TWENTY TWO

1.5K 30 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim


Pagka-uwi namin, patay na ang halos lahat ng ilaw sa loob ng mansyon. Ang mga ilaw na lang sa labas, sa balkonahe at sa may pool area ang naka bukas. Bukod sa mga guardiya na nag lalakad-lakad sa labas ng bahay, mukhang tulog na ang lahat.

"Hey, Sheena," napalingon ako kay Yeupo nang tawagin niya ako.

"Mm?"

Ngumiti siya "We enjoyed going out with you," sinserong anito

Hindi ko inaasahang sasabihin niya 'yon sa sobrang sinserong paraan. Na para bang napakalaking utang na loob ang ginawa kong pag-sama sa kanila na mamasyal, kahit na sa katunayan ay ginusto kong sumama sa kanila. Na-antig niyon ang puso ko, nakaka-touch ang kanyang tinuran, maging ang mga ngiti nila.

Napangiti ako at hindi ko napigilang yakapin silang dalawa.

"I never had a sister...and never wanted one, because I am afraid that having a sister means less love for me from my parents and brothers. They might give all their attention to her," madamdamin kong sambit, bumitaw ako sa yakap at humarap sa kanila. Nag-a-abang sa susunod kong sasabihin ang mga reaksyon nila, ngumiti ako.

"But I never thought that I will regret those thoughts. Because, having a sister is a wonderful thing. You can shop together, done your hair together, treat each other, go to the spa together, you can do all things together," emosyonal ko iyong dagdag at ngumiti. Nakita ko rin ang bahagyang pagiging emosyonal ng reaksyon nila. "I realized all those things because of you, guys."

"Ahhh..." Naaantig na usal ng magkapatid.

Bigla ay natawa ako dahil naging emosyonal kaming bigla pare-pareho.

Matapos ay pumanhik na kami sa kanya-kanyang kwarto. Nasa kanan ang kwarto nilang dalawa, magkatabi lang ang kwarto nila. Samantalang ako ay sa kabilang side. Pagpasok ko ay hindi ko inaasahang sasalubong sa akin si Kenzie.

"It's late," salubong nito agad sa akin. Naisara ko na ang pinto ngunit nanatili ako sa kinatatayuan ko. Lumapit siya sa akin para lang maistatwa matapos ang hindi inaasahang gagawin niya.

Niyakap niya ako at hinalikan ang aking sintedo. Napakabanayad ng naging kilos ng isang kamay niyang inihawak sa gilid ng ulo ko at halik niya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa ginawa niya. Hindi ko expected iyon. Mabuti na lang at iyong lampshade na lang ang nakabukas ang ilaw, hindi abot ng liwanag niyon ang kinatatayuan ko kaya hindi niya makikita ang pamumula ko.

"You're still awake," pinilit ko ang sarili na huwag ma-utal. Nag lakad ako patungo sa may couch at nilagay ang mga pinamili ko at ang aking gucci sling bag. Naramdaman kong sumunod siya sa akin.

"I was waiting for you. So, did you enjoy your date with your cousins?" nakangiti nitong tanong, tila masaya siya na lumabas kami ng mga pinsan ko at excited na marinig kung nag enjoy ba ako.

Ngumiti ako "Of course."

Ngumiwi siya "Hindi halata."

Lumingon ako sa gawi ni Zaiah na mahimbing nang natutulog sa pinaka-gitna ng kama. Saka ko ibinalik ang tingin kay Kenzie.

"I'll just take a shower."

"Okay."

Sinulyapan ko muna ang anak ko bago tuluyang pumasok sa shower room. Mabilis kong tinapos ang pag-ligo ko. Sa banyo na rin ako nagbihis. Paglabas ko ay naabutan ko si Kenzie na natutulog na sa couch. Gusto kong maawa sa pwesto niya ngayon habang nakahiga sa couch. Bumabaluktot ang katawan niya dahil hindi kasya sa couch ang tangkad niya bagaman kasya ang dalawang tao sa couch na hinihigaan. Matangkad kasi si Kenzie.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon