Habang nagpapagaling si Papa mula sa kanyang naging operasyon, pinayagan ako ni Mama'ng kumuha ng board exam sa tulong ng tunay kong Ina. Nakapasa agad ako doon kaya nagpasya akong kumuha ng trabaho sa Maynila hanggang sa dumating ang araw at kinausap ako ni Mama tungkol sa naging usapan nila ng tunay kong Ina. Wala akong kaalam-alam na ang kapalit pala ng pagsalba ng buhay ni Papa ay ang pagbawi sa akin ng tunay kong pamilya. Hindi ko man agad iyon natanggap ngunit kalauna'y naintindihan ko rin silang dalawa. Naging mahirap iyon sa akin sa umpisa pero wala akong nagawa, hiniling iyon sa akin ni Mama at kahit labag sa loob niya ay kailangan niya pa rin akong ibalik sa taong nagluwal sa akin.
Dalawang linggo na ang lumipas simula ng sinundo ako ni Mama sa Pampanga, ngayon ay nagkukulong na lang ako sa apat na sulok ng napakalawak at malaprinsesang kwartong inihanda para sa akin. Ilang beses akong kinakatok ni Mama sa maghapon ngunit nanatili akong walang imik. Hindi ko pa rin matanggap na pagkatapos ng ilang taon ay basta-basta na lang niya akong kukunin. Binigyan niya ako ng isang linggo para makapag-isip at matanggap ang napakabilis na mga pangyayari.
" Sino po siya, nanny? " Apila ko ng minsan akong makababa sa sala. Nasa opisina ngayon si Mommy kaya nakayanan kong lumabas ng kwarto. Isa-isa kong tinignan ang bawat litratong nakadisplay doon sa isang malaking aparador at bumuhos na parang ulan ang mga tanong sa utak ko. Sila ba ang pamilya ko?
" Opo, Ms. Mara. Siya ang nakatatanda ninyong kapatid. " Magalang na sagot ng pinakamatandang kasambahay ng mansyon. Yumuko pa siya sa akin kaya lalong uminit ang pisngi ko.
" Naku, huwag niyo na po akong tawaging Miss, saka mas matanda naman po kayo.. " Lumitaw ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi at maging ako ay napangiti rin. I miss my mother.
" Nasaan na po ang kapatid ko? " Tanong ko ulit, maayos kong ibinaba ang frame sa aparador at lumipat sa kabila. Wala ba siyang mas updated na picture? Nakapagtataka dahil puro picture niya noong baby ang mayroon. Napayuko ako ng mapansin ko ang pinakaespesyal na litrato sa lahat, magkahawak kami sa kamay ng kapatid ko at sa likuran nito ay isang birthday party. Napangiti ako ng maikompara ang sarili ko sa nakuhang picture ko noong dalawang taon pa lang ako sa orphanage. Sila nga ang tunay kong pamilya.
" Uhm.. pinadala sa States ang kapatid mo. Doon na siya pinag-aral ng college ng Daddy niyo. " Inalis ko ang tingin ko sa litrato at literal na dumaing ang buong sistema ko sa aking narinig.
" M-may problema ba, Ms. Mara? " Nag-aalalang lumapit sa akin si nanny Melba, napakurap ako.
" Ha? O-opo. Naalala ko lang po 'yong kaibigan ko. Nasa States din po kasi siya ngayon, e. " Pinigilan ko ang pag-alon ng luha sa aking mga mata.
" Ganon ba? Hayaan mo, pasasaan ba't uuwi din sila sa sarili nating bayan. " Pinilit kong ngumiti, ibinalik ko ang tingin ko sa larawan namin magkapatid at bahagyang nagtaka sa nakita.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...