"Ms. Swane the meeting is about to start." Pukaw ng sekretarya ko na si Yza. Nagpatawag ng meeting si Tyron para sa bagong project ng Swane Fashion at ng S&L Publication. "Nandoon na rin po si President Legaspi." Napahinto ako sa pagtayo sa aking upuan. Thinking na magkakaharap kami parang gusto ko nalang umuwi, galit sya...
Alam kong galit na galit sya, baka nga kinamumuhian nya na ako. Alam nya nang may anak ako at ang akala nya ay si Vince ang ama nito. Na hindi ko pinabulaanan dahil hindi pa ako handa or should i say ayaw ko talagang malaman nya na sya ang ama ng anak ko.
Napatingin ako kay Yza. Kahit hindi sya magsalita alam kong narinig nya ang pagtatalong naganap sa pagitan namin ni Tyron. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala para sakin sa isiping magkakaharap na naman kami ni Tyron. Tipid itong ngumiti at tumango sakin na agad kong ginantihan ng ngiti.
"Her name is Venice." Bigla ko nalang nasabi kay Yza. "Venice Elizabeth" pagbuo ko sa pangalan ng anak ko.
"Ang gandang pangalan po Ms., alam kong kasing ganda nyo rin po sya."
"She's more than beautiful Yza. Kamukha nya ang daddy nya." Nakangiti kong turan. "Lets go."
Tumango nalang ito at nauna nang maglakad sakin papunta sa conference room.
Hindi ko na kailangang umiwas sakanya dahil iyon na mismo ang ginagawa nya. Ni hindi nya ako tinatapunan ng tingin na lubos kong pinagpapasalamat. Lahat ng tao dito sa loob ng kwarto ay halos iniisa isa nyang tingnan at hinihingian ng opinyon habang may nagsasalita at nagpapaliwanag sa harapan maliban sakin na para bang hindi ako kasali sa meeting na ito.
Gayun pa man ay minabuti ko pa rin na makinig sa usapan. May bagong fashion director ang Swane Fashion, kesyo nag-aral at nagtrabaho sa iba't ibang bansa ng ilang taon. Ito ang gagawa ng bagong ilalaunch na lingeries for summer collection, kakailanganin din ng mga bagong models para sa lingeries na gagawin ng bagong FD na unang ilalabas sa magazines ng S&L Publication.
"May we know the name of this designer?" Tanong ng matandang board member.
"Of course" seryosong tugon ni Tyron. "'Gabinelle Alonzo, a very good friend of mine." Mula sa pagkakasabi nya ng pangalang iyon ay muntik ko ng mabuga ang tubig na kasalukuyan kong iniinom.
Gabinelle? The hell??
"Gabinelle Alonzo? Matunog ang pangalang yan, ang alam ko she's one of the Fashion Director on a famous fashion brand abroad." Komento pa ng isang board member. Tanging ngiti lamang ang tugon ni Tyron. "Bakit ngayon lang sya napunta satin?" Tanong pa nito.
"Last year lang when she decided to go back here in the country."
"Kung ganun kailan ang launching ng mga bagong lingeries?"
"As soon as possible" tipid na sagot ni Tyron.
"Hindi ba tayo kukulangin sa panahon sa paggawa ng mga lingeries?" tanong ni tito fred.
"She has done a lot of designs and will be showing it to us at the next meeting."
Natapos ang meeting ng hindi ko namamalayan.
Si Elly?
Buhay pa pala sya? I mean, ayon sa pagkakatanda ko nung huling pag-uusap namin parang sinasabi nya na hindi na sya magtatagal. Tapos ngayon isa na syang Fashion Director? Bakit ngayon ko lang nalaman?
Nakalabas na lahat ng tao sa conference room. Ako nalang mag-isa ang naiwan dito na nakaupo.
Wala rin nabanggit sakin si Vince, kahit noong nasa New York ako hindi nya na nabanggit sakin ang tungkol kay Elly. Nagpasya na akong tumayo at bumalik sa opisina ko.

BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romance"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...