Maaga ako sa school ngayon at wala pa si Frea kaya napagisip-isipan kong maglibot muna sa campus. Nilabas ko yung cellphone at earphones ko tsaka nagpatugtog ng kanta.
Habang naglalakad ako naalala ko na naman yung kahapon. Sakto ring nagplay ang kantang Chivalry is dead by Trevor Wesley.
Di na mawala sa isipan ko yung pangyayare na yon at ang lalakeng nagmalasakit sa akin. Sayang di ko man lang natanong pangalan niya. Ang sweet niya para gawin iyon sa babae. Bihira na lang ang mga lalakeng ganun at isa pa may itsura pa siya tsaka mabait.
Di ko namalayan na nakangiti na naman ako. Kung may makakakita sa akin, iisipin siguro nila baliw ako. Di ko lang talaga mapigilan kiligin.
Paano kaya kung magkita ulit kami? Baka nga dito siya sa school na'to nag-araal eh. Ibig sabihin ba non itinadhana kami?
Hindi hindi. Malabong mangyari, sa pelikula lang nangyayari iyon. Masyado na naman ako nagiimagine sa mga bagay-bagay na di naman makatotohanan.
Napailing na lang ako sa naisip ko. Napatingin ako sa gate ng school kasi may nakita akong pamilyar na mukha na naglalakad. Nang medyo naaninag ko na ang mukha niya nakilala ko na kung sino ito.
Si Frea na may kasamang lalake ayun siguro yung bestfriend niya. Ngayon ko lang siya nakita.
Pinagmasdan ko sila na nagtatawanan at nakita ko na close na close talaga sila.
Hmm.. bagay silang dalawa kaso nga lang friends lang ang turing nila sa isa't isa. Di ko maintindihan kung pano sila nanatiling magkaibigan.. i mean hindi ba sila nagkakagusto sa isa't isa or worse isa lang ang may gusto pero ayaw nila umamin kasi natatakot sila na baka masira ang pagkakaibigan nila at maging akward. Nakakalungkot isipin iyon.
Nang medyo papalapit na sila, naririnig ko na ang pinaguusapan nila.
"Bakit ba kasi ang aga mo magenroll ayan tuloy di tayo naging magkaklase" medyo inis na sabi ni Frea tsaka mahinang kinurot sa tagiliran ang lalake.
"Oks lang yun taba, magkikita pa rin naman tayo eh. Ikaw naman masyado mong namimiss ang gwapo kong mukha" asar ng bestfriend niya. Natatawa lang si Frea sa kalokohan ng lalake.
"Wag mo nga akong tawaging mataba. Di naman ako mataba noh." nakabusangot na sabi ni Frea. Actually hindi naman talaga mataba si Frea sa totoo lang maganda nga pangangatawan niya eh maliit lang siya.
"Lampake Esang antaba pa din ng pisnge mo, ang cute cute mo nga eh." sabi ng bestfriend niya habang pinipisil ang pisnge ni Frea.
"Ano ba Gelo! wag mo din ako tawagin sa nickname ko na Esang. Isabelle na lang o kaya Frea" nahihiya siguro siya sa nickname niya.
Napatingin si Frea sa gawi ko at nang napansin niya ako napangiti siya at tumakbo siya palapit sa akin.
"Summer ikaw pala yan" masaya niyang wika. Ngumiti din ako.
"Eto pala yung bestfriend ko, si Gelo" turo niya sa lalake. "Gelo, si Summer kaibigan ko" pakilala niya sa akin.
"Waw. Iba ka talagang babae ka. Bago ka pa lang sa school may kaibigan ka na sabagay di nako magtataka andaldal mo kaya" natatawa pang sabi ni Gelo. Hinampas ni Frea si Gelo ng mahina sa balikat.
"Kaasar ka" sabi ni Frea.
"kaAsar kA" Ginaya naman ni Gelo ang pagkakasabi ni Frea at inasar pa ito. Natawa na lang silang dalawa sa kalokohan ni Gelo.
They look so genuinely happy. Sana makatagpo din ako na makakapagsaya sa akin.
"Tara na nga Summer akyat na tayo sa room" pagyaya sa akin ni Frea at tumango naman ako. Nilagay niya ang kamay niya sa braso ko at sabay kaming naglakad habang si Gelo nasa likod namin nakasunod lang.
"Ang aga mo ngayon Sam ah" sabi ni Frea. Maaga kasi siyang pumapasok ng school pero mas nauna pako sakanya ngayon kaya siguro nagtataka siya.
"Maganda kasi mood ko ngayon eh" sabi ko sakanya na nakangiti. Medyo nagulat siya.
"Bakit? Kwento ka naman diyan" pagpilit niya sa akin at nae-excite siyang malaman kung ano rason ng pagka-good mood ko.
Nakarating na pala kami sa room namin. Humarap kami kay Gelo para magpaalam.
"Babye na sainyo. pasok nako sa section ko ah" turo ni Gelo sa katabing room namin.
Ginulo pa ni Gelo ang buhok ni Frea. "Pakabait ka Esang ko" nangasar pa talaga si Gelo bago pumasok ng room niya. Napailing na lang si Frea at pumasok na kami sa room namin.
Nang makaupo kami sa upuan pinipilit pa rin ako ni Frea na magkwento kaya naman sinabi ko sakanya ang nangyari kahapon.
"Nakakakilig naman. Natanong mo ba name niya?" nakangiti niyang sabi. Nadismaya naman siya dahil di ko alam ang tungkol sa lalake na iyon bukod sa mukha niya.
Umayos na kami ng upo dahil malapit narin magtime at dumadami na rin ang estudyante sa room namin. Maya maya lang dumating na yung adviser namin kaya naman tumahimik na ang room at umupo nadin ang ibang mga classmates namin na kanina naglalaro.
"So sa tingin ko unti unti niyo nang nakikilala ang isa't isa. So sana maging maging masaya tong section nato at wag sana kayo magpasaway lalo na't mas madami ang boys kesa sa girls" pagkatapos sabihin ng adviser namin iyon biglang naghiwayan ang mga lalake at tuwang tuwa pa sila. Natawa din yung ibang mga babae.
"Nga pala madagdagan pa tayo dahil meron pang hindi pumapasok" biglang may kumatok sa pinto.
"Baka ayan na sila" sabi ng teacher ko tsaka pumunta sa pinto para pagbuksan sila.
"Goodmorning Sir. Sorry we're late" narinig kong sabi ng isang lalake. Di ko pa sila nakikita kasi nasa labas pa sila ng room.
Pinapasok naman sila ng Adviser namin at pumasok ang tatlong lalake sa room isa isa. Akala ko tatlo lang sila meron pa pa palang nahuli at nagulat ako nang makilala ko kung sino ang huling pumasok.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Siya ba talaga yan? Coincidence ba 'to? Di ko aakalain na dito ko siya makikita ulit at ang nakakagulat pa. Classmate ko siya?!
Tinitigan ko siya at tinago ko ang pagkagulat ko. Di ko inalis ang pagtingin ko sakanya. Humarap sila sa amin nang makapunta sila sa gitna. Nilibot niya ang paningin sa buong klase na seryoso ang mukha niya. Nagiba ang ayos ng buhok nito kumpara kahapon.
Ang gwapo niya pa din. Natutuwa ako dahil nakita ko siya ulit. Gusto ko ulit magpasalamat sa kanya sa pinahiram niyang hoodie at tanungin ang pangalan niya. Napatingin siya sa akin at nagkatitgan kami. Siguro namukaan niya ako kaya di niya inaalis ang tingin sakin. Ang seryoso ng mukha niya.
Hindi pa rin namin inaalis ang tingin sa isa't isa. Naputol lang iyon ng tinawag ako ni Frea kaya naman napaiwas ako ng tingin sa kaniya.
Nang tinignan ko siya ulit nakasmirk na siya tsaka umiwas ng tingin.
"Dahil ngayon lang kayo pumasok. Magpakilala na kayo" sabi ng adviser namin at nagpakilala sila isa isa.
"Hi ako si Kiel Fuentes, sana di kayo KJ para naman di boring itong section natin" ngumiti siya at tinaas taas pa ang kilay.
"Ako nga pala si Adrian Madrid, ang pinakapogi sa classroom na ito" may mga ibang natawa pagkasabi niya non.
"Martin Ferrer, maswerte kayo kasi naging classmate niyo ko" kumindat siya pagkatapos niya sinabi yun.
"Sage Lexus" matipid na salita niya. Di rin siya ngumiti seryoso lang mukha niya. Yun pala ang pangalan niya. Napangiti naman ako saglit.
Bakit parang masungit siya ngayon at parang iba yung vibes niya. Nakakapagtaka. Siya ba talaga ang nagmalasakit at nagbigay ng hoodie sa akin.
Pinaupo na sila ng teacher namin at di na ulit tumingin si Sage sa akin.
BINABASA MO ANG
My Crush Who Doesn't Like Me Back
Genç KurguLife is so unfair. Why do we like someone who doesn't likes us back and we have no chance with. It hurts. That's why they call them crushes. If they were easy they'd call them something else.