13

10 0 0
                                    

"Good afternoon, Sir Jax." Bati sa kaniya nu'ng isang babae na nagtatrabaho dito sa convenience store na pinuntahan namin para bumili ng ice cream. Parang kinikilig pa siya pati 'yung kasama niyang isa pang babae.


Nginitian lang sila ni Jax tapos hindi na sila pinansin. 


Malaki din 'yung store nila, parang 7-11 pero puro mga swimsuit, salbabida atsaka mga gamit na pang-swimming. Alam na agad ni Jax kung saan 'yung mga ice cream kaya sinundan lang namin siya.


"Ano bang gusto niyo?" Tanong niya sa'min habang nakatingin sa mga ice cream. 


Sinubukan kong tanungin si Ara pero ayaw pa rin niya magsalita, hinayaan ko nalang kasi alam ko naman kung anong gusto niya.


"Pareho nalang kaming cookies and cream." Sagot ko.


"Two cookies and cream, one magnum almond." Utos niya 'dun sa babaeng nakatayo sa gilid tapos kanina pa kami tinitignan. 


Agad naman siyang lumapit at kinuha 'yung mga ice cream na binanggit ni Jax. Grabe naman pala maging boss 'tong si Jax, napakalapit nalang naman ng counter pero inutos pa rin niya sa iba.


Hindi man lang kami nagbayad o ano, pero bumalik na si ateng inutusan ni Jax tapos dala-dala 'yung mga ice cream, naka-plastic na. Kilala na siguro talaga siya kaya hindi na rin siya pinagbayad.


"Thanks." Sabi ni Jax tapos lumabas na kami ng store. Pagkalabas namin, nakita ko na naman na pinagtitinginan kami ng bawat babaeng dumadaan, tapos mga nagbu-bulungan pa. 


"Here." Napalingon ako kay Jax nu'ng inabot niya na sa'min 'yung mga ice cream. 


Kinuha ko 'yon tapos inabot kay Ara 'yung isang ice cream. Hindi pa rin siya kumikibo hanggang ngayon, pabalik na kami sa cottage pero wala pa rin siyang sinasabi.


"So, kilala ka ng lahat ng staffs dito?" Tanong ko kay Jax habang naglalakad kami pabalik ng cottage namin. 


Tumango naman siya at ngumiti. "Since bata pa lang ako, gan'to na 'yung business ng parents ko, so, yea." Sagot niya atsaka kinain 'yung ice cream niya.


"Obvious naman, e. Kilig na kilig nga sa'yo 'yung mga staff." Natatawa kong sabi sa kaniya. Narinig ko namang natawa siya nang mahina tapos lumingon sa'kin. May iba na naman sa tingin niya kagaya kanina.


"Bakit? Nagseselos ka ba?" 


Hindi ako nakapagsalita dahil sa tanong niya. Nakatitig lang ako sa kaniya kahit na inalis na niya 'yung tingin niya sa'kin, hindi ko kasi inexpect na ganu'n 'yung sasabihin niya.


Nagulat nalang ako nang bigla akong hinila ni Ara sa pwesto niya tapos lumipat siya sa pwesto ko. Ako na tuloy 'yung nasa kabilang dulo habang siya 'yung nasa gitna. 


"Aware ka naman siguro na jowa 'to ng tropa mo, 'no?" Seryoso pa rin siya habang kinakausap si Jax. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SAUDADE (Anthology Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon