Chapter 84

2.3K 129 49
                                    

Kiej's POV.

Ang kantang 'yon ay para bang tumatak sa aking isipan, dahil siya ang kumanta. "Delabin..." hindi ko pinakinggan ang sinabi niya.

"matulog na tayo," usal ko na para bang hawak ko na ang mundo ko.

"hmm," akala ko naman ay aangal pa siya dahil di ko na talaga alam kung paano e r-react rito. Napahawak lang siya sa damit ko na para bang galit siya dahil sa pagkakadiin noon.

Kinakabahan ba siya? HAHAHAHAHAHA

^___________^

Kinuha ko ang kumot tsaka inayos 'yon sa aming dalawa. Hinayaan ko na yakapin na rin ako ng antok sa pagkakataong yakap ko rin ang babaeng to.

K I N A B U K A S A N

Naupo ako bigla para tingnan ang nasa kabilang side ko knowing naaalis si Lhex ngayong araw.

Pero wala na siya roon.

Napatayo ako at lumabas ng kwarto, "Ate Jas?? Mom?" tawag ko sa mga ito. Habang pababa ako ng hagdan ay tinatawag ko parin sila.

"Mom!!!" sigaw ko na parang batang umiiyak ngayon.

"Baby! Are you okay? What happened?" palabas niya na naka apron pa, sumunod naman si Ate Jas na may hawak na sandok at umaasang may susunod pa pero wala.

Hindi ko alam paano ito tatanungin pero agad akong bumaba at tinungo ang kusina, kung saan ay nakatuon ang kaniyang atensyon sa ginagawa nito. Parang nawalan ng tinik ang aking dibdib sa mga oras na 'yon, akala ko ay aalis siya ng di man lang nagpapaalam sa akin.

"Kaya naman pala, akala mo naman may nawawalang bagay sayo brother, tao naman pala," kahit di ko siya lingunin alam kong nakangisi siya ngayon.

"Gosh baby pinakaba mo ko," usal ni Mom at nagbigay ng napakalapad na ngiti, tsaka pumunta sa gawi ni Lhex.

Walang palya ang kaniyang pagtikim kung masarap ba 'yon. Tsss, engot siya naman ang champion noon diba?

Nagluluto ba siya para sa akin? WAHAHAHAHA! Ang swerte mo Kieeej!

"Lapad ng ngiti ah, patingin?" sinilip ni Ate Jas ang mukha ko, pero kahit anong pilit kong alisin ang ngiti ay di ko magawa. "Luuuuuuhhh! okay ka lang?" napangiwi naman ako. "Kagabi ka lang broken hearted, parang okay na ah," hindi makapaniwalang usal niya. Pinagmamasdan ko naman si Mom and Lhex na nagpapalitan ng salita na di ko alam 'yon.

"Hindi ko alam Ate pero parang nawala na lang bigla, nasaktan ako pero parang di tulad ng iba. Tipong di na sila nakakain, kumukulong na lang o parang nababaliw na sana balikan sila. Nagtataka rin ako bakit hindi ganoon ang naranasan ko ngayon, habang nasasaktan," sambit ko habang nakatuon ang tingin kay Lhex, na nakangiti habang kinakausap si Mommy.

"Aysuus! alam mo na 'yon, denial ka lang talaga, Brother. Alam mo na eh, nakikita na ng dalawang mata mo' yong taong gusto mo. Ayaw lang ma digest ng utak mo na siya ang pinili ng puso mo, napakadenial mo kasing tao," napakunot naman ang noo kong nilingon siya.

" pwede ba Ate! "

"Ohhh? ayan ka na naman brother, paulit ulit na naman tayo, e. Bakit ba parang hirap na hirap yang utak mo? kung libro mo kaya mong intindihin yang nararamdaman mo pa kaya?" napamaang ako dahil sa sinabi niya.

Denial nga ba ako?

"Alam mo brotheeer? meroon na, e. Halatang halata na nga," nakangising usal niya.

THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon