"Lien"
"Hey lien"
"Lienna louise"
"Lienna louise Armez! Are you with us? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo nakatulala ka lang dyan"
Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ng babaeng nasa harapan ko. Di ko napansin na kanina pa pala ako tinatawag ni myka. Masyadong pre-occupied yung utak ko sa mga requirements na kailangan kong ipasa at asikasuhin. Ganito ba talaga kapag magcocollege ka?Masyadong hassle isipin. Nasa coffee shop kami ngayon kasama ng mga kaibigan ko at dapat ay nagrerelax ako pero heto ako ngayon nakatulala at iniisip kung ano nga bang gusto kong mangyare sa buhay ko. Di ko alam kung tama ba ang pinili kong landas. Sumasakit ang ulo ko di ko malaman ano nga bang kukunin ko. Saan ba ako karadapat dapat? Magiging masaya kaya ako sa pinili kong landas? Future ko ang nakasalalay kaya heto ako nilulunod ang sarili ko sa pag iisip ng mga bagay bagay na ganito.
"Ano ba kasing iniisip mo? Ayos ka lang ba?" Naagaw ni vienna ang atensiyon ko
"Ayos lang ako vien"
"Sigurado kaba? Kanina ka pa lutang" natawa nalang ako sa tanong ni arriane. Himala nga at nagsalita itong babaeng to. Daig pa nito ang pipi minsan di nagsasalita, di nag rereact pero ang mata naman nito ang nangungusap kaya kapag nagsasalita siya ang saya saya ko. Tinatanong ko nga siya minsan kung di ba napapanis laway niya.
"Ano ba naman kayo ayos nga lang ako. Iniisip ko lang kung tutuloy ba ako sa course na napili ko. Wag nga kayong oa dyan"
"Akala ko pa naman may problema ka na sa lalaki"
"Pwede ba denise wag mo kong itulad sayong maharot ka di kapa ba nagsasawa sa ginagawa mo? Di ko maintindihan kung bakit ka ganyan minsan naiisip ko na di talaga kayo magkapatid ni elisse, na baka ampon ka lang. Kung di lang kayo magkamukha.
"Bat ako magsasawa sa nagbibigay sa akin ng kasiyahan lien. Wag kang bitter okay. Alam naman nila yung real score between sa amin"
"Hayaan mo na siya lien kapag yan nakahanap ng katapat tatawanan ko talaga siya. Maghintay ka lang denise"
Natawa nalang ako sa sinabi ni vien. May pag asa pa kaya itong si denise na magbago? Talaga bang magpapabago siya ng pagmamahal? I guess not sa daming lalaking dumaan sa kaniya wala pa din epekto, lalo nga lang atang lumala. Nasaktan na kaya itong si denise para maging ganyan ang trato niya sa mga lalaki. Bigla akong napatingin sa kambal niyang si elisse nakatitig sa kanyang kapatid na may lungkot sa mga mata at nakangisi. Habang nakatitig ako sakaniya bigla siyang lumingon sa akin na nagtatanong ang mga mata sasagot na sana ako kaso biglang nagring ang cellphone ko.
Tumatawag na sa akin si kuya logan at may text na din sa akin si kuya morgan. Ano ba naman tong dalawang to para akong laging nawawala. Tawag ng tawag kapag wala sa bahay daig pa si mami at dadi. Problema ng dalawang to ginagawa akong bata. Haler 18 years old na ako mag kakacollege na din tapos ganito lagi. Nakakastress ang dalawang to bat di kaya nila mag girlfriend para matahimik ang buhay ko at yun ang pag kaabalahan nila.
Sasagutin ko na sana kaso yung mukha ni vien nag aabang na sa akin. Nakadungaw ito sa cellphone ko habang nangingiti. Di ko maintindihan kung bakit gustong gusto nito si kuya logan. Tinuturing na nga niya akong sister-in-law. Alam ko na kung anong gusto nitong babaeng ito kaya ganyan siya makatingin sa akin. Kapag di ko sinagot ang tawag na ito alam kong sakanya tatawag si kuya logan. At viola gumalawang kalandian na naman ito. Palagi niya itong ginagawa kaya nasanay na din ako.
