ERRORS AHEAD
Chapter 1
~•𝙰𝚜 𝚊 𝚏𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍•~
Gael's POV
"Bilis na Mia!!!"
Sigaw ko sa bestfriend ko. Kanina pa ako sa labas ng bahay nila at hinihintay siya.
"Wait! Gael!!! Tae naiwan ko yung notebook" sabi nito sabay balik na naman sa loob ng bahay nila
"Grabe sa tagal mo na yun may nakalimutan kapa?"
Sabi ko dito sabay akbay at gulo sa buhok niya
"Wag buhok ko!!!"
Pagmamaktol niya at muling sinuklay ng maayos ang kanyang buhok
"Bat ka nagpapaganda"
Tanong ko dito habang naglalakad na kami papasok sa aming paaralan. Halos araw-araw sinusundo ko siya papasok at sabay din kaming umuuwe
"Ahm kasi ano"
Pakagat-kagat labi pa siya habang iniisip kung sasabihin ba sa akin o hindi ang kanyang dahilan
"Tss. Siguro may krass kana sa campus naten no! Ayieeh. Sino yan? Sumbong kita kay tito"
Pang-aasar ko dito. Muli akong napatitig kay Mia at iba talaga ang awra niya ngayon.
"Hoy! Gael!"
Naramdaman ko nalang ang pagbatok nito.
"Natulala ka sa ganda ko? Well di naman kita masisisi"
Aniya habang nagpapacute pa sa harap ko. Anong nangyayare sayo Gael.
"Ang kapal naman ng mukha mo Miapot. Hindi ka naman maganda"
Kontra ko sa sinabi nito. Sinagot lamang ako ng irap at naglakad ng mas mabilis"Joke lang naman miapot. Galit kana agad"
Akbay ko dito. Naamoy ko ang halimuyak na bango nito.
"Araay!!!"
Napaaray nalang ako ng pitikin ako nito sa ilong.
"Bat moko inaamoy????!!"
Nakataas na kilay na tanong nito"Ehh? Sino nagsabing inaamoy kita? Ang sakit ah yung ilong ko"
Hinimas ko ito, nagkunware akong masakit ito
"Patingin nga! Ikaw kasi eh!"
Yumuko ako dito at pinakita ang ilong ko. Ilang pulgada lang ang layo ng kanyang mukha sa akin. Teka?!! Bakit parang kinakabahan ako
"Wala namang sugat e. Nagiinarte ka lang e!"
"Hello mia!"
Pagbati ni Jaz. Umayos ng pagkakatayo si Mia at parang ewang nagpapacute dito
"Hi Jaz"
Pangiti-ngiting pagbati nito."ehem!" pagbasag ko sa eksena
"Ah sige, see you later Mia"
Pagpapaalam ni Jaz. At si Mia parang uuod na binudbudan ng asin
"Kaya pala nagpapaganda at nagpapabango. Jaz pala ah. May date kayo?"
Tanong ko dito sabay nagsimulang lumakad palayo.
"Hmm diko pala nasabi sayo. Inaya ako ni Jaz manuod ng game nila mamaya"
Sumabay siya sa aking paglalakad. Di ko ito pinansin. Naglakad ako ng mas mabilis
"Uy! Sorry na Gaelpot!"
Pagtakbong lumapit sa akin at pinulupot ang kanyang kamay sa aking braso. Dugdugdug rinig kong parang tumatambol sa dibdib ko. Gael anong nangyayare sayo."Gael, gusto mo sumama ka nalang samin. Sasabihin ko nalang kay Jaz na sasama ka"
Tinanggal ko kamay niya sa aking braso"Ano ako thirdwheel? Tss. Makipagdate kana malaki kana. Alam mo na ang tama at mali"
"Galit ka eh. Paano ko maeenjoy ung date wait! Hindi yun date manunuod lang ako ng game nila"
Nakabusangot niyang sabi.Kringggg! Kringgg!
Hudyat na simula na ng first class"Basta wag kang magpapagabi ah. Halika na baka malate pa tayo"
Nakangiti na muli ito"Yey! Sabi ni Jaz hahatid niya ako. Tara na!"
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa aming silid.Halos hindi ako nakapagfocus sa klase namin kakaisip sa date nila Mia at Jaz. Kilalang playboy sa campus si Jazper Melendez. Kaya di ako panatag na nagkakalapit sila ni Mia. Ayokong masaktan ang bestfriend ko dahil sa mokong na yun.
"Mr. Cortez"
Narinig kong pagtawag sa akin nga assistant coach."Sir! Ako po"
Paglapit ko dito"Okay, gawin mo na yung pagdribble at shoot"
Pagpapaliwanag nito. Sa totoo lang di ko alam bakit napag try out ako. Sinabi nalang sakin ni Mia na sinulat niya ang pangalan ko sa mga gustong mag try out. Yung babaeng yun talaga! Di ko na nasabi dito na ngayon ang try out ko. Mukhang nasakop na ni Jaz ang pagiisip niya.
Natapos ang try out namin. Narinig ko ang hiyawan sa kabilang court. Dito nga pala yung practice game.Napansin ko nalang na nasa labas na ako ng court. Hinanap ng mata ko si Mia. Nakaupo ito sa bench nila Jaz.
"Woooh! Go Jaz!!"Todo sigaw nito. Umupo na din ako sa loob at nanuod ng game. Walang duda na pang MVP talaga ang galing ni Jaz. Lumapit ito sa bench at pinunasan ni Mia ang mga pawis nito.
Shit! What? Wait Ano bang nangyayare sakin. Tumayo na ako at nagsimula ng umalis sa court. Naglalakad ako pauwe sa amin. Napahinto nalang ako ng makita kong bumaba sa kotse si Mia.
Hinatid siya ni Jaz. Lalapit na sana ako ng halikan siya sa pisngi ni Jaz. Kitang-kita ko ang saya sa mata ni Mia. Masaya itong nagpaalam kay Jaz at hinintay na mawala sa kanyang paningin ang sasakyan nito. Tsaka siya pumasok sa kanilang bahay.Tumigil ako sa tapat ng bahay nila. Dating gawi, tinatanaw ang liwanag ng nakasinding ilaw sa kayang silid. Di ko alam ilang oras akong natayo doon
Naramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone. Si mia nagtext
Miapot❣
Gael!!!!!! Inaya ako magdate ni Jaz 😍😍😍Dama ko ang kasiyahan sa mga salitang nasa kanyang mensahe pero bakit parang may kirot sa dibdib ko. Muling nagvibrate
Miapot❣
Hinatid niya pala ako dito sa bahay. Safe po ako nakauwe. Wag kana magalit 🥺. Tulog kana ba?At diko pa din nireplayan ang kanyang mensahe.
Miapot❣
Gaelpot! Goodnight na po. Loveeyouu!Napangiti ako sa huling mensahe niya.
Miapot❣
Oy loveyou as a friend yun baka ano na naman ipanloko mo sa akin hmpk. Goodnight na talaga. Kwento ko nalang sayo bukas. Bye!Muli kong tinanaw ang kanyang silid. Pinatay na niya ang ilaw. Bagsak ang aking balikat na naglakad pauwe.
Yeah. I know. She loves me
as a friend.
YOU ARE READING
Unsaid Iloveyou [on-going]
RomanceMahirap mainlove lalo na kung sa kaibigan mo. Paano mo ba masasabi na nahuhulog kana kung kapalit nito ay mawala ang pagkakaibigan niyo. Hanggang kailan maitatago ni Gael ang nabubuong pagmamahal niya sa matalik na kaibigang si Mia. Lalo na sa tin...