Breaktime na naman. At ayan na naman ang kantahan ng mga kaklase ko. Syempre nangunguna na dyan si Rex. Isa siya sa mga naggigitara at sinasabayan naman ng mga classmate ko. Ako naman, patingin-tingin lang. Pangiti-ngiti.
“Just take my hand, fall in love with me again
Let's runaway to the place
Where love first found us
Lets runaway for the day
Don't need anyone around us”
Napasabay na rin ako sa pagkanta. Ang galing niya talagang maggitara. Ang ganda pa ng boses niya. Parang matutunaw ka kapag nakatingin siya sayo habang kinakanta niya yun. Maya-maya lang ay natapos na sila at nagsibalikan na sa kani-kanilang upuan dahil parating na si Sir Marck.
“Hay! Kapagod! Nakalimutan ko tuloy kumain.” Sabi niya habang nilalagay niya yung gitara niya sa lalagyan.
“Masyado mo kasing naenjoy pagkanta eh.” Tinignan ko lang kung paano niya ilagay yung gitara niya. Oo nga pala, seatmate ko siya.
“Ang saya kasi eh. Hahaha!” tapos ngumiti siya na halos mapangiti rin ako dahil dun.
“Oh eto oh, may natira pa akong pagkain. Gusto mo?” Inabot ko sa kanya yung biscuit na hindi ko nakain dahil busog na ako.
“Uy! Salamat Mae! Ang bait mo talaga!”
At nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Pinisil niya yung ilong ko kaya napatalikod ako bigla. Baka kasi makita niya na namumula yung buong mukha ko. Nakakahiya naman yun di ba?
“Shallamhaat ulhheeet!” narinig kong sabi niya at alam kong nagsasalita siya habang kumakain. Tumango nalang ako at nakatalikod pa rin sa kanya.
Siya si Rex Meneses. Isa sa mga kaibigan ko pero higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya. Mahal ko siya. Pero sino nga naman ba ako? Kaibigan lang naman niya ako. At hanggang doon lang ako. Alam ko yun. Friendzoned kung baga.
Yung hanggang kaibigan lang.
Yung hanggang doon nalang.
Yung may limit.
Halos araw-araw ay kumakanta siya tuwing breaktime. Ibaa-ibang kanta. At nakakainis dahil tinatamaan ako sa bawat kanta niya.
Kung pwede lang siyang batukan doon at sabihing, “Itigil mo nga yan! Panaman ka masyado eh!”
Naiinis rin ako sa mga babaeng laging nakapaligid sa kanya pag tumutugtog siya. Palibhasa kasi maganda ang boses nila kaya nakakalapit sila sa kanya at sumasabay sa pagkanta niya. Habang ako, nakatanaw lang dito sa upuan ko.
“Natapos rin! Ang sakit ng kamay ko!” bumalik na siya sa upuan niya at bigla akong kinabahan nung nagkadikit yung balat naming. Parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko.
“Mae, pamasahe ng kamay.” Inabot niya yung kamay niya sa akin at tinignan niya ako sa mata at nagpacute pa siya. Now I’m totally screwed. Sino bang hindi papayag na mahawakan yung kamay niya? Aba chance ko na rin ‘to para manyakin, I mean mahawakan yung kamay niya.
.“Okay. Kinakarir mo masyado pagiging gitarista ah. Haha.” Sinimulan ko nang magmasahe at halos gusto ko nang tumili sa sobrang kilig! Grabe torture ‘to! Ang lambot lambot pa ng kamay niya.
“Ang galing mo palang magmasahe eh.” Napatingin ako sa kanya at halos malaglaag ako sa upuan ko nung nakita kong sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Idagdag mo pa na nakangiti siya habang nakatingin sa mga mata ko. Ayoko na, yung puso ko ang bilis na ng tibok.