Suminghap ako nang makita ko ang ama ni Jericho papasok sa loob ng bahay. Sa labis na gulat ay halos madapa pa ako nang magmadali akong bumaba para salubungin siya.
"Uncle!" Sa sobrang galak ko ay napalakas ang aking boses na paniguradong dinig sa buong kabahayan.
Hindi ko maipaliwanag ang saya nang mamataan siyang papasok pa lamang. Naging mabait ang pamilya na ito sa akin na kahit nga isa lamang akong kasambahay ay inudyok ng mag-asawa na tawagin ko sila sa kung ano ang gusto nila.
They never treated me as a nanny.
Ganoon kabuti ang kalooban nila.
Nakakapanibago dahil ngayon lang siya muling nagawi rito. Last na uwi niya ay apat na buwan na ang nakakaraan.
Nilibot nito ang paningin sa buong bahay at nahinto ito sa akin. Nahihiyang ginawaran ko siya ng ngiti.
"Celine, kumusta na?" ngumiti siya pero halata ang pagod sa kanyang mukha. "It's been a while 'no?"
"Ayos naman po kami rito. Kayo po? Nasaan si Aunt Jen?" Tumingin ako sa pinto, nagba-baka sakaling makita siyang nakasunod but my hopes disappeared nang matunugan kong wala siya.
"She's busy, maybe she'll come here some other time kung kailan libre siya sa oras."
Muli niyang iginala ang paningin tila may hinahanap. "So, nasaan ang magaling kong anak?"
Kulang nalang umirap ako sa kanyang harapan buti nalang at napigilan ko. Dakilang gago kasi ang batang 'yon. It's obvious, he was hitting on me earlier! Kapal ng mukha!
"Nako, naroon po sa kwarto. Nakasubsub sa libro."
"Really?" manghang tanong nito sa akin. Ngumiti ako at pinilit na hindi kumibo pa. Anong sasabihin ko? Opo, literal lang na nakasubsob ang pagmumukha ng anak niyo sa libro. Pampatulog niya raw kasi 'yung amoy.
"Bakit naman ganyan ang itsura mo? Buryong buryo ka na ba?" nagbibirong wika nito sa kanya, "Sana kahit papaano ay nagpagtitiyagaan mo ang anak ko ha, alam mo na, sadyang may pagka-pilyo si Jericho."
"Intindihin mo nalang. Pasensya na, ikaw lang ang tanging maaasahan ko sa anak kong 'yon."
Nang tumunghay ako upang tignan siya ay ngumiti ito at tumalikod na. Hindi nakaligtas sa aking mata kung gaano kalungkot ang ekspresyong naipakita niya sa akin.
Napabuntong hininga nalang ako.
No matter how rich their family were, hindi pa rin maitatago ang kalungkutan sa loob ng tahanang ito. This is not a home anymore.
Each one of them also handled their sadness diffirently.
Si Aunt Jen, literal na hindi na umuuwi rito. Sa loob ng isang taong mahigit kong pamamalagi rito ay dalawang beses lang ata siyang nakaapak sa pamamahay nila. Most of their bonds were done outside; restaurants, cold dates and warm dines. Ang malala lang doon ay hindi pa ito nakakasipot sa usapan nila.
So in the end, Jericho was always left out.
Kasi kung wala si Aunt Jen, wala rin ang asawa nito.
Kaya siguro ganoon na lamang ang pag-uugali ng binata. Dinadaan niya sa tawa at kalokohan ang kalungkutan.
I should be more patient to understand his situation.
Hindi ganoon kadali ang buhay nito.
It's just too dark and mellow.
Napatingin ako sa pinto at pinakatitigan.
Morning came by fast.
Hindi ko namalayan na may kumakatok doon kanina pa pero ngayon ko lang napansin.
Ang bilis kasi. Parang kauuwi lang ni Uncle ay umalis na itong muli para magtrabaho. He didn't get to elaborate his reasons kasi umalis na ito kaagad. Siguro naman ay uuwi ito mamaya. Hindi niya naman dala ang mga gamit niya.
