PROLOGUE

42 2 0
                                    






***


"KIKIAM !!!"


Napatigil ako sa pagtingin sa paligid, awtomatiko akong lumingon sa mga tumawag sa'kin, I smiled at them..dahil paborito ko ang kikiam simula bata palang kami, mula noon iyon na ang pinalayaw nila sa'kin.



Aray ko po!



Muntikan na akong matumba grabe naman kasi, silang lima ang yumakap sa'kin.



"Wow ang sexy muna kikiam at ang kinis anong kojic ginamit mo ha!" tiningnan ako mula ulo hanggang paa ng baklitang si Martina, ang pogi niya sa suot na white ripped skinny jeans with black long sleeve. Lalaking-lalaki siya tingnan ngayon wag lang magsasalita.


"Wala hindi lang ako lumalabas" natatawa kong sagot.


"Bakit si berna hindi ko na nakikitang lumalabas ganon pa din ang kulay!"  sabat naman ni Emerald Pia sobrang hot niya tingnan sa suot na black velvet sleeveless dress.


"Empi di ka ba nainform na inborn na ang kulay non!!" sigaw sa kanya ni Dalene Dalia normal na dito ang malakas na boses, simpleng off shoulder black dress naman ang suot nito at nakapony ang itim na itim na mahabang buhok.


"Walang pagbabago sayo daldalita ang ingay mo pa din magkakalapit lang tayo ohh!" Amara Avery rolled her eyes the one and only maldita saming magkakaibigan, mas lalo siyang gumanda sa suot na black spaghetti strap dress.


"Ang arte mo Amery mag headset ka!" singhal ni daldalita


"Whatever!"


"Tama na yan nandito tayo sa Reunion natin para mag enjoy at maghanap ng mga gwapo!" awat ni Martina sa kanila.


"Bakit ba gwapo hanap mo kaya wala napatol sayo eh!" sabat naman ni Natalie Natasha, naka double dutch braid ponytail siya at ang suot naman ay black lace long sleeve dress. Iisipin ko na sana na matured na siyang mag-isip kung hindi lang siya naglabas ng lollipop.

Napairap naman si martina "Alam mo natnat ang magandang katulad ko ay nababagay lang sa gwapong nilalang!"

"Talaga maganda ka ba? Bakit hindi namin makita?" ani amery habang nakatingin sa bagong manicure na kuko.


Haysss nagbabangayan na naman sila, pero nakakamiss silang makasama kahit ang iingay nila.


"Tahimik ka ata kikiam? Ay nakalimutan ko nga palang di ka talaga palaimik naku nakakabad breath yan!" singhal naman sa'kin ni daldalita

"Wow nahiya naman si kikiam sa hininga mo!" pambabara ni martina.


Wild Street TasteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon