Matapos kong makuha ang librong ipinapakuha sa akin sa isang private retailer ay nagpasya akong bumili na muna ng drinks sa isang fastfood bago umuwi sa bahay at maghanda para sa party ko mamaya. I'm so excited yet feeling nervous of something. I don't know, my heart's telling me something's wrong but I'm quite tired of everything. I just want to be at ease for whatever it is.
Naglalakad na ako palabas ng mall nang maagaw ng atensyon ko ang isang kaguluhan sa loob ng isang class na restaurant. Gawa sa bubog ang dingding nito kaya malinaw ang nangyayari sa loob. Kumunot ang noo ko nang mamataan ko doon si Crown, dinuduro niya ang isang babaeng nakaupo sa isang lamesa doon habang inilalayo naman siya ng mas nakatatandang lalaki. Natigilan ako at pansamantalang umantabay sa mga pangyayari.
" Sorry, kuya.. P-pasensya na po, hindi ko po s-sinasadya. Sorry talaga. " Napatingin ako sa isang banda kung nasan naman nagaganap ang isang eskandalo at kusang nalaglag ang panga ko sa aking nakita. Nanigas ako sa aking kinatatayuan, kumalabog na parang isang tambol ang puso ko kaya napahawak ako dito habang pinagmamasdan ang pamilyar na tindig ng taong matagal ko ng hinihintay. Isa siyang halfblood na lumapag ngayon sa lupa. Napatunganga ako. Hindi niya pinansin ang babae. Nakita ko pang sinubukang punasan nito ang natapong drinks sa kanyang itim na polo ngunit marahas niya iyong hinawi. Nilagpasan niya ang babae at tila isa siyang hollywood actor na binigyang daan ng mga kababaihang halos ay naroon upang makiusyoso. Itinaas ko ang sunglass ko at bahagyang pinaypayan ang sarili. Nandito talaga siya? Totoo ba itong nakikita ko? Omygod. Nandito ang lalaking matagal ko ng hinihintay? Kailan pa? At anong ginagawa niya dito? Saglit akong natulala at napahawak ng mahigpit sa librong ipinabalot ko pa kanina sa bookstore. Nahulog na rin sa aking siko ang kanina'y nasa balikat kong bag ko. Pahirapan akong lumunok.
Napanganga ako nang bigla na lang siyang dumaan sa harap ko at hindi man lang dumapo sa akin ang kanyang mga mata. Sigurado akong nakita niya ako, ngunit bakit hindi niya man lang ako pinanansin. Sa panahong iyon, dumugo na ng tuluyan ang nasugatan kong damdamin. Napakasakit. Wala sa sarili kong kinagat ang ibaba ng labi ko.
Napakalaki ng nagbago sa kanya, iyon agad ang pumukol sa utak ko. Nakasuot siya ng isang simpeng kulay itim na polo at maayos itong nakatupi hanggang siko. Nakataas na parang sinadya ang kanyang buhok at mayroon siyang suot na aviators kaya hindi nakalantad ng buo ang kanyang mukha, muli ko siyang nilingon at nakita siyang pumasok sa isang engrandeng jewelry shop. Kinausap pa siya ng isang saleslady at nakita ko ang lagkit sa mga matang iyon ng babae, nanatiling seryoso ang mukha ni Daniel. Napainom ako ng float at nasamid sa hindi inaasahang pagdako sa akin ng kanyang paningin.
" D-daniel.. " Nasaid ang boses ko.
" Bitawan niyo ko! Hindi ako criminal, ano ba! " Isang sigaw iyon na nakapagpabalik sa akin sa realidad. Mabilis akong lumingon sa direksyon ni Crown at nakitang tumitindi na ang tensyon sa pagitan nila ng mga security guard ng mall, hindi ko napigilan ang sarili kong sumugod doon at tulungan si Crown.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Hayran Kurgu-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...