'Ni hindi ata ito nakapagpaalam sa anak niya.
O nalaman man lang ba ni Jericho na dumating si Uncle?
Mukhang hindi kasi maghapon itong tulog kaya kahit nasa iisang bubong sila ay 'di sila nagkatagpo.
I finished brushing my wet hair at mabilis akong tumayo para buksan ang pinto nang may marinig akong katok doon.
Sino pa nga ba 'di ba?
"Good morning!"
Jericho leaned in and swiftly kissed my cheeks. Napakunot ang noo ko at tinignan siya ng ubod ng talim. Ano na namang sumapi sa lalaking ito?
"Baliw!" gigil na sabi ko sa kanya.
"What?" humalakhak ito at itninaas ang magkabilang kamay tila sumusuko. "Maganda lang talaga ang gising ko," he pouted while his eyes were twinkling.
He looked so wicked.
Parang kahit anong gawin niya ay purong kalokohan. Ang hirap tuloy maniwala sa sinasabi nito.
"Good morning, Celine." muling bati nito sa akin, agad namang napatirik ang kilay ko sa narinig.
"So, wala nang ate?" inakbayan ako nito at tinungo na ang hagdanan para magpunta sa kusina. He ruffled my wet hair at mahinang natawa, "Hindi na kailangan 'non, para namang magpapantay ang edad natin pag Celine lang tawag ko sayo 'di ba?"
I stopped on my tracks kaya napatigil na rin siya.
"You still need to call me ate. Iyon ang nakasanayan nating dalawa at matuto kang rumespeto. 'Yan ang h'wag na h'wag mong kakalimutan. Respect, okay?"
Napatitig siya sa akin kaya't sinuklian ko rin ito ng titig kahit na nakatingala ako sa kanya.
He looks so cute in this angle.
Parang may sumampal bigla sa akin sa naisip. Agad akong napalayo at umalis sa amin pwesto.
Hala, bakit naisip ko ang bagay na 'yon?
"Wait up," nakahabol si Jericho at agad na hinawakan ang braso ko.
"Ate, galit ka?" dinungaw niya ang mukha ko ngunit umiwas ako lalo. "Huy ate, joke lang 'yon. Masyado ka namang seryoso, parang hindi ka pa nasanay sakin. Tinatawag din kita sa pangalan mo minsan 'di ba?"
Hindi ako nakakibo.
It's true though.
Wala namang bago, pero bakit ako naninibago?
"Wala naman. Tara, nakahanda na siguro 'yung breakfast mo."
Nagtagal pa ang tingin nito sa akin bago tumango at ngumiti.
Naiwan tuloy akong nakatayo at gigil na pinagsasampal ang sarili. What's wrong with me? Jericho is at his usual self, walang nagbago. Ganoon pa rin ito. Nothing changed.
So bakit kung makapagreact ako at gan'to nalang?
Parang pamangkin ko nalang ang batang 'yon. Hindi dapat ako umakto ng ganito. It's like I'm making it a big deal.
"Ano pang ginagawa mo d'yan?" napatalong ako at suminghap nang may biglang nagsalita sa likuran ko. "Nanay Tasing! Nakakagulat ka naman," sapo ang aking dibdib nang hinarap ko siya. Isa siya sa tatlong kasambahay rito na inaalagaan ang tahanan ng pamilya ni Jericho.
Umiling lang ito, "Nandon ang binata natin sa hapag kainan, hinihintay ka."
Right.
He's a teenager, I'm an adult. Malapit na ngang nawala ang edad ko sa kalendaryo, eh.
Kailangan kong isuksok sa kokote ko 'yan.
Baka makasuhan pa ako– "Ano ba 'tong pinag-iisip ko?!" I uttered harsh words under my breathe. Bakit ba ko naiisip ang bagay na 'yon?
Siguro sa sobrang pag-aalala ko rito at sa kalagayan niya ay ganito na ang naging epekto.
Naaawa lang ako.
Siguro.