September 20 2020, Sunday
Thirteen Rising, Thirteen Rising . . . wala ba talagang copy?Kanina pa ako paikot-ikot dito sa booth ng National Book Store, pero wala pa rin akong makitang copy ng Thirteen Rising book.
Thirteen Rising book is the fourth and last book of the Zodiac Series written by Romina Russell. I've already read the first three books, but I haven't found a copy of the fourth book!
Today is the last day of Manila International Book Fair. Ayoko sanang makipagsiksikan sa dami ng tao but I have no choice dahil every weekend lang naman walang pasok ang mga teacher.
GuwapitongManunulat Watty: Hi, Baby Fifi!!! Last day na ng MIBF! Nagpunta ka na ba??? Sorry kung 'di ako nagparamdam no'ng mga nakaraang araw. 'Yong mga sinabi ko... wala lang 'yon. HAHAHAHAHAHA! 'Di ko nga alam kung ba't nasabi ko 'yong mga 'yon. 'Wag mo nang isipin, oke?
After reading GuwapitongManunulat's message, I can't help but to roll my eyes. Hindi siya nagparamdam nang ilang araw, ginulo ng mga sinabi niya ang isip ko, then he will message me na wala lang 'yon? He's really a shit. I just kept my phone in my bag again. I will deal with him later.
On my fifth try looking for the Thirteen Rising book, napangiti ako nang malawak nang makakita ng isang kopya. May reader na nagbalik sa lagayan. Oh my god! Finally!
I immediately grabbed the book but there's another hand na nakahawak sa libro. Hindi ako bumitiw. No, not in my freaking body! I badly want to read this book and finish the series so no, hindi ko 'to bibitiwan!
I looked at the face of the other person holding the book. And I think, this is not my lucky day.
"Baby gi—I mean, Fifi?" gulat na tanong niya. He's looking at me with those wide almond eyes.
His hair is still blonde na naka-one side. Nakita ko na naman ang ilong niya na kinaiinggitan ko dahil ang tangos n'on. 'Yong labi niya na kapag ngumiti ay parang laging nang-aasar. Parang laging nakangisi. And he still has that low tan skin.
"Fifi . . ." pagtawag niya uli.
Noon lang ako bumalik sa katinuan. Shit! Did I just check him out?! Hold yourself, Mereophe!
Itinulak ko papunta sa kanya ang libro, hindi pa rin kasi siya bumibitiw. "You can have that." Labag man sa loob ko ay binitiwan ko ang libro at mabilis na naglakad papunta sa cashier. Bakit ngayon pa kami nagkita? At bakit pareho pa kami ng librong nahawakan?
Gustong-gusto ko pa naman 'yong librong 'yon. Should I go back? Baka naman hindi niya bilhin. Maybe he's just checking it. Sayang naman kung iba pa ang makakakuha. Should I go back? Ugh!
Binayaran ko na ang mga librong binili ko. I should get out of here. Kailangan kong makalipat sa ibang booths! Baka habulin niya ako. Baka kausapin niya ako. And I don't want that to happen. I'm not ready. I'm not ready to face him aga—
"Shit!"
Nagulat ako nang may humawak sa braso ko, and because of that, nabitiwan ko ang hawak kong paper bag na naglalaman ng mga librong pinamili ko.
Napatingin ako sa taong humawak sa braso ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"I told you to stop cursing, right? Bumalik ka na naman ba sa dati?" seryosong tanong niya. That tone, that playful baritone voice . . . I miss it.
I miss him.
"That's none of your business." Mabilis kong pinulot ang mga libro. Hindi ko na sinigurado kung kompleto ba ang mga 'yon. I just want to get out of here. I want to stay away from here—from him.
Mabilis akong naglakad palayo. Hold yourself, Fifi. Hold your tears. Don't cry, please. Not here. Not in this event. Please.
Nagpunta ako sa comfort room and I locked myself inside a cubicle. Good thing wala masyadong tao. Hindi ko kinailangang pumila. And there, my tears started to fall.
Sa lahat naman ng araw, ngayon pa kami nagkita. Sa lahat ng event, dito pa talaga kami nagtagpo uli. Sa araw kung kailan dapat ay limang taon na kami. At sa event kung saan nagkakasundo kaming dalawa.
Bakit ngayon pa uli kami pinagtago ni Knight Alexander Villanueva?
Bakit dito pa uli kami nagkita ng lalaking iniwan ako nang walang paalam?
BINABASA MO ANG
OMFTORWKAV (Trial Duo #2)
RomanceGuwapitongManunulat: Hi. I don't know how to start this but . . . I like you. And I have an offer for you. OMFTORWKAV. Do you want to try? *** Trial Duo #2 (Epistolary)