𝙃𝙞𝙝𝙞𝙣𝙩𝙖𝙮𝙞𝙣 𝙆𝙞𝙩𝙖

0 0 0
                                    

[𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘪𝘩𝘪𝘯𝘵𝘢𝘺] 𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚙𝚒𝚗𝚊𝚊𝚜𝚊 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚑𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊

-𝓜𝓷𝓮𝓶𝓸𝓼𝔂𝓷𝓮♡

Naglalakad palang ako papunta sa school, pero mukhang maliligaw pa nga ako. Asan na ba kase yun? Nakatingin na ako sa phone ko habang naglalakad.

"Aissh mukhang inililigaw lang ako nitong app na toh eh. " sambit ko sa sarili at napalingon lingon muna sa paligid.  May nakita akong lalaki na nakasuot nang parehong itsura nang uniform ko. Nakapalda nga lang ako pero siya naka pantalon malamang.

Hindi ko namalayang nakatitig na ako sa kanya nang bigla siyang mapalingon sakin at parehong nagtamo ang mga mata namin. Napaiwas agad ako nang tingin at paglingon ko ulit wala na siya doon sa kinatatayuan niya kanina.

"Asan na siya? " sabi ko sa sarili. Napalingon lingon ulit ako sa paligid para hanapin siya. Naglakad ako papunta sa kung saan siya nakatayo kanina. Aissh.. Ano ba naman kaseng ginagawa mo Angela, siya na nga yung way para makapunta ako sa school nawala pa.

Nang mapatingin ako sa kabilang kalsada. Nakita ko ulit siya na naglalakad sa direksyong iyon. Kaya agad kong binulsa ang aking cellphone at tumawid sa kabilang kalsada.

Medyo malayo na siya sakin,  kaya sinubukan kong tumakbo at medyo napalapit sa kanya sa distansyang hindi niya ako gaanong mapapansin. Naglakad na ako nang maayos habang sinusundan siya.

Ang tangkad niya, hanggang balikat niya lang ata ako. At parang walang kalaman laman yung dala niyang bag. Napansin kong iginilid niya ang ulo niya, kaya naman agad akong napatingin sa ibang direksyon habang sinusundan parin siya.

"Ah.. Teka bakit ang bilis na niyang maglakad?" bulong ko sa sarili, nang medyo napabilis yung lakad niya. Kaya naman agad ko ding binilisan ang paglalakad at sinundan siya.

Nagulat ako nang mapalingon siya sakin habang naglalakad. Nagulat din siya nang makita niya akong sinusundan ko siya kaya naman bigla siyang tumakbo.

"Sandali! " bulalas ko at hinabol siya sa pagtakbo. Hindi siya pwedeng mawala sa paningin ko. First day na first day ko at mukhang malalate pa nga ako.

Mabilis parin ang pagtakbo niya, hanggang sa lumiko siya sa kabilang kanto. Kaya binilisan ko rin ang pagtakbo kahit medyo nahihingal na ako, pagliko ko sa kantong nilikuan niya. Nagulat ako nang bigla siyang mawala.

"Asan na yun? Haissst pano na ako makakapuntang school? " sabi ko habang hinihingal. Napahawak ako sa mga tuhod ko at kinuha ang phone sa bulsa. "Bakit kase hindi gumagana tong app na toh eh at kung minamalas ka nga naman lowbat na." binalik ko nalang ang phone ko sa bulsa at napatingin sa paligid. "Asan na ba ako?" hindi pa pamilyar sakin ang lugar dito, kaya napakaimposible talagang makapasok pa ako o makauwi.

Naglakad lakad muna ako sa paligid. Delikado toh hindi ko alam kung asan ako, baka maholddap o marape pa ako dito nang wala sa oras. Bakit ko pa kase siya sinundan eh. Saka bakit walang katao tao dito?.

Nagulat ako nang biglang may humila sakin sa may eskinita at marahas ako sinandal sa pader. Nilagay niya ang magkabilang kamay sa pader, kung kaya't nakakulong ako ngayon sa pagitan nang mga braso niya.

"Anong kailangan mo sakin?! Bakit mo ko sinusundan? " galit niyang tanong. Napatingala ako sa kanya at nakitang siya yung lalaking sinusundan ko kanina.

"A-ano ka-kase.. " pasimula ko. Napatitig ako sa kanya kase sobrang lapit nang mukha siya sakin. Pero napakasama nang tingin na binabato niya sakin. Ano bang iniisip niya, na may gagawin akong masama sa kanya.

One ShotWhere stories live. Discover now