Sakto namang tumunog na ang cellphone niya at nangingiti na at may pagpadyak pang nalalaman. Nagkatinginan na kaming mga magkakaibigan at sabay sabay na napailing ang iba bumuntong hininga nalang kasabay ng pagpalo sa kanilang mga noo. Si denise lang ang tuwang tuwa at tila proud na proud pa sa ginawa ni vien. Paanong di magiging proud ang isang to kung siya mismo ang nagturo kay vien. Di ko alam sa dalawang to ang bilis gumana ng mga utak kapag sa kalokohan pero kapag nanghihingi na ng insight sa mga lessons and opinion sa philosophy subject last year parang biglang natanggalan ng turnilyo ang utak at di na nakapagfunction ng maayos.
Humarap sa akin si vien pagkatapos niyang makipag usap kay kuya logan. Ngiting ngiti pa ang loka, napapakamot nalang ako ng ulo sa kaniya.
"Nasa labas daw si Logan myloves hintayin ka daw niya bilisan mo daw. Ibili mo muna daw siya ng milktea bago mo siya puntahan tinatamad daw siyang bumaba pero dahil mabait ako, ako na bibili para sa kanya arasso?"
"Kpayn vien pero please lang wag mong lagyan ng karumal dumal na kaharutan ang oorderin mo masyado kang halata kay kuya logan sa mga pinaggagawa mo. Baka magselos si kuya morgan sige ka!"
Sabay sabay naman kaming natawa sa biglaang pag-ismid niya ng banggitin ko ang pangalan ni kuya morgan. Di ko maintindihan tong babaeng to kung bakit hate na hate niya si kuya morgan pero kilig na kilig naman kay kuya logan halos magkahawig naman ang dalawa. Mas soft lang yung feature ng mukha ni kay kuya logan kumpara kay kuya morgan na harsh talaga tignan.
Inirapan nalang niya kami at dumiretso na sa counter. Tumayo na din ako at nagpaalam sa kanila. Pupuntahan ko nalang si vien para diretso na ako sa parking. Habang hinahanap ko ang cellphone ko sa bag bigla nalang may naramdaman akong malamig sa aking katawan.
Nang tignan ko kung ano ito tama ang hinala ko, ice coffee lang naman ang naibuhos sa akin. At ng sulyapan ko kung sino ang demuhong nakatapon ng kape sa akin ay biglang sumiklab ang inis ko sa lalaking may mapaglarong tingin na tila natatawa pa sa kaniyang nagawa ngunit pilit pinipigilan. Tila huminto ang mundo ko hindi dahil naggwapuhan ako sa letseng ito kundi dahil gustong gusto ko na siyang sakalin. Huminga nalang akong malalim upang mabawasan ang inis sa aking sistema pero tila nang aasar talaga siya.
"Ano bang problema mong galunggong ka ha?" Pasalamat nalang ako at kaya ko pang magpinggil at ayokong maghisterikal sapagkat pinalaki akong matino ng mga magulang ko. Ayokong mabahiran ito dahil sa ulupong na ito.
"Ohh hala! Di ko sinasadya miss" sabay ngisi niya sa akin ng letseng lalaki to.
"Langya yan ba lagi dialogue mo? Wala ka bang bagong sasabihin ha? Wala ka bang mga mata para makita mong dadaan ako? Talaga bang di ka nananadya?" Gigil na gigil kong pakikipag usap sa kaniya.
"Hey! bat kasalanan ko pa, ikaw tong di tumitingin tapos ako pa may kasalanan? Saan saan kasi nakatuon yang atensiyon mo kaya di ko kasalanan kung natapunan ka!"
"Bat kasi di mo nalang ituon sa akin yang atensiyon mo para naman matuwa ako sayo"Nakakunot na ang noo ko sakaniya dahil biglang humina ang bosis niya at bumulong bigla. Langyang to pakiramdam ko minumura ako nito kaya bumubulong. At wow siya, wow na wow ako pa sinisi ng demuhong ulupong.
"Siraulo ka ba? Nakita mo nang di ako nakatingin diba edi sana ikaw na umiwas buset na to! Ginamit mo sana yang mga mata mo para umiwas sa akin!" Tumataas ang presyon ko sa lalaking to. Habang nagtitigan kami biglang may kumalabit sa akin muntik ko na sanang sigawan ngunit nakita ko agad ang nakakunot niyang mga mata sa akin na tila nagtatanong hawak niya ang pinabili ni kuya logan na milktea. Agad kong kinuha ito at nagpaalam na di tinitignan yung lalaking ulupong.
BINABASA MO ANG
Until Our Path Cross Again
FanfictionDi ko inaakalang makikilala ko siya sa isang di inaasahang pagkakataon. Lien X Chase