Matagal ng nililihim
Ito’y lalong lumalalim
Hindi alam ang gagawin
At ano ang pipiliin
Naliliito sa damdamin
Kung ano ang gagawin
Kung tama ba ang ibigin
Ang iba ang turing sa’kin
Hanggang kailan mamahalin
Kung hindi naman maamin
Aking sariling damdamin
Habang buhay kikimkimin
Sa iba na ibabaling
Sabay bigla napailing
Noong ikaw ay dumating
Dahil ikaw lang ang hiling
Mahalaga ka sa akin
Huwag mo akong lisanin
Kapag ako ay umamin
Dahil ikaw ang dalangin