MAXIELLE
Lumaki ako sa panghuhusga ng ibang tao pero puno naman sa pagmamahal ng pamilya. Kahit minsan hindi sumagi sa isip ko na magiging isa akong tunay na babae. Iba din pala ang nagagawa ng pag-ibig, nakakapagpabago din pala ng isang tao ang pasakit na mararanasan mo kung ikaw ay nagmamahal. Pero hindi ko naman pinagsisihan ang pagiging tunay na babae dahil hindi na ako nakakatanggap ng panghuhusga ng ibang tao. At tanggap ko narin sa sarili ko kung ano ba talaga ang gusto ko.
Alam ko na noon pa man nabago na ang pakiramdam ko sa sarili ko simula nong nagtapat at hinalikan ako ni Kyzier. Gumawa lang ako ng paraan para makalimutan ko siya at hindi na ako magduda sa sarili ko, kaya pinatulan ko si Sofia, sabihin na natin na minahal ko si Sofia ng matagal pero pilit parin sumisiksik sa isip ko si Kyzier.
Siguro paraan narin ng Diyos na masaktan ako para ipaalam sa akin kung ano talaga ako. At kung ano talaga ang nararamdaman ko kay Kyzier na pilit ko naman pinipigilan.
Pagkatapos namin mag-agahan ni Kayzier ay umuwi muna ako pero kasama si Kyzier, nagpupumiliit kanina na sumama, hindi ko alam kung anong trip nito sa buhay. Bigla-bigla ba naman sabihin na manliligaw agad siya, ano to karera? Nagmamadali lang? Gumwapo lang at naging macho mahirap na intindihin.
Kotse niya ang ginamit namin dahil naiwan nga sa gitna ng kalsada ang kotse ko ka gabi, si kuya Kael na lang ang pinakuha ko noon.
Pagpasok namin sa bahay ay may narinig kaming nagtatawanan sa dining area kaya doon kami dumeretso, pagpasok namin ay bigla silang natahimik. At tiningnan ang kasama ko.
"Goodmorning everyone," sabi ko at nilapitan sila isa-isa at hinalikan sa pisngi nila. Pero ang tingin nila ay sa kasama ko parin.
Sina daddy, mommy at ang apat kong kuya. Himala nga at sabay kami lahat kumain sa agahan.
"Goodmorning po," sabi naman ni Kyzier. Si mommy at nakangiti lang at si kuya Kael dahil kilala na niya nito pero sina daddy at ang tatlo kung kuya ay masama ang tingin sa kanya.
"Iho maupo ka," sabi ni mommy at inilahad ang upoan.
Umupo naman kaming dalawa pero kinakabahan ako kasi ang sama nila makatingin kay Kyzier.
"Mga kuya wala ba kayong mga trabaho?"
Hindi nila ako sinagot dahil busy sila kakakilatis kay Kyzier. Nakita ko naman na parang hindi din komportable si Kyzier sa mga titig nila kaya nagsalita na ako.
"Mga kuya, hindi naman siguro matutunaw si Kyzier sa mga titig niyo no?"
"Nanliligaw ba ito sayo princess?" Seryosong tanong ni kuya Vin kaya kinabahan ako.
"Kuya si Kyzier yan kababata-"
"Opo kuya Vin nanliligaw po ako kay Maxielle, " putol ni Kyzier sa sasabihin ko.
"WHAT?" sabay nilang sabi. Napapikit naman ako sa sigaw nilang lahat.
"Pumunta po ako dito para po humingi ng respeto sa inyo po para ligawan si Maxielle," sabi niya at tiningnan niya isa-isa ang mga tao dito sa mesa.
"Iho, you look familiar." Tanong ni daddy.
"Dad, si Kyzier yan ang kababata ni Maxielle na lumipat sa Amerika," sagot ni mommy.
"Talaga? Ikaw nabayan iho? Ang laki na ng pinagbago mo. Gwapong lalaki na," sabi ni daddy na nakangiti.
"Salamat po tito," sagot din ni Kyzier.
"Anong balak mo sa kapatid ko?" - kuya Vin.
"Mahal mo ba si princess?" - kuya Lex.
"Pakakasalan mo ba si Xielle?"- kuya Kael.
BINABASA MO ANG
I WAS A BOY ( COMPLETED )
General FictionBata palang si Maxielle ay kilos lalaki na ito kahit manamit ay ibang iba ito sa mga kaedad niyang babae. Kahit magulang niya ay hindi siya mapapasuot ng bestida . Dahil bunso siyang kapatid at nag-iisang prinsesa ng pamilya ay hinahayaan lang ng mg...