Nakauwe ako ng bahay ng maayos , hindi ko na sinabe kila nana yung nangyare . Sa dame ng iniisip nila , Ayoko ng madagdagan pa . Ginawa ko na yung mga dapat kong gawen at umakyat na ng kwarto ko . Hindi talaga ko matigilan kakaisip kung ano yung hihilinging kapalit ni miggy , Jusko ! Alam kong maganda ako pero hindi pa ko ready , Haha :D Kelandi , Pero kagagahang taglay talaga nun ni Audrey eh , Akala niya kinalimutan ko na yung ginawa niya? Pwed hindi ! Ngayon niya makikita ang tunay na chloe , Ang chloe na hindi nagpapa api , Ang chloe na ibang iba sa Chloe na nakilala niya . Panshit siya ! Panshit ! Halos umakyat na naman yung dugo sa ulo ko dahil sa mga naalala ko . Nakatulog ako ng may galit na nararamdaman .
SCHOOL
Inagahan ko talaga ang pagpasok at gustong gusto kong kalbuhin si Audrey , Hindi na ko makapag timpi na makita yung bruhang yun . Ilang minuto pa ay pumasok na ang kampon ng kasamaan , Ito na yun Chloe . Ito na ,
"Kamusta ka naman manang? Nagka reunion kayo ng mga kakampi mo kahapon ah , masaya ba?" Arrgg ! Gusto ko siyang kalbuhin at pakuluuan ! Chill lng chloe , Chill .
"Maganda parin , Eh ikaw? Kamusta naman ang babaeng sinampal ng gustong gusto niya sa harap ng maraming tao?"
"Ha-ha nagpapatawa ka ba? Ikaw? Maganda? Adik ka ba? Poor chloe , Sarili mo na nga lang kakampi mo niloloko mo pa . Wala ka namang panama saken eh , Ni wala ngang lalaking nag tangkang magkagusto sayo . Baka naman isang araw malaman ko magmakaawa ka sa lalaki para lang ligawan ka" Ngising ngising sabe ni Audrey .
"Ang alam ko malaki ang pagkakaiba ng Friendly sa malandi , Ipinagmamalaki mo yung mga lalaki mo at sasabihing kaibigan ka nila? Tapos pag tinanong ng iba idedeny ka pa, Sino saten ang nag adik ngayon ha audrey?" Akala mo ba wala akong alam sa buhay mo audrey , Kalat na dito sa Campus yun . Ikaw nalang yata ang walang alam .
Natigil ang pagtatalo namen ng dumating na ang prof namen . Iniwan ko si Audrey na namumula na sa inis , Kahit naiinis ako ay may parte ng pagkatao ko na tuwang tuwa dahil sa unang pagkakataon ay nakalaban na ko sa kanya . Nagbigay ng Quiz ang prof namen at as always Ako na naman ang highest at si Miggy ang Lowest , Si audrey? Ayun , haha 2nd to the lowest . Ipagmamalaki na niya yun na hindi siya ang pinaka mababa . Puro mukha kase eh , wala namang utak . Brain before Beauty dapat !! Hindi ko ba alam kay Miggy kung bakit parang walang kaamor amor sa pag aaral , Mayaman naman siya at sa tutuusin kaya niyang bilhin lahat ng books na kailangan namen . Ako nga eh pumipila pa sa library para makahiram , Samantalang sila bibili nalang . Matalino naman yan si Miggy eh , Sa katunayan Nagpapaligsahan nga kame niyan ni Miggy nung 1st at 2nd year kame eh , Pero nung Nag 3rd at hanggang ngayon ay hindi ko na nakita na nag aaral , Although pumapasa naman siya kaya lang pasang awa , Yun bang grade na hindi ko gugustuhing makuha . Ginagawa niya na ngang Hotel ang School eh , Papasok tapos matutulog lang din naman . Ano kayang nangyare? Tsk , Nagdiscuss lang ng ibang lesson ang prof namen at nagpa dismiss na din .
Mapayapa akong nag aayos ng gamit ko ng may humawak sa Braso ko at may sumabunot sa buhok ko at pagharap ko nakita ko ang mga kampon ng kasamaan , Si sheena na nakahawak sa braso ko at si Audrey na walang tigil sa kakahila ng buhok ko . Halos magiyak ngiyak na ko sa sakit , Puro sigaw at awat lang ang nagawa ko . Natigil ang pagpapahirap nila saken ng nakita kong pumasok ulit si Miggy Sa loob ng classroom , Dahil siguro siya ang huling lumabas ay siya rin ang nakarinig saken . Inawat niya sila Audrey at sheena at Tinulak ito , Lumapit siya saken at mukhang nag aalala . Hindi ko alam kung anong unang dapat maramdaman . Yung sakit ba ng pagsabunot saken o yung mga butterfly na pumepeste sa tiyan ko . Hindi ko na namalayan na unti unti na palang lumalapit saken si Miggy , Inilapit niya ang ulo niya sa tenga ko at ..
