Prologue
"Chairman!" Sigaw ng mga paparating.
Umahon ako sa pagkakaupo at nilingon sila. Halos mag-unahan na silang pumasok sa loob kung hindi ko lang sila sinita.
"Oh? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko habang nililigpit ang mga papeles na binabasa.
"E-eh kasi Chairman, may n-nagsuntukan nanaman sa b-bayan, si Yolly at si Andoy, inawat na nila Kagawad Jun, p-pero mas lalo pa atang lumala." Paliwanag ni Kit na hinahabol pa ang paghinga.
Nagmadali akong lumabas at nakitang nagtatakbuhan ang iilang kabataan papunta sa Munisipyo para makiusyoso. Kahit alam kong hindi naman ka-barangay ko ang nandoon, sa itsura pa lang nila Kit, alam ko na ang dahilan at puno't dulo ng gulong iyon.
"Nandoon na rin naman si Chairman Sandro. Wala si Kapitan sa Barangay Hall kaya diniretso na namin sa Munisipyo." Sabi naman ni Justin at sinabayan ako sa paglalakad.
"Kayo na ang bahala dito, Jake. Dan, pakitawagan si Tito, ipaalala mo ang meeting. Huwag na kayong sumunod." Utos ko sa kanila at pumara ng tricycle. "Sa Munisipyo po,Mang Carding."
"Ingat ka, Haven!" Pahabol naman ni Max at sinundan pa ito ng tukso ng iba pang naroroon.
"Naks, pre!"
Papatulan ko sana kaso wala akong panahon para sa ganoong mga kalokohan.
Sa labas pa lang ng Munisipyo, dinig ko na ang sigawan at ilang hamon galing sa mga tao. Hindi na rin bago ito sakin dahil higit pa sa tatlong beses sa isang buwan ako pabalik-balik dito dahil sa kung ano-anong reklamo ng mga kabataan galing sa kabi-kabilang barangay, dahil sa rambulan at suntukan at sa kung ano-ano pa.
I'm used to this kind of life after I was blown here and before I was elected as SK Chairman of Sta. Monica together with five other Subordinate Barangays or the Sitios.
"Andito na si Chairman!" Mas lalo pang umingay dahil sa sigaw na iyon.
Tumakbo na ako papasok sa office ni Mayor para doon kitain ang mga kabataan na sangkot sa gulo. Naabutan ko ang dalawang lalaki na may mga pasa sa mukha, sa braso at dumudugo't namamaga pa ang mga sugat nila.
Nandito sa loob si Mayor, ang kapitan ng Sta. Ines at ang Sk Chairman nilang si Sandro na anak ni Mayor na ngayon ay prenteng nakaupo na akala mo walang problema sa harapan niya.
"Oh?andito na pala ang magaling na Sk Chairman Haven Aguirre." Tila may panunuyang bungad ni Sandro sa akin.
"Stop that, Sandro." Pigil ni Mayor sa anak.
I looked at him with a fiery eyes. Kung nakakamatay lang ang titig, tiyak na kanina pa siya nakabulagta sa sahig.
"Magandang umaga po, Mayor. Kap Elvy." paunang bati ko matapos balewalain ang sinabi ni Sandro saka nagbigay galang na rin sa Kