Sa isang hardin na puno ng bulaklak at halaman
Gaano kalaki ang tsansa na ako'y iyong mamataan?
Kung mayroon namang Mirasol, Gumamela't Santan
Mapansin pa kaya ang isang rosas na tila natabunan?Sadyang matinik kaya baka di rin matipuhan
Sa dami ng naroon ako pa kaya'y magustuhan?
Paglaanan kaya ng oras upang sandaling mapagmasdan
Ang isang rosas na may taglay na pambihirang kagandahan-lady_issa
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryAng isang tula, malaya man o may tugma, maikli man o mahaba ay tula pa rin na maituturing. Ito ay isang sining na karugtong ng puso ng isang manunulat. Ang librong ito ay naglalaman ng mga tulang aking isinulat. -lady_issa