Chapter 2

9 5 0
                                    

Xylria's POV

"Xyl! Wake up na, nandito na tayo sa location natin." Narinig ko ang pasigaw na paggising sa akin ni Miss A. Nararamdaman ko pa na inaalog n'ya pa 'ko para magising.

Binuksan ko muna 'yung right eye ko.
Nakakasilaw na liwanag agad ang bumugad sa akin. Feeling ko na sinusunog 'yung right eye ko ngayon. Binuksan ko na 'yung left eye ko, ang sakit sa mata nung ilaw!

"Miss A. Bakit sobrang liwanag dito?" Irita kong tanong kay Miss A habang sinusubukan kong bumangon sa pagkakahiga ko. Medyo natawa pa sa'kin si Miss A sa tinanong ko.

"Malamang, maraming ilaw dito sa location natin." Pabiro n'yang sagot sa akin. I'm not in the mood for jokes right now, ang gusto ko na lang matulog ng matagal dito pero kailangan kong magtrabaho.

Bumangon na ako at lumabas sa van, inalalayan ako ni Miss A papunta sa dressing room namin. I am barely awake dahil nakarating kami dito ng 6:30 am. I wish I am a normal person na matutulog ng maaga at magigising ng maaga.

Nakapasok na ako sa dressing room at umupo agad ako. Hinanap ko 'yung script sa bag ko at binasa ulit 'yun. I can't forget my lines dahil una sa lahat, medyo mainit ang ulo ng Director namin ngayon.

Second, behind the schedule na kami dahil sa weather dito sa location namin, delayed ang shooting dahil bumabagyo kasi dito. Lastly, 'yung tatlo kong co-actors and actresses ko, may sakit sila due to food poisoning 'yung isa, 'yung isa naman dahil sa hand injury at 'yung isa dahil sa trangkaso.

Kailangan namin madaliin 'yung shooting, kulang na kami sa oras pero marami pang scenes na kailangan i-take.

"Ria, mga 9:45 daw tayo start" sabi sa'kin ni Miss A. Kita kong nagmamadali ang mga staff dito dahil rush na talaga 'tong mga scenes.

Nakita kong dumating ang kaibigan kong si Cindy. Wait, kasabay ko lang s'ya papunta dito sa location. Bakit ngayon lang s'ya nakarating?

Cindy's POV

Nandito ako ngayon, papunta kami sa location ng shooting namin, sa Tagaytay. Ang ganda pala ng view ng Taal Volcano dito sa Tagaytay. The lake is a beautiful and calm lake that wraps around the Taal Volcano.

Pinahinto ko muna 'yung driver at mag-picture muna kami, not for the Instagram, gusto ko lang makuhanan 'yung Taal Volcano tsaka background ko for selfie.

After kong mag-take ng picture, sumakay na ako sa kotse at pumunta na kami sa location, chineck ko 'yung pictures, sobrang ganda talaga ni Mother Nature!

Nakarating na kami sa location at bumaba agad ako para dumiretso na agad sa tent. Kailangan ko na magmadali kasi gusto ko humabol sa last minute script reading tsaka makausap si Xylria.

Tinuro sa akin ni Karina ang tent ko, kasama ko si Xylria. Si Karina ang PA ko na sobeang sweet, loyal at medyo masungit pero mabait naman. Pumasok ako sa tent.

Nakita ko ang pagod na pagod na Xylria, ang hirap naman kasing mag-no kapag may chance ka sa isang palabas at big shot pa ang mga kasama mo sa taping, mahirap makipagsabayan.

I approached her and hugged her. Nagulat s'ya pero niyakap n'ya rin ako, pahinga rin kasi minsan, Xyl. Mahirap magkasakit ngayon.

"Xyl, ang sabi sa'yo ni Miss A, magpahinga ka muna kasi pagod na pagod ka na, it's okay to rest sometimes." Naawa kong saad kay Xyl. Bakit kasi pinapagod mo sarili mo, Xyl? You look like you will collapse at any moment.

"I am fine, Cindy. You don't need to worry about me." She said to assure me. Alam kong hindi ka na okay, Xyl. Please, give yourself a break.

Bumitaw na ako sa yakap namin at pumunta ako sa aking make-up station para makapag-start na ako na makapag-ayos at makapagbasa ulit ng script.

Habang binabasa ko 'yung script, iniisip ko si Xylria, gan'yan talaga sigurp kapag dala ng pressure ng company, fans at ng pamilya. Kailangan maging perfect palagi sa mata nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal Kita, Mahal Mo Ba Ako? (MAJOR REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon