Ewan

1.3K 72 35
                                    

Naglakad-lakad ako sa hallway. Nagpalinga-linga. Tila hinahanap ko ang kanyang presensya. Di ko siya mahanap. Nalulungkot na ako at nag-aalala sa kanya. Nasaan na siya? Halos mag-iisang oras na akong naglalakad sa koridor ng aming paaralan para lang mahanap ko siya pero bigo akong makita siya. Napa-buntong hininga na lang ako at yumuko. Uuwi na lang ako.

Bago ako lumabas ng gate ng aming paaralan, sa huling pagkakataon, lumingon muna ako at nagmasid sa akin paligid. Baka sakaling mahagilap ng aking mga mata ang kanyang gwapong mukha pero sa kasamaang palad, di ko pa rin siya nakita. Malungkot akong naglakad pauwi.

Hangga't sa madaanan ko ang playground malapit sa aking bahay. Sa di malamang dahilan, napalingon ako at laking gulat ko nang makita ko siyang naka upo sa may duyan. Agad akong napa-ngiti at dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Tutal naka talikod siya kaya naman pagka-lapit ko sa kanya, umupo ako sa katabi niyang swing. Tinignan ko lang siya at mukhang di niya pa ako napapansin dito. Naka suot sa tenga niya ang kanyang headset at may mga pagkakataong kumakanta siya ng pa-bulong. Tinitigan ko lang siya at talagang di man lang niya naramdaman ang presensya ko. Nalungkot naman ako dun kaya napa-kanta na lang ako.

"Hindi ko alam kung bakit ka ganyan

Mahirap kausapin at 'di pa namamansin

Di mo ba alam ako'y nasasaktan

Ngunit 'di bale na basta't malaman mo na"

Tinititigan ko lang siya habang kumakanta ako. Damang-dama ko ang kinakanta ko dahil bagay na bagay ito sa akin.

"Mahal kita, mahal kita

Hindi 'to bola

Ngumiti ka man lang sana

Ako'y nasa langit na

Mahal kita, mahal kita

Hindi 'to bola

Sumagot ka naman wag lang..."

Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumingin sa akin at tinanggal niya ang naka kabit na headset sa kanyang tenga kaya napatigil ako sa aking pag-kanta. May halong pagtataka niya akong tinignan. Siguro iniisip niya na baliw ako kasi nagsasalita ako mag-isa dito. Baliw naman talaga ako ehh. Baliw sa kanya.

"Anong sinasabi mo dyan, Clarisse?" Kunot noo niyang pagtatanong sa akin.

"A-ahh. W-wala." Nauutal kong sabi sa kanya.

Tinitigan niya lang ako. Iniwas ko agad aking tingin sa kanya dahil pakiramdam ko, babaligtad ang sikmura ko. Parang may kung anong kumakalikot sa sikmura ko at bahagyang uminit ang aking pisngi. Nakakahiya sa kanya kapag nakita niya ang aking namumulang pisngi.

"Ewan." Tumayo na siya at nagsimulang maglakad papalayo sa akin.

Napa-nguso na lang ako at gusto kong mag-wala dahil sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim at hinabol ko siya. Hangga't sa maabutan ko siya at hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Zach, mahal kita." Naka ngiti kong sabi sa kanya. Tinitigan niya lang ako kaya agad kong binitawan ang kanyang kamay at iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Nakakahiya kaya. (Zach pronounced as Zack.)

"Anong kinain mo kanina?" Tanong niya ssa akin. Napa-kunot naman ang aking noo dahil sa tanong niya.

"Ha? Siopao."

"Asado o bola-bola?"

"Bola-bola."

"Ahh okay. Kaya pala. Puro ka pambobola. Tss." At tuluyan na siyang umalis.

EWAN [One-Shot Story] -Editing-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon