwi ng maaga, samalat po," pagkasabi ko at tumalikod na agad ako. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko nasuot ang sapatos ko kundi itong tsenelas na binigay pinasuot niya kanina sa akin. Napatigil ako sa labas ng pintuan niya. Nagdadalawang isip ako kung kakatok ulit ako o uuwi na lang na naka tsenelas. Napagpasyahan ko naman na kumatok na,  pero biglang nagbukas ang pinto kaya medyo napasubsob ako sa taong nagbugas na ito. Inilalayan niya naman ako na makatayo ng mabuti.

"Sir,"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil inilahad niya na agad ang sapatos ko sa harap ng mukha ko.

"Samalat po," sabi ko at dali daling kinuha ang sapatos at sinuot ito. Tyaka binigay ang tsenelas.

Nakita ko naman na napangiti siya ,pero nawala din iyon nong alam niya na nakatitig siya sa akin. 

Namamalikmata lang siguro ako,  isa pato sa nagbago kay Kyzier, hindi na siya tulad ng dati na palangiti. Ngayon parang pasan na niya ang mundo sa pagkabusangot niya palagi.

Nagpasalamat agad ako sa kanya at umalis na. Naiilang talaga ako sa kanya.  Nakakalimutan ko minsan na nagpapanggap lang ako na ibang tao kung siya ang kaharap ko.

Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong ako ni Kuya Lex at niyakap.

"Kamusta ang prinsesa namin?"

"Nakakapagod pala kuya ang magtrabaho sa office no?" Sabi at kumalas na sa yakap niya.

"Oo naman Xielle pero kung gusto mo ang trabaho mo ay maeenjoy mo naman ito, bakit nga ba nagtatyaga ka na magtrabaho doon e pwede ka namn magpatayo ng sarili mong business.?

"Para may experience ako kuya," sabi ko at hinila siya paubo sa sofa.

"Pwede ka naman magkaroon ng experience doon sa company ni kuya Vin ah."

Pag si Kuya Lex talaga ang kaharap ko ang dami niyang tanong. Tsk.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at nagpalinga-linga ang tingin ko.

"Kuya nasaan si ate Snow?"hanap ko sa girlfriend niya

"Sumama kay mommy sa mall, namasyal dahil uuwi na kami sa maynila sa makalawa."

Bigla naman ako nalungkot. Simula ng bumalik ako dito hindi pa kami ni mommy nakakalabas para mamasyal. Napansin naman ni Kuya Lex na bigla akong tumamlay.

"Xielle,  hindi ka naman nagseselos diba?"

"Sa totoo lang kuya nagseselos parin ako, hindi parin ako sanay na hindi na buo ang atensyon niyo sa akin kuya,"

Niyakqp niya naman ako.

"Pero kuya, masasanay din ako wag kang mag-alala," nakangiti kong sabi.

"Bakit hindi ka na lang mag boyfriend Xielle, total nasa tamang edad ka na naman."

"Kuya naman eh,"

Natatawa na lang si Kuya Lex sa akin. Tahimik man si Kuya pero pag kami lang ay medyo nagsasalita naman.medyo lang.
Hehehe

A/N
Sorry guys medyo maikli amg Ud ko ngayon.tinatamad ako mag update eh.


I WAS A BOY ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon