Prologue

9 2 3
                                    

"Mama!"

"Yes anak?"

"Bakit wala po akong papa?"

"K-kasi anak..."

"Sina Avril kasi... merong tinatawag na daddy... tapos... ako... wala..."

"Anak... makinig ka. Wala ka ngang papa, pero nandito naman ako. All in one ako. Mama mo ako, pwede narin akong maging papa mo, tapos pwede mo rin akong kapatid."

"Pwede po ba yun?"

"Oo Anak, syempre."

"Eh kung father's day... ikaw ang bibigyan ko ng letter? Pag magpapakilala ako sa iba, sasabihin ko bang... 'my mother is Yana San Jose and my father is Yana San Jose?"

"..."

Hindi nakapagsalita si Mama at tumingin nalang sa mabituing langit.

"Okay po ba iyon mama?"

"Gusto mo ba talaga na magkaroon ka ng papa?"

Nangislap ang mga mata ko sa sinabi ni mama sa akin.

"Opo!"

"Pwes... humanda ka na at makikilala mo na ang iyong papa bukas na bukas."

"YEhey!"

Nagtatalon-talon ako sa tuwa sa narinig ko. Magkakaroon na ako ng papa. Yes!

"Avril! Sabi ni mama bukas makikilala ko na raw ang papa ko."

"eh ano ngayon kung makikilala mo? paki ko?"

"hindi mo na ako aawayin!"

"at bakit naman?"

"dahil meron na akong papa!"

"whatever!"

"Anak nandito na papa mo!"

bumulaga sa akin ang lalakeng matangkad tapos may konting bigote sa mukha na may kanlong na baby.

"at ang kapatid mo..."

"meron ho akong kapatid?"

"meron."

"hello... po."

"hi Yuri. Simula ngayon ako na ang magiging papa mo. at si samuel naman ang magiging younger brother mo."

"Simula ngayon?"

Tumango siya.

"Diba anak...  yun naman ang gusto mo? ang magkaroon ng papa?"

"Opo."

"Yuri!!!!"

"Opo ma?"

"Bakit hindi mo binantayan si Sam? Tignan mo ang nangyari sa kapatid mo!"

"huh? may bukol po siya sa ulo!"

"at dahil yun sa kagagawan mo bata ka! parati ka lang naglalaro! hindi mo iniisip ang kapatid mo!"

sabay hampas ni mama sa kin ng walis tingting.

"Maaaa!" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#EpicFailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon