Castriel.
Nagising ako ng maamoy ang mabangong aroma ng pagkain, tiningnan ko kung anong oras na.
6:00 pm?
Nakatulog pala ako sa kakamuni-muni... agad akong naligo at nagtungo sa kusina.
Nakita ko si CJE09 na nagluluto, naka apron, nakapusod ang mga buhok at nagluluto.
'Akala ko ba carbonara spaghetti and muffins lang ang kaya niyang lutuin'
Tiningnan ko ang niluluto niya, nagulat ako ng makitang puro GONUS yon..
In short sunog yon.
Sunog na pritong tilapia, sunog na pritong chicken legs, at sunog na bacon.
Nakapamay-awang akong tumayo sa likuran niya.
Hindi niya napansin ang presensya ko dahil sa sobrang abala niya sa pagluluto,
'Tss GONUS girl'
Sa sobrang abala niya ay hindi nya namalayan na nasa likod niya pala ako.
Kaya ng humarap siya ay..*BLAGGG*
Parang nagslow motion ang lahat, ang sabay na pagbagsak namin ay nag slow motion sa paningin ko, at hindi ko i aasahang MAHAHALIKAN NIYA AKOO
'YUNG FIRST KISS KO HUHU'
(LALAKI TALAGA YAN GUYS PROMISE HAHAHA)
Napatulala siya sa akin, habang ako ay nagugulat na nakatingin sa kaniya.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko at ramdam kong namumula na ako ngayon.
Dala ng kahihiyan ay bigla akong tumayo dahilan para magkauntugan kami
"Damn it!" sapo-sapo ko ang noo ko, pakiramdam ko maiiyak na ako anytime
'Mommy huhu'
"Master ayos ka lang ba?" muntik ko ng makalimutan na may kasama pala ako...sobrang sakit nun, hard na hard, damn it!
"Ahhh yeah yeah ayos lang ako" hinarap ko siya ng pinupukol ng masasamang tingin... "alam mo ba kung gaano ka expensive at kaganda ang noo ko" sabi ko ng nakaturo sa noo "ito ang pinaka unique na noo sa buong mundo alam mo ba yon?" Gusto ko siyang takutin pero hindi iyon nangyari, sa halip tumingin siya ng walang kareareaksiyon...ngunit hindi duon natapos ang pag-iinarte ko, at bilang poging lalaki ay ipinagmamalaki ko iyon.
"Gusto ko lang naman na malaman mo na ako ang pinakapoging lalaki sa crust ng earth, you heard it right, ako ang pinakapoging lalaki sa balat ng lupa at ala----" hindi ko naituloy ang sasabihin ng bigla ay iwan niya ako, pinatay niya ang stove at nagtungo sa telepono.
"Ha! at talagang ang lakas ng loob ng robot na iyan" bulong ko sa sarili at tumayo.
"Yeah Yeah......okay i repeat my orders....two Lasagna....two iced tea....two order's of beef steak....no, thank you that's all...hmm thanks...." tiningnan ko siya at sinamaan ng tingin na parang balewalang balewala sa kaniya,
'Robot kasi yan Castriel'
"A-Anong tini-tingin tingin mo dyan ha!" Nag iwas siya ng tingin at dere deretsong nagtungo sa kusina.
Nakita ko kung paano niya isinilid sa plastic ang mga GONUS DISHES niya at inilagay iyon sa basurahan.
Ngumiti siya at nagtungo sa harapan ko.
"Master, pasensya na po, hindi ako marunong magluto" nanlaki ang mata ko ng bigla siyang sumeryoso at tumingin sa mga mata ko "nag-order na lang po ako" yon lang at umalis na siya sa harapan ko.