September 26, 2020, Saturday
Today is the day. Shit, kinakabahan ako! Baka sampalin agad ako ni Fifi 'pag nakita niya ako. Damang-dama ko 'yong inis niya no'ng nagkita kami no'ng MIBF. Baka 'di niya lang ako masampal no'n dahil sa dami ng tao.
"Hi, Sir. Would you like to order?" Napalingon ako sa waitress na nagtanong sa akin.
Umiling ako. "Later, Miss. I'm still waiting for someone." Tumango naman ito at saka umalis.
Tumingin ako sa relong suot ko, 1:02 PM. Two minutes pa lang naman ang lumilipas, 'di pa naman late 'yon. Sa klase nga fifteen minutes ang palugit. Kay Fifi pa kaya? Kahit dalawang oras akong maghintay, ayos na ayos lang!
Buti na lang talaga at sumaktong weekend ang day off ko, saktong-sakto sa schedule ni Fifi.
Lumipas ang dalawang oras at nagkatotoo ang sinabi ko sa sarili—naghihintay pa rin ako. 'Di pa rin dumarating si Fifi.
Ayos lang 'yan! Dalawang oras pa lang naman, baka na-traffic lang.
Sa tagal kong naghihintay, naiinis na 'ata sa akin 'yong waitress kasi 'di pa ako umo-order. Sa hiya ko um-order na ako ng isang machiatto frappe. O-order na lang uli ako 'pag dumating na si Fifi. Tutal masarap naman ang kape rito.
Impresso Expresso Café, this is our favorite coffee shop, me and Fifi. Malapit 'to sa university na pinasukan namin no'ng college. This is a memorable place for us. This is our place. This is where we met.
Tanda ko pa, gumagawa ako ng plates n'on as a special project para sa incomplete subject ko nang ma-distract ako dahil sa isang babaeng umiiyak. No'ng una 'di ko pinansin, sabi ko hihinto rin siya. Pero lumipas na 'ata ang dalawang oras, umiiyak pa rin siya. Humihinto rin pero sandali lang tapos iiyak na naman. Feeling ko no'n basang-basa na 'yong panyo niya.
Hanggang sa 'di ako nakatiis. Binili ko siya ng isang box ng tissue. Buti na lang may malapit na drugstore dito. Ibinigay ko sa kanya 'yong box ng tissue at saka nagtanong kung bakit siya iyak nang iyak. Bumagsak daw kasi siya sa isang subject. Nagtanong pa ako nang nagtanong hanggang sa maisipan kong lumipat sa table niya, na inaprubahan din naman niya. And that's how our story started.
Pumuwesto 'ko sa medyo tagong puwesto, kung saan nakita kong umiiyak no'n si Fifi. Nasa tabi ng bintana ang puwestong 'to kung saan ang garden ng coffee shop ang makikita.
3:12 PM. Darating pa ba si Fifi?
Sa bawat pagtunog ng door chime napapalingon ako. Umaasang ang babaeng hinihintay ko na ang pumapasok. Mapuputol na 'ata ang leeg ko sa paulit-ulit na pagtingin pero wala pa ring Fifi na pumapasok.
Sa totoo lang, inasahan ko na rin naman 'to. Naisip ko na ring baka Indian-in niya lang ako. Galit siya sa akin. Naiintindihan ko kung 'di siya darating. Pero s'yempre umaasa pa rin akong darating siya. Na pupunta siya.
3:26 PM. Sa muling pagtunog ng door chime, napalingon uli ako. At nakita ko na ang babaeng hinihintay ko.
Nagpaikli pala siya ng buhok? Lalo tuloy nagmukhang mataba 'yong mukha niya. Pero ang cute pa rin talaga ng pisngi niya, siopao pa rin. Naka-dress siya at naka-heels. 'Di ko alam kung ba't sobrang insecure siya sa mga sexy e ang ganda-ganda niya. Kahit na chubby siya, ang galing niyang magdala ng damit. Kaya iba ang itsura ni Leila Jyne sa fiction story na OMFTORWLJS, na siya mismo ang nagsulat, ay dahil nai-insecure siya sa mga sexy.
Habang hinihintay ang order niya, lumingon-lingon siya sa loob ng coffee shop na parang may hinahanap. Madali akong makikita niyan, ako lang naman ang guwapo rito sa coffee shop.
BINABASA MO ANG
OMFTORWKAV (Trial Duo #2)
RomanceGuwapitongManunulat: Hi. I don't know how to start this but . . . I like you. And I have an offer for you. OMFTORWKAV. Do you want to try? *** Trial Duo #2 (Epistolary)