Trial 2.58

222 46 18
                                    

09-21-2020

Knight Alexander Villanueva sent a message to ThoughtsOfTheLostGirl Facebook Page



Knight:
I know you told me not to bother you anymore, but can you please hear me first?

Alam kong nasaktan kita sa ginawa ko. I'm really, really sorry.

Four months pa lang ako sa trabaho no'n. Alam mo naman kung ano 'yong stress ng mga newbie sa trabaho. Sila ang laging pinatatakbo kung saan-saan. Ang daming gawain.

Bigla akong nalito. Feeling ko hindi pa ako handang magtrabaho. Biglang bumagsak 'yong confidence ko na kakayanin ko lahat. Hindi ko kinaya.

I'm sorry, baby girl...

Hindi ko magawang sabihin sa 'yo kasi busy ka sa research mo. Graduating ka no'n, remember? Sobrang stress ka sa research at requirements mo. Busy ka sa paghahanap ng trabaho. I just want to comfort you. I just want to make you feel everything will be okay. I want you to remember that I'll be always here for you. I just want to be your crying shoulder, your pillow if you need someone to hug. Ayoko nang dumagdag pa sa mga iniisip mo no'n.

I'm sorry, baby girl...

Please don't get me wrong. I'm not blaming you. I will never blame you for our breakup.

I know it's my fault na ibinuhos ko sa relasyon natin ang stress ko. Those days, I just want to shut everything, my mind, my body, my heart. I want to stop working. I want to stop moving. At alam kong maling relasyon natin ang pinagbuhusan ko ng mga problema ko. I'm really sorry, baby girl.

Maybe you're right. I should have told you. Pero mas pinili ko ang unahin ka kaysa sa magsabi ng problema ko. I'm sorry, baby girl. I really am.

I'm not hoping for you to forgive me. I know how big my sin is. But I'm hoping na tigilan mo na ang paninisi sa sarili mo. Ihinto mo na ang pagtatanong kung ano ba o kung may mali ba sa 'yo. Walang mali sa 'yo. Walang kulang sa 'yo. Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako, baby girl. So please, stop blaming yourself. Stop questioning yourself.

OMFTORWKAV (Trial Duo #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon