...One week na wala si Ces (SC President) at Chloe (VP for EA) kaya naman ako ang OIC sa buong SC. Idagdag mo pa ang pagiging group leader para sa isang project. Heto di pa rin tumitigil si Sam sa kakakulit sa akin. Si Seth naman iwas sa akin at di lang sa akin sa lahat ata ng tao. Ice prince talaga un. Namimiss ko na siya kaso hindi naman namamansin kungdi naman tungkol sa project ang pag-uusapan. Pakiramdam ko ako tuloy ang naghahabol sa kanya. Pabayan na nga siya yan ang gusto niya. Tama!
Pauwi na ako. Ginabi na ako dahil nagpreside pa ako ng meeting ng SC. Naglalakad ako papuntang parking lot. Madadaanan ko ang gym. Sana tapos na training nila. Ayokong makita si Sam at Seth! Nasa madilim na bahagi ako para kung nandyan sila di nila ako makita. Sakto narinig ko silang nag-uusap.
"So, Sam ano ng update? Malapit ng matapos ang isang buwan wala pa rin ah. Mukhang di kaiiskor kay Celest." si Jet. Nabigla ako sa narinig ko. Pinag-igihan ko pa ang pakikinig at pagtatago. Pinaglalaruan nga ako ng Sam na ito. Loko toh ah.
"Don't worry bibigay na un." nakangiting sagot naman ni Sam. Ano bibigay? Nasisiraan na ba siya ng ulo?
"Eh napakacold kaya nun sayo. Kinakausap ka lang kapag tungkol sa project. Nagiging female version na siya ni Seth. Bagay sila ah." pang-aalaska ni Nicco. "Pare wala ka bang tiwala sa charms ko?" pagmamayabang ni Sam. Naiinis na ako sa kanya! Nagagalit ako sa kanilang lahat. Dapat gumanti ako! Ang totoo niyan gusto ko na silang sugurin pero hindi pwede mamaya ano pang gawin sa akin ng mga ito.
"Mga tol, siguraduhin niyo lang na di makakarating kay Seth yang pagtuloy niyo sa pustahan niyo. Alam niyo naman na fiance ni Seth si Celest." paalala ni Johann. "Don't worry captain! Mukha namang wala ng pakiealam yang si Seth kay Celest." sagot ni Sam. Ang sama mo Sam!
Umalis na sila. Pagkaalis na pagkaalis nila pumunta na ako sa parking lot. Kailangan kong makaisip ng plano para makaganti.
Di ako masyadong nakatulog mabuti. Ginising ako ni yaya dahil may naghihintay daw sa akin. "Celest, si gwapo nasa labas." sabi ni Yaya Betty. "Gwapo?" inaantok kong sabi. "Oo ung naghatid sayo nung isang beses hindi si Papa Seth ah. Bilisan mo ng maligo baka malate pa kayo magbrebreakfast pa daw kayo." kinikilig na sabi ni Yaya Betty. Napasimangot na lang ako. Kay aga-aga siya pa ang mabubulabog! Naligo,nagbihis ta nag-ayos na ako.
Agad ko naman siyang hinarap sa may garden. Hindi ko siya pinapasok. Galit ako sa kanya. "May driver naman ako di mo na ako kailangan sunduin dito." sabi ko. "Ayos lang un. I want to show you how special you are to me." malambing niyang sabi. Hay as if kikiligin ako. Akala ko talaga eh nagugustuhan mo na ako un pala eh pustahan lang ang lahat. Ngumiti na lang ako ng pilit. "O siya para naman di amsayang effort mo, pumapayag na ako. Sabi mo itretreat mo pa ako ng breakfast diba?" sabi ko habang palakad papunta sa kotse niya. Dali-dali niya akong pinagbuksan ng pinto.
Akala ko sa isang fine dining resto niya ako dadalhin bagkus dinala niya ako sa isang turo-turo. You read that right. Karinderya o turo-turo. Di naman sa maarte ako pero iisipin ko na ang isang tulad niyang pumoporma ay dadalhin ang isang babae sa isang class na place. Anyway, masarap naman sa turo-turo. Maraming beses na akong nakakain diyan lalo na kapag may mga outreach activities.
*TING!* I have a bright idea! I will make him regret that he tried dating me or should I say using me. "I know you are not use to eating in this kind of place but I brought you here because you are special. I never brought any girl in this place. This place is a palce where I feel relax and I feel that I am myself." nakangiti nyang sabi pero mukha namang totoo ang sinasabi niya. "I see. I'm not comfortable. This place stinks. Tapos malangaw pa. Safe ba food dito?" pabulong at pag-iinarte kong sinabi sa kanya. Haha! That's the plan. Mag-inarte. I'm not known for being "maarte" cause I'm not but deperate times calls for desperate measures. Panigurado maiinis siya. "Don't worry. It is safe di sana matagal na akong natigok sa food poisoning kung di ok food dito." nakangiti nya pa ring sabi. "Ah masama ka kasing damo kaya di ka talaga mapopoison basta-basta." bulong ko sa sarili ko. "May sinasabi ka?" tanong ni Sama Sam. "Ah wala. I think you better order na. We might be late na eh." maarte kong sabi. Pinaghatak niya ako ng upuan at maarte naman akong kumuha ng alcohol sa bag at inisprayan ang uupuan ko. I hate doing this pero dapat magpakita ako ng masamang pag-uugali. Nahahalata kong napapangiwi na siya sa ginagawa ko. Ang alam kasi nito mahusay ako makisama. I'm known for treating everyone nice. Pero pasensya na I need to act this way.
Umorder na siya ng tapsilog para sa akin at longsilog naman sa kanya! Shemay! May favorite. Nang dumating ang pagkain, I had another bright and evil idea.
Comments?
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl for the Casanova
RomanceAno kaya ang mangyayari kung ang isang girl next door/ ms. perfect ay makaharap ang isang casanova/bad boy/pervert? Magkakaroon ba ng pagkakataon na magkagustuhan sila? Gugustuhin ba nila magbago para sa isa't isa? Paano kung malaman pa ni Ms. Perfe...