Paalala:
^_^ - sa tuwing makikita ninyo ito bago ang isang talata nangangahulugan lamang na kayo ay nasa panaginip ko.Salamat .
“Noi!!!! Gising na! Kaloka! Anong petsa na?!!!!!” Sumigaw lang naman ang aking BFF na si Yulaleeh. Sige sigaw pa friend,go! Ang ganda ganda pa ng panaginip ko eh!!!!
“Noi!!!! Kaya ka hindi nagkakabf eh! Late ka sa mga dates na nirereto ko sayo!!!” Aray te, ang sakit naman ng words ni Yulaleeh. Mabatukan nga!
Lumabas ako ng aking silid upang mabatukan ang aking napaingay yet super cute na bestie. Wanna help guys??
“FYI! May boyfriend ako Noi!! Si--” Hindi ko man lang natapos speech ko kasi naman nagtatalak na naman si bestie.
“Si Charles na naman. Si Charles ng panaginip mo.Si Charles na prince charming mo sa dreams mo, ang may-ari ng castle sa dream mo, ang gwapo sa dream mo. Seryoso Noi, dreams!!! Sa dreams lang lahat yan!!!”Nakapameywang pa si Yulaleeh. See guys? Hindi ako gets ng kaibigan ko.Charles is really my boyfriend ganito kasi yun…
^__^
Once upon a time nasa library ako.Nag-aaral para sa exam namin. Ang dami ko dalang aklat habang naglalakad ako.Aksidenteng nahulog ang isa sa aklat na dala ko at nahulog lang naman ito sa paa ng isang lalaki.
“Aray!” Umalingawngaw ang boses nya sa buong library.Shems.Nakakahiya! Eh ayun… Tinakpan ko bibig nya so hihihi binitawan ko lahat ng aklat kaya dumoble yung sakit nya. Namula si pogi! Shems. Yummy!!!
“hhhuummmmooohmmmhhhhhhh hhnfoohhmnmm” Hala, ano daw? Gets ninyo si kuya??
“Ano???” Lumapit ako sa kanya.
“hmmnhhuuooh!!! Hmhmhuhhuump!!” Shems. Ang weird nitong lalaking ito! Hindi ko gets language niya. Bigla niyang inalis ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya. Nilinis nya pa cheeks niya. Cutiee!
“Sabi ko okay na ako Miss. Pulutin na lang natin ang mga aklat mo,pwede?” Ayun tumango lang ako at pinulot na namin aklat ko. Sinamahan niya ako sa pinakamalapit na mesa at dun nya nilagay ang mga aklat ko. Dun ko din napagtanto na nahulog ang kwintas ko. My gold necklace…nasaan na kaya iyon??
“Thank you pala.And sorry…” Smile Jhes. Moment mo na ito!
“Okay lang. Ako pala si Charles.Ikaw?” May dimples siya, ang ganda ng mga mata nya na parang gray ang pupils niya, yung buhok na parang medyo amber. Ang tangkad niya rin at ang bango pa at—
“Miss, okay ka lang?” Sabay dampi ng kanyang kamay sa noo ko.
“ah—ehh—oo.Ako pala si Jhes.”
“Noi!! Noi!!!” Si Yulaleeh yun uh???Teka parang nahihilo ako,teka parang naglalaho si Charles! Charles! Charles!!!
“Noi, gising na!” Sigaw ni Yulaleeh. Panaginip lang pala iyon!