"Will you be my girlfriend Chloe?"
Pero shempre lahat na yan joke lang , hahaha :D masyado naman kase kayong seryoso eh . Asa naman na yayain ako ni Miggy maging Girlfriend . Asa namang magkagusto siya saken , Asa naman ! Kakapagod kayang umasa , Asang asa na nga ko eh . Lumabas na ko ng Classroom kasama ang mga kaibigan ko . Nakita kong nakahinto sila Audrey sa Hall way , Nilampasan namen sila dahil busy ako sa pag da-day dream kay Miggy at lalong ayokong makipag talo at nasa campus kame.
"Lalampasan mo ko Chloe? Naduduwag ka na ba?" Nakangiting sabe ni Audrey .
"Kung gusto mo ng away , wag dito. Kung wala kang iniingatang reputasyon at pangalanan , Pwes ako meron" Yun lang ang sinabe ko at naglakad na si Audrey palabas , malaman Iintayin ako niyan , Si audrey pa ba? dakilang War freak .
"Wag mo ng patulan yun Chloe" Nag aalalang sabe Ni Shia .
"Hindi naman ako makikipag away Shia , Makikipag usap lang ako . Magkaiba yun" Hindi na sila nakasagot pa dahil alam naman nilang Hindi ko ipapahamak ang sarili ko . Nagpatuloy na kame sa paglalakad at talaga nga namang pinatunayan ni Audrey na kung saan may away nandun siya dahil hindi man lang siya umalis at inintay talaga ko .
"Alam mo chloe , may pagkakataon pa naman na hindi lumala tong alitan naten eh , mag sorry ka lang. alam mo ba kung ano ang kayang gawen ng pera Chloe? Malamang hindi mo alam kase wala ka naman nun , Mahirap kayo , anong Ipanlalaban mo?"
"Ang kapal mo rin nmn pala nu? Ako pa tong magsosorry eh ako nga tong nabiktima mo? Hindi ko yun gagawen . Tska oo , mayaman ka at mahirap ako . Ako ang magiging pinaka mahirap mong kalaban"
"Nabiktima ka kase hindi ka nag iisip!" Napapasigaw na si Audrey , Inis na inis na siya at natutuwa ako sa daloy ng pag uusap namen .
"Wow! Ang isang Chloe Grace Ranillo ang running for valedictorian ay sinabihan ng isang Audrey Sy ng hindi nag iisip? Ang Audrey Sy na walang ibang ipinagmalaki kundi ang mga bag niya? Bigword Audrey , Nag aaral ka pero parang wala kang pinag aralan , Oo audrey nakakataas ka sa buhay , pero kung ibabase mo sa dame ng ipagmamalaki? Walang wala ka" Umalis na kame at Iniwan si Audrey at Sheena na halos umusok na sa galit . Well Audrey , Nag uumpisa palang ako :)
"Wow chloe , Marunong ka ng lumaban ! Yieee , akala ko forever ka ng magtitiis sa mga pinaggagawa nila sayo eh , natuto ka na" tuwang tuwang sabe ni yassy
"Kailangan Yas , Hindi ko man gustuhin . Paminsan minsan kailangan din lumaban para maitaas mo yung sarili mo"
"Punta muna tayo convenience store , treat ko . Natuwa ako sa eksena kanina eh . Lakas maka pelikula . Hahaha :D " sabe ni Shia
CONVENIENCE STORE
"Sige,pili lang kayo . Treat ko to don't worry" Nakangiting sabe ni Shia . Kahit na mayayaman tong mga kaibigan ko sanay tong kumaen ng kung saan saan lang , hindi mapili , hindi maarte , ito ang nakakatuwa sa kanila . Pumunta ako sa Drinks section at itong convenience store na to ay hindi gumagamit ng parang ref na lalagyan ng drinks . Kundi Machine ang ginagamit nila , Aba ! Bago to ah . Hindi ako marunong . As in hindi talaga .
"Girls,What would I press?" Agad agad namang lumapit saken ang triplets at ..
"If you're oily , Press powder" - Cassy
"If you're Religious , Press the lord" - Yassy
"If you're artista , Press con" - Trissy
Lord , bakit mo po ba ko binigyan ng ganitong mga kaibigan? Umalis sila ng tawang tawa sa mga pinagsasabe nila habang ako ay naiwanang iniisip kung mga normal ba talaga sila . Kumaen lang kame ng kumaen at nagdesisyon ng umuwe . Kahit hindi naging maayos ang umpisa ng araw ko ay natapos naman ito ng Masaya dahil sa tulong ng mga kaibigan ko .