Ikalabingdalawang Yugto: Alex Knows Best

62 3 0
                                    

        ...Hindi na namin pinag-usapan ulit ni Alex si Sam at Seth hanggang sa matapos ang game. Buti nanalo kami. Dikitan ang laban. Lumapit na lang ako sa team at kinongratulate sila on behalf of the SC. Inaya ko naman si Alex mag-coffee. Alam ko sa pag-aaya ko sa kanyang magkape eh mauungkat na naman ang nangyari kanina.

Alex's POV
        Inaya ako ni Celest mag-coffee. Ang totoo niyan ayoko sanang pumayag kasi uungkatin niya ung kay Nicco. Di bale uungkatin ko na lang ung kay Seth at Sam. Kaso ayoko naman talaga pinag-uusapan ang mga lalaki. Alam kong may ibang motibo ang mga yon lalong lalo na itong si Nicco at Sam. Itong si Nicco pinagpapasensyahan ko na lang. Kungdi lang siya kambal ni Talya eh matagal ko na siyang tinadyakan. Hehe. Sadista ako! Nerd man sa inyong paningin marunong ako ng basic self-defense at hinding-hindi ako magdadalawang isip na gamitin laban sa kanya.

        ..."What do you like Alex?" tanong ko habang nasa counter na kami. "The usual na lang tsaka blueberry cheesecake." sagot ni Alex habang naghahanap na ng mauupan namin. Umupo kami sa isang secluded part ng cafe mukhang magiging masinsinan ang aming usapan.

        Inunahan ko na si Alex bago pa siya makapagtanong sa akin. "So anong meron sa inyo ni Nicco?" intrigang tanong ko kay Alex. Nagpout si Manang Alex. "Pilit niya kasi akong kinukulit. Di niya ako titigilan kapag hindi ako pumayag manood ng game." naiiritang sagot niya habang mukhang iniisip ang mga ginawang pangungulit ni Nicco. "Bakit ka naman niya aasarin? Di ba si Talya lang naman aasarin nun." sbai ko habang kumakain ng cake. "Yun na nga eh. Pero ako ang pinagdidiskitahan. Pinupuntahan pa niya ako sa bahay at take note lasing siyang pupunta. Akala tuloy ni Mama at Papa boyfriend ko siya. Kadiri siya." iritang sabi ni Alex. Natatawa ako sa kuwento niya. "Baka naman nagugustuhan ka na niya?"panunukso ko kay Alex. "Yuck! No way! Never in a thousand years. Besides I smell something fishy. He won't be bugging me if there is no significant reason. Remember he despises girls like me. Kung may mutual understanding man kami eH MU kami na ayaw namin sa isa't isa so sure akong pinagtritripan niya lang ako. Ang di ko lang sigurado bakit niya ako pinagtritripan." paliwanag ni Alex. Very analytical talaga si Alex.

(A/N: Alex ang galing mo!)

        "Eh ikaw? What happened between you and Seth? Di ba nagiging okay na kayo? Kung tutuusin perfect match kayo. I hate guys but I think he seems to be suitable for you. Di naman siya kukunin na fiance ng parents mo if he is not good enough for you db?" si Alex. Gumanti na ng tanong. "Oo. Pero sabi niya i deserve the best and he said he is not the best." maiksi kong sagot. "May point rin naman pala siya eh. He is an ice cold prince. Napakamanhid. Pero kahit naman nakalabuan kayo eh pwede pa rin na maging kayo lalo na kung di siya makapag-asawa before he turns 25 and so are you right?" pag-aanalisa ni Alex. "Tama. Pero ang hirap kasing pakisamahan kung di kami magiging maayos ngayon basta magulo kahit ako hindi ko maintindihan eh. Si Sam naman parang ung ginagawa ni Nicco
sa iyo." sagot ko habang hinihiwa-hiwa ang keyk. "Di kaya napagtripan lang ng magkaibigan un?"si Alex. Nagkibit-balikat na lang ako. "Basta Celest stay away from Sam. I will stay away from Nicco. Besides, may rule ang barkada natin na wag papatulan ang mga kapatid." si Alex. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Sadyang Alex knows best.

Comments? Sorry for the short updates...Wag ng mahiya :)

The Perfect Girl for the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon