untitled

104 5 4
                                    

          Isa ako sa mga mapalad na naabutan ng K-12 Curriculum dito sa Pilipinas. Nung una akala ko kalbaryo ang aabutin ko pagpunta sa Grade 7, at dun ako nagkamale. Hindi ko akalain na ito pala ang pinakamasayang parte ng buhay ko. Dito ako unang nagkaroon ng social life, inspirasyon, ng anak ('di yung totoo hah! trip lang) at lahat pa ng mga bagay na puno ng kababalaghan.

         Una sa lahat, ang mga best friend kong laging naglalaan ng panahon para sa cute na sumulat nito (CHOSS!). Ang una kong naging best friend ay si Alec John Teopengco, kakalipat lang niya nun ah! Grabe! Ang lakas ng appeal! Akalaing mong pati mga 2nd Year at ilan sa 4th Year eh, PNP ( patay na patay) sa kanya! Takte! Kulang na lang maging Security Guard kami! Sumunod ko namang naging best friend si Regi Tatata Quejada a.k.a. Jake the Dog. Sa lahat, ang gusto ko kay Regi ay yung nandyan siya kahit di ko sinasabi. Sumunod naman si Carmela tapos si Yrha tapos si Emil tapos si Olive tapos si Deniel tapos si Jana tapos si Jaye tapos si Aprille tapos si Anne (to be continued)....

         Eto na ang matinde, my inspiration. Mahaba ang naging record ko nung mga panahon na wala pa akong crush. Nung elementary nga eh wala pa akong pakelam sa mga 'yan tapos hanggang dito nalang ang mga 'yan dahil sa Grade 7 ako nakahanap ng isang babaeng may pinakamagandang pagkatao. Ang pangalan niya ay...ay....ayayayayay...sige na nga! Raelene na kung Raelene! Bago mo pa man isipin kung ano ang itsura niya, sasabihin ko sayo, maganda 'yon! Hindi yung maganda sa paningin ko lang as in, maganda talaga ( naks!). Kaso, may iba siyang crush, isang taong nagngangalang Lyzander Jonathan Faustino....pinsan ni Jona na kaklase ko. Pero, alam mo, kahit kelan 'di ako nag-selos. Promise. Nako! 'Di ka naman maniniwala! Isang nakaka-tense na araw, Math Competition nun tapos maraming nag Good Luck sa 'ken pero isa lang ang talagang nakapag pa-inspire sa 'kin. Sabi niya pa: " break a leg". Fahking Shet! Ansaya saya! ( o ano? sasabihin mo naman PBB Teens? nakaw, alam ko na nasa isip mo!) May fanpage pa kami sa Facebook na ginawa ng mga loko-loko kong kaklase. Pero 'di nagtagal ang kasaysayan ng crush ko. Dumating ang panahon na kinailangan ko nang sumuko. Ano kamo? Tinatanung mo kung papalitan ko siya? Hindi no! Hindi ako tulad mo (JOKE! piz mehn!). Nangako na ko na siya lang ang maililista sa listahan ng mga naging crush ko at isa pa, wala rin akong balak na humanap ng kapalit.

           Ang anak ko, si Anne Paula dela Rosa. Gumawa kami ng sarili naming Family Tree sa room tapos siya ang naging anak ko. Tapos ang nanay si Raelene?! Naku po, ano bang parte ng pariralang, " di na siya crush" ang hindi nila naintindihan?

           Ang makasaysayang B.S.B. (Back Seat Boys) o ang tropang laging nasa likuran ng room at gumagawa ng kababalaghan. Kinabibilangan ito ng mga miyembrong masunurin pero hindi sipsip, makasat pero hindi teacher's enemy at kinatatakutan pero hindi mga siga at lalong hindi bully...o 'san ka pa? Binubuo ng leader na si John Renz Francisco at ng mga alagad niyang sina Rembrant Mendigoria, John Andrei Batac at Alec John Teopengco. Sila ang barkadang bumabasag sa katahimikan at may lakas ng loob na magpasaya kahit badtrip si Ma'am.

            Isa pa ay ang mga pagkakataon na halos araw-araw makikita mo kaming may dalang raketa at shuttlecock. Ewan ko ba kung baket pero nauso ang badminton simula ng maging topic namin sa P.E. Si Emil Tanciongco ang pinakamagaling na player ng badminton sa klase namin. Kaso, 'di pa kayang sumalo ng smash ni Sir Eds.

           Hanggang dyan na lang muna, hihinto na muna ako kasi masyado nang kontrobersyal ang mga susunod na pangyayari at hindi na payagan ng MTRCB. Hope you enjoyed it. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

untitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon