Napaka emosyonal ng karamihan sa araw ng kasal ko. Pakiramdam ko tuloy may nawala sa kanila dahil sa iyakan.
Halos di na bitawan ni Mommy ang kamay ko, Si Daddy naman ay niyakap lang ako ng mahigpit bago tuluyang binitawan ng makalapit si Yvo. Tulad ng gusto kong magyari pamilya lang at malalapit na kaibigan ni Yvo ang naroon. Wala narin naman akong gaanong kaibigan kaya sapat na ang pamilya lang si Prince, Seiko at Ara para sa akin.
Masaya din akong nakadalo si Callisia. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sa pagtulog at di pag iwan sa akin noon, kaya nahati ang atensyon ng Kuya Sirius ko.
Sa mansyon lang ang handaan, ayokong pag usapan ng media at ng ibang mayayaman kaya mas minabuti kong nasa komportable akong lugar tulad ng sabu ni Mommy.
"Lucy, Honey...Gren!" Sigaw ko ng makita silang bumaba sa isa sa mga sasakyan ng DLM.
"Kainis ka! Bakit si Honey lang ang nakakaalam na ikaw ang nag-iisang apo na babae sa De La Merced. Grabe akala ko may something lang sa inyo ni Sir Zach." Si Grenny.
Natawa ako sa maarteng pagkakasabi niya. "Nagkataon lang na nalaman ni Honey. Hindi rin naman ako marunong magsinungaling kaya sinabi ko nalang din yung totoo."
"Sinabi ko na yan sa kanya Princess. Ayaw maniwala eh." Sabat naman ni Honey. Ngumuso siya para ituro si Lucy na mukhang nahihiya lng lumapit sa akin.
"Lucy buti pumunta ka." Nakangiti kong sabi para nqamaibsan ang kaba sa mukha niya.
Marahan siyang tumango. Naalala ko ang ilang maarteng lait niya pero hindi ko naman iniisip na masama talaga siyang tawo.
" Sorry Selena noong dati ha...Uhm!! Na Iinsecure lang talaga ako sayo kasi maganda ka at sexy. Sana mapatawad mo ako."
Sabay kaming nagsitawanan, " Okay lang yon. Hindi naman ako galit."
Pagkatapos ng simpleng handaan sa mansyon ay sa condo na kami ni Yvo tumuloy. Ngiting-ngiti ako sa kotse habang pauwi nung gabing yon dahil hindi parin makapaniwala na kasal na ako sa lalaking minsan ko ng pinangarap sa buong buhay ko.
Niyakap ako ni Yvo galing sa likod habang pinagmamasdan ang litrato namin noong bata pa.
Tsaka niya naikwento kung paano magluksa sa mga sulat na galing sa akin na hindi na ako uuwi at ayaw ko siyang makita. Kahit hanggang highschool daw ay nakakatamggap pa siya. Wala akong alam doon at ni minsan ay hindi ako nagsulat ng ayaw ko sa kanya. Kinausap na ako ni Daddy tungkol sa ginawa niyang paglayo sa akin kay Yvo ngunit mas masakit parin pala kung galing sa taong mahal mo ang hinanakit.
Pagkatapos ng dalawang araw ay kasama kong lumipad pabalik sa Amerik ang aking mga kaibigan. Nasisigurado kong may mga tago akong bantay ngunit hindi na ako nabahala. Naiintindihan ko ng ng lubusan ang pag aalala ng pamilya ko para sa akin.
Nakahanda na ang party ko para sa ibang kakilala. Pagkatapos asikasohin ng ilang papeles ay iyon na ang sunod kong ginawa. Kahit puyat dahil sa ilng oras na video call sa akin ni Yvo ay pinilit kong bumangon dahil naghihintay si Prince ar Ara sa akin.
"Masyadonkng pinupuyat ng asawa mo. Hindi na maganda." Si Prince. Natawa kaming pareho ni Ara.
"Ikaw na ang kakambal ni Kuya Sirius." Biro ko sa kanya.
Totoong madalas akong nagiging puyat. Ganon din naman si Yvo, kapag gabi sa kanya buong araw din naman akong tumatawag sa kanya. Kapag nasa opisina siua at may ginagawa naka bukas parin ang skype ko para makit namin ang isa't-isa.
Madalas siyang nagseselos kapag kasama ko si Prince ngunit alam kong may tiwala siya sa akin. Bago ako umalis ay nangako kami sa isa't-isa na kahit mawala ang oras at walang tiwala na mababawas.