Trial 2.60

236 48 28
                                    

09-25-2020

9:24 AM

Knight:
Today is the last day of OMFTORWKAV. 'Di natupad ang nakasaad sa T&Cs. Mukhang maghihiwalay tayo nang may sama ka ng loob sa akin. Also, in Leila and Marco's case, there should be a survey. Pero 'di ko na gagawin 'yon kasi alam ko na 'yong isasagot mo. But is it okay for me to leave a message? 'Di rin ako sigurado kung papayag ka bang makipagkita sa akin. Kaya sana ayos lang na mag-leave ako ng comment tungkol sa naging one-month relationship natin.

'Lam kong 'di ka naging masaya. Lalo pa nga kitang sinaktan. Pero umaasa pa rin ako na kahit papa'no, napasaya uli kita.

I miss your laugh. I miss how the way you messaged me. I miss your face palms. I miss you. I miss everything about you.

I'm sorry if I need to use your weakness—ang sirain ang image mo—just to talk to you. Just to get your approval or just for you to accept my trial. I'm sorry if I need to use your story. It's just . . . I love you so much, Mereophe. I love you. And I want to get you back.

'Lam mo bang sobrang saya ko no'ng sabihin mong mahal mo pa 'yong ex mo? Kasi nalaman kong may pag-asa pa ring balikan mo 'ko.

Pero ang gago ko lang talaga para maging masaya. Kasi naisip ko, pa'no 'ko magpapakita sa 'yo bilang GuwapitongManunulat?

Mereophe, baby girl, my Fifi... I love you. I'm really, really sorry if I ghosted you. If I left you without saying goodbye. Work, stress, and pressure took everything from me. They took you from me. I'm sorry.

Kung sakaling ayaw mo na akong makausap o makita, sabihin mo lang uli. Siguro nga, hanggang dito na lang tayo. Siguro nga maling umasa na patatawarin mo pa ako pagkatapos ng ginawa ko sa 'yo. Ang gago ko lang para umasang babalikan mo pa ako.

Kapag b-in-lock mo ako rito sa Facebook page mo, tatanggapin ko na. Tatanggapin kong hanggang doon na lang tayo.

But, baby girl... I want you to always remember that... I love you. I never loved any girl like this in my whole life. Ikaw lang, Fifi. Ikaw lang.

seen by ThoughtsOfTheLostGirl at 6:10 PM

OMFTORWKAV (Trial Duo #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon