YOW! FOR THIS CHAPTER I RECOMMEND YOU TO LISTEN TO WHERE YOU ARE BY JESSICA SIMPSON AND NICK LACHEY FOR MORE SAGAD NA FEELS. VIDEO CAN BE FOUND SA DULO NG UPDATE. OR KUNG KERI DOWNLOAD NYO YUNG KANTA PARA DI MAHIRAPAN. THANK YOU!!
SYEMPRE IPLAY NYO LANG SA PART NA KAKANTA NA SILA. WAG SA BUONG CHAPTER HAHAHAHA.
------------------
"Mr. Soriano and Ms. De Guzman, get ready for your duet. Malapit na mag-scene 19." paalala sa amin ni Mam Cabral. May duet kasi kami ni Neo, Where You Are ang title. Si Jessica Simpson at Nick Lachey ang kumanta. Hindi namin masyado pinapractice ito tuwing rehearsals, mataas kasi yung kanta, ang sabi kasi nila Mam eh ireserve daw namin ang boses namin.
Ngayon lang namin to gagawin ng todo. Sinisiliban na naman ako ng kaba, hindi dahil haharap na naman ako sa mga audience. Dahil may part don na kakanta kami ni Neo nang magkaharap, baka matameme ako sa pogi nyang mukha at hindi ako makakanta ng ayos...
"Relax." biglang lumapit sa akin si Neo. Di talaga ako marunong magtago ng nararamdaman, halata sa mukha ko na tensyonado ako. "Lalo ka lang mamemental block."
"O-oo." pinipilit ko talagang magrelax.
"Kasama mo naman ako eh. Pag napahiya ka damay na ako." bigla syang tumawa. Natawa din ako. May point nga naman sya, mag-kaeksena kaming dalawa so buhat buhat namin ang isa't isa.
"Pag talaga to natapos, magpapaparty ako ng isang baranggay." sabi ko pa. Natawa sya.
Sinilaban pa ako ng dobleng kaba nung pumasok na sa backstage ang actors for scene 18. Nakakaloka dahil ako ang unang lalabas. Pag part na ni Neo saka palang sya lalabas.
"Sab, pasok!" kahit sinisiliban ng kaba ay pinilit ko mag-on character. Pumasok ako at umarteng sobrang lungkot. Tumugtugtog naman na ang minus one ng 'Where You Are'. Nung hudyat na ay sinimulan ko ng kumanta.
Oh oh
Oh ohNag-hum pa ako, habang nakatingin sa kawalan. Bahala na kung mukha akong galing mental.
(Sab)
There are timesI swear I know you're here
I forget about my fears
Feelin' you my dearNasulyapan ko pa si Neo sa gilid ng stage. Seryoso na naman syang nakatingin sa akin. Tuwing kumakanta ako at napapatingin ako sa kanya, laging syang seryoso.
Watchin' over me
My hope sees
What the future will bring
When you wrap me in your wingsTumaas ang boses ko sa sumunod na part. Nakita ko pa si mama na maiiyak na, magkapatong pa ang kamay na nakalapat as dibdib. OA amp. Favorite nya kasi yang kanta na yan nung pinagbubuntis nya si Santino.
And take me where you are
Where you and I will be together
Once again, we'll be dancin' in the moonlight
Just like we used to do
And you'll be smilin' back at me
Only then will I be free
When I can be, where you areNaanigan ko pa ang pagpasok ni Neo. Nag-iritan ang mga tao sa kilig. Nakita ko pang si Jade naman ang nanghampas ng banner kay Chloe.
(Neo)
And I can see your face
Nagtaasan ang balahibo ko nung pumailanlang ang napakalamig nyang boses. Unang linya palang ng pagkanta nya, pamatay na. Umarte akong parang nagulat na sumunod sya, yung ang nakasaad sa script.

BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
RomanceDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.