Chapter VI
Hindi ko hinangad na magkaroon ng sobrang daming kaibigan. Ang gusto ko lang ay yung totoong kaibigan kahit dalawa lang sila ay ayos na sa akin.
At higit sa lahat hindi ko hinangad na magkaroon ng kaibigan na katulad ni Autumn na rapist-wannabe ang niyupak na lalaki na iyon. Lagi akong stress pag nakikita ko siya at pag naririnig ko ang boses niya at yung mga inaasar niya sa akin.
Lagi akong naiirita pag nakikita ko siya sa campus na ito. Kaunti na lamang ay gusto ko ng maging bulag para hindi ko makita ang pagmumukha niyang laging nakangiti sa akin.
Ngayong araw wala akong makitang Autumn. Salamat naman at sana hindi ko siya makita sa buong araw na ito at masasabi kong ito na ang magandang araw ko.
Pumasok na ako sa banyo para makapagpalit ng PE uniform dahil ngayong araw ang Volleyball namin na hindi ko matutunan ang pag recieve at serve. Lagi akong nahuhuli sa mga scores nila pero hindi ko masasabing ako talaga ang pinakamababa tuwing PE namin.
Pagkasara ko ng pintuan sa isang cubicle, may mga studyante naman na pumasok. Naguusap-usap pa silang dalawa sa ibang bagay hanggang narinig ko ang pangalan ni manyak.
"Nasa ibang school ang mga swimmers eh."
Hinubad ko na ang suot kong uniform at nagpalit ng t-shirt.
"Kaya pala wala si Autumn kanina sa swimming pool eh!"May paghihinayang sa boses ng babae.
"Ang galing talaga ni Autumn sa lahat ng bagay."
So, ang rapist na iyon ay isa palang swimmer sa school na 'to ah? Tsaka campus crush talaga ang loki na iyon! Kaya pala wala ang rapist na iyon dahil may practice sa ibang school.
Pinasalukop ko ang mga kamay ko at nanalangin ng taimtim na sana hindi muna sila bumalik dito at magtagal pa roon hanggang maguwian para hindi ko talaga siya makita.
"Sayangs yung abs hahaha"Napatigil ako sa panalangin na naghagikgikan silang dalawa dahil sa sinabing 'abs'.
Tsk! Yung rapist na iyon may abs? Sabihin niyo tabs ang meron ang manyka na iyon!
Nakapagpalit na ako ng PE uniform. Pagkalabas ko sabay na napatingin ang dalawang babae na naguusap kanina sa salamin. Yumuko nalang ako at nagtungo sa kanan para maghugas ng kamay pero yung tingin nila ay nakakasaksak.
"Diba siya yung binigyan ng tinipay ni Autumn?"Napalingon nalang ako sa kanang gawi ko dahil ako ang pinaguusapan nila.
"Oo nga noh."Tatanungin pa sana nila ako pero kaagad na akong umalis at nagtungo sa locker ko para ilagay ang damit ko.
Nakapasok na ako sa Gym at lahat sila doon ay naglalaro ng bola at iba pang mga studyante na ang sports naman ay table tennis at badminton. Malaki ang Gym na ito at may kanya-kanyang area ang sports. Sa pagkakaalam ko may tatlong Gym dito sa campus. Yung isa ito ang may mga by area. Yung isa naman ay para sa tournament for Basketball only at yung huling Gym ay for badminton, tabletennis at Volleyball.
May swumming pool din dito at yung open filled for soccer and Archer. Sobrang laki ng school na ito dahil may pagka-semi private ito.
Nagpapila na si Sir Alvin para makapagumpisa na kami. Pumila ako sa pinakalikod kung saan talaga ako nababagay na lugar. Mahahalata ang sigla sa mukha nila dahil PE ngayong araw na hinihintay ng lahat.
YOU ARE READING
If I Fall
Teen FictionMeet Aevy Rize Tovey. A high school student who's in love with autumn (season). She's an outcast in their room because no one wants to talk to her with a thought of she's a little bit weird. Then, with an unexpected day of her life, she met a guy wh...