My golly seryoso nga ang sinabi niya. Anong gagawin ko? Itigil ko na lang kaya ang kabaliwang ito. Wala rin namang mangyayari. Pero sabi ko hindi ako susuko diba? Paano na to ngayon?
Pagkaraan ng ilang beses ng pakikipagtalo sa isip ko, wala rin akong nagawa. Napilitan rin akong gawin ang kabaliwan ni Gene.
“Urgh! Oo na sige na, payag na ako sa plano mo. Just for this day, for the sake of being my body guard later.”
“Ok” kaswal na sabi ni Gene
Nagulat na lang ako ng biglang hilahin nya ang kamay ko. Ano nanaman kaya ang gagawin ng mokong na ito?
“Let’s start with holding hands” masuyong sambit ni Gene.
Waaaaaaaahhhhhh! Bakit parang kakaiba ang feeling na ito? Hindi ko maexplain. Halos hindi na mawala ang pagkapula ng mukha ko, alam ko kahit na hindi ko nakikita ang sarili ko. Ang init ng mga pisngi ko. Sobrang bilis rin ng tibok ng puso ko para akong tumakbo sa isang marathon. Bakit ganun? Bakit ako nakakaramdam ng ganito kay Gene. Matagal naman na kaming magkakilala pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?!
Dahan dahan kaming naglalakad na magkahawak ni Gene. Sa totoo lang kanina ko pa gustong tumakbo at iwan sya. Napasubo yata ako ah. Kinakabahan ako!
Alam ko na lahat ng mga esudyanteng nasa paligid naming ay kami ang tinitignan. Nakayuko lang ako, ayoko silang makita!
“Wow! Sila Na?!” narinig kong usisa ng mga kalalakihan sa school. Ano mga chismoso lang? Mga pasaway lang.
“Waaaah, Why Gene?!” naiiyak na sabi ng mga girls na patay na patay sa kanya. Hay naku mga girls kung alam nyo lang ang nangyayari baka matawa pa kayo.
Payapa na kaming papasok ni Gene sa room nang biglang may tumawag sa kanya.
“Gene!”
Patay si Rika! Patakbo ito sa harap namin. Maganda, sexy at mahaba ang buhok ni Rika. Patay na patay it okay Gene. Ewan ko kung ano ang nakita ng babaeng ito sa mokong. Malabo na kaya ang mata ni Rika? Malamang na kailangan nitong mag salamin, sigurado ako dun!
“Honey, why are you saying those things last night? Halos hindi ako makatulog dahil doon.” Naiiyak na sabi ni Rika.
Halatang gulat na gulat si Gene kay Rika. Hindi ito agad nakakilos. Nakakatawa ung itsura nya.
“Honey?” dikit ni Rika kay Gene na ngayon ay parang bato na sa kinatatayuan nya.
“You’re not going to run from me this time right? Alam ko may date tayo ngayon diba?” Pangungulit ni Rika kay Gene.
Hindi ko na matiis na hindi sumingit sa kanila. Kitang kita ko naman na kailangan na ni Gene ng tulong.
“Hi Rika! Im Jacq, Gene’s girlfiend” Singit ko.
“Yep! She’s my girlfriend!” gatong ng mokong sabay lapit sa akin with matching akbay pa.
Sumosobra na ito sa kakadikit sa akin ah. Tsk, konting tiis na lang Jacq para sayo rin naman ang ginagawa mo. Mamaya sayo rin ang huling halakhak.
“Really?” hindi naniniwalang tanong ni Rika.
“Yes we are inlove.” Sabay yakap sa akin ni Gene. Ang loko talaga.
Tumahimik saglit si Rika. Halatang nag iisip. Sana naman mapaniwala nami sya sa kalokohan naming ito ni Gene. Parang awa na gusto ko nang tumigil sa pag papanggap, baka mamaya mapadaan pa si Nick at makita kami mas lalong lagot na.
“Sige nga kung kayo talaga, prove it by kissing.” panghahamon ng bruha.
“WHAAA…….T?!” gulat na sabi naming dalawa.
Para akong hihimatayin sa sinabi niya. Hindi ko maimagine na makakaisip sya ng ganun para lang mapaniwala namin siya. Patay na! Kung kami nga naman ni Gene, sisiw lang ang kiss. Pero hindi naman kami, tsaka sino bang matinong mag boyfriend ang maghahalikan sa harap ng ibang tao?!
Ano ba itong si Rika baliw na yata talaga.
BINABASA MO ANG
Not Your Typical Love Letter
RomanceAnong ggawin mo kung may makita kang loveletter sa isa sa mga notebooks mo? What if galing ito sa super crush mo? Will you have the courage to meet your letter sender? Sundan ang mga kabaliwan na gagawin ni Jacq para makilala lang ang kanyan myst...