Ayaw na sanang isipin ni John na makakasama na naman niya si Inna, para sa thesis nila.
"Mas okay sana kung ako na lang eh. Tama. Dapat magsolo na lang ako." Iniisip na ni John lahat ng pwedeng irason para maiwasan na naman si Inna.
Paalis na sila sa room, nang bigla na lang siyang tinawag ng Teacher nila, at sabay sabing, "Galingan niyo pa ni Inna sa thesis hah, saka..."
Napatigil bigla ang teacher, at sabay ngiti kay John.
"Ano pa po yun Mam?" Agad na tanong ni John.
"Ingatan mo sana si Inna hah. Ang swerte mo sa kanya."
Ano? Ano raw?
Napatigil ang pag iisip ni John sa oras na yon. Pero kailangan niyang sumagot sa teacher nila.
"Ano po Mam?" Yun na lang nasabi ni John sa teacher nila.
"Kelan naman ako naging swerte kay Inna?" Tanong ni John sa sarili.
BINABASA MO ANG
I Hate And I Love you
RomanceJohn love to hate her at first, but now, John hate himself loving her... While, Inna hate herself loving someone who hate her.