Tatlong letrang pinagtitibay ng oras,panahon at milya milyang distansya.Hindi ko alam kung paano sisimulan ang araw ko nang hindi nasisilayan ang mga ngiti mo.
Naalala mo pa nung mga panahong nasa tabi pa kita? lagi mong binubulong sa aking tenga na ako lang at wala ng iba.
Mapaglaro talaga ang tadhana at nagawang ilayo ka. Ngunit hindi naman naging sagabal ang milyang distansya sa pagmamahalan nating dalawa.
Lumipas ang araw,buwan at taon. Tila tinatangay kana rin ng panahon. Unti-unting tumulo ang mga luha ko.
Kamusta kana? Kung ako ang tatanungin mo, heto ako naghihintay lang sa tawag at text mo.
Sabik na sabik akong marinig ang boses mo. Nais din kasi ng tenga kong marinig ang mga salitang "Alagaan mo ang sarili mo. Babalik ako. Hayaan mo't walang magbabago. ikaw at ako pa rin hanggang dulo."
Unti-unti na rin tayong nawawalan ng komunikasyon. Nakalimutan mo na bang tayo hanggang dulo? Kung gaano ka kalayo ganon na rin ang loob mo.
Mahina ako, mahina tayo sapagkat nagpatalo tayo sa distansyang pilit tayo pinaglayo.
Hahayaan ko na lang din lumipas ang panahong wala ang presensya mo. Pero nais kong malaman mo na andito lang ako, naghihintay sa pagbabalik mo.