Sa Susunod na Habang Buhay

15 2 0
                                    

Tandang tanda ko pa kung paano ka umalis. Hindi ka man lang lumingon sa akin. Kasalanan ko naman kung bakit ganito diba? Kaya ako nasasaktan dahil kasalanan ko.

Kaya namang makayanan
Kahit pa na nahihirapan
Kahit lungkot dumaraan
Pag natuyo na ang luha~

Makulimlim non, kakatapos lang parehas ng klase natin. Napagusapan natin magkita sa isang bench malapit sa park malapit sa village dahil may paguusapan tayo nagiging malabo na kasi tayo. Nauna akong dumating naghintay ako ng sampung minuto. Natanaw kita nagmamadali dahil alam mong magagalit ako dahil ang pinaka ayaw ko ay pinaghihintay ako. Ngumiti ka nung nakita mong nakatingin ako sayo at lumapit ka sakin upang hawakan ang kamay ko.

"Sorry Love, late na naman kasi nag dismiss si Dean." sabi mo
"Okay lang." malamig kong tugon sayo
"Ano nga palang pag-uusapan natin?" tanong mo sakin

Mas lalong dumilim ang paligid, maya-maya paniguradong babagsak na ang ulan.

Parang nahipan
Ang 'yong kandila
Init ay wala~

"Break na tayo, Ryan." sabi ko
Alam kong hindi ka papayag dahil ilang beses ko na yang sinabi sayo sa loob ng tatlong taon na relasyon natin pero nanatili kang nandyan. Binitawan mo yung kamay ko. Nagkamali ako ng akala.
"Iyan ba talaga ang gusto mo Danna?" walang emosyon mong sabi pero kitang kita ko sa mata mo yung sakit
"Oo." nagbaba ako ng tingin matapos kong sabihin yon
"Sige Danna, malaya ka na. Pagod na rin akong intindihin ka. Nung una ay kaya ko pa pero mas lalo kang nagbabago hindi na ikaw yung Danna na minahal ko." umiiyak mong sabi

Bigla akong nagsisi, gusto kong bawiin lahat. Gusto kitang yakapin. Bumuhos ang mamalakas na patak ng ulan kasabay ng pagpatak ng luha sa mata ko.

"Hindi ba, pangako mo nung una
Tiwala'y iingatan"~

"Mag-iingat ka palagi Danna. Mahal kita pero ito na siguro ang dulo para sa ating dalawa." yan ang huling sinabi mo saka mo hinalikan ang noo ko at tuluyang umalis

Hindi ko alam kung anong nangyari sakin noong oras at nanatili lang ako sa upuan habang  sinasalo ang bawat patak ng ulan. Tinitignan ko kung paano ka lumayo sakin. "Lumingon ka please." sabi ko sa isip ko pero hindi mo ginawa nagtuloy-tuloy ka lang. Napagod ka na sa akin at hindi ko iyon inasahan.

Baka naman sa susunod
Na habang buhay~

Ang daya mo naman ang bilis mo ko pinakawalan, akala ko ba walang sukuan?

~~~~~

"Dannah pupuntahan mo ba sya?" tanong sakin ni Mama

"Opo ma, alis na po ako." paalam ko sa sakanya

"Di talaga inasahan
Magkagulo't magkagulatan"~

Isang taon ang nakalipas nung tuluyan kang namaalam. Hindi lang sa buhay ko kundi sa lahat ng buhay namin.

Naaksidente sya kinagabihan, papunta sana sya amin para magsorry at makipag ayos sa akin. Malakas pa rin ang ulan noon hindi sya napansin ng isang rider na mabilis ang takbo. Dinala sya sa ospital pero dineklara na Dead on Arrival. Sobrang nagsisisi ako na nakipaghiwalay ako sa kanya nung araw na yon. Kung hindi ko sana ginawa yon. Masaya sana kami ngayon.

Tahanang Pinagpaguran
Sa'n na napunta?~

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko. Kasalanan ko kung bakit wala na sya, kasalanan ko rin kung bakit ako basag hanggang ngayon.

Nandito ako ngayon sa puntod nya. It's his Death Anniversary. Pag kalapag ko ng bulaklak ay umupo ako sa tabi nya. Malakas ang ihip ng hangin ng hapon na iyon.

"Ryan, napatawad mo na ba ko? Love tulungan mo naman akong buuin ulit ang sarili ko." pagkausap ko sa kanya

Hindi ba, pangako mo nung una
Tiwala'y iingatan
Baka naman sa susunod
Na habang buhay~

"Love? Ikaw at ikaw pa rin ang nandito sa puso ko. Hindi ko pa kaya." naiiyak kong sabi

At kahit nabago na ng oras
Ang puso ma'y nabutas
Ikaw pa rin
Sa susunod na habang buhay~

"Ryan, kung ikaw at ako pa rin sa susunod na habang buhay. I will make you stay. I will not let go of your hands. I'll be better than before. Love ikaw pa rin ang gusto ko sa susunod na habang buhay. Sana kung ibigay ang pagkakataon na yon ay piliin mo pa rin ako. Mahal na mahal kita."

Ikaw pa rin
Ang pipiliin
Kong mahalin
Sa susunod na habang buha-ay~

-Fin-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Susunod na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon