Chapter 25

9 1 0
                                    

It’s already April 17 and today, I’m celebrating my 16th birthday. And I will be celebrating my birthday learning how to drive. It is not the choice of my dad for me to have a driving lesson but it is my choice because I want to drive my own car. At andito nga ako ngayon sa loob ng sasakyan, kasalukuyang natutulili sa kakalitanya ni Sander.

“Teka Cadence, dahan dahan lang!”

 

“Ui!”

 

“Shift gear.”

 

“Dahan dahan lang!” sigaw niya ulit dahilan para magulat ako at bigla kong matapakan yung break at ayun nga, namatayan kami ng makina. Nakakainis! Kanina pa siya sigaw ng sigaw pwede namang malumanay yung pagsasabi niya sa akin. Buti na lang wala masyado sasakyan dito kung hindi malamang nabangga na kami.

Agad kong tinanggal yung susi at binato sa kanya ito.

 

“Non-sense! You drive!” sabi ko at dali dali akong lumabas ng kotse.

Sumandal muna ako sa pinto dahil sobrang naiinis ako. Narinig ko naman na bumukas yung pinto sa kabilang side kaya alam kong lumabas din si Sander pero hindi ko siya pinapansin. Nagpunta siya sa harap ko at inilahad niya ulit sa akin yung susi kaya inirapan ko siya.

“Common. Hindi ka matututo kung ganyan kabilis uminit ang ulo mo.” Sabi niya sa akin habang inilalagay niya sa kamay ko yung susi.

“Tell me! Ano sense na matuto akong mag manual kung automatic naman ang magiging kotse ko?!” diretso kong sabi na medyo mataas ang boses. Nakakastress naman kasi talaga isipin na mag-aaral pa akong mag manual e may automatic naman.

“Look Cadence, iba ang marunong mag drive ng manual. Kapag natuto ka magmanual, magiging madali ang automatic para sa’yo. Pero kapag nauna ka munang mag automatic, sobrang mahihirapan ka mag manual.” Pagpapaliwanag niya sa akin. Bago pa ako makasagot, binuksan na niya yung pinto ng driver’s side at tinulak ako ulit papasok ng sasakyan.

Wala na rin akong nagawa dahil umikot na siya at sumakay sa shot gun seat at nagseat belt kaya binuksan ko na ulit yung makina ng sasakyan bago nagseat belt.

“Ngayon sinasabi ko sayo, kahit ibangga mo ‘tong kotse ko okay lang basta matuto ka lang.” pabiro niyang sabi sa akin. “Tara sa mall?” yaya niya kaya naman nag-umpisa na akong magdrive.

Nakarating naman kami ng matiwasay sa mall na ako ang nagdadrive. Ang sabi nga ni Sander ang bilis ko daw matuto. Medyo natagalan lang kami sa parking dahil tinuruan na rin niya akong magpark forward, backward and parallel dahil hindi pa ganoon kadami yung mga sasakyan kakabukas pa lang ng mall.

“Great! Marunong ka na! Pwede ka na kumuha ng student license.” Sabi niya nung pagkapark ko bago tuluyang patayin yung makina ng sasakyan. “Ikaw din magdrive mamaya ha.” Sabi naman niya sa akin.

Pagpasok namin ng mall, agad kaming dumiretso sa isang restaurant kung saan naghihintay pala si Ate Sab.

Blood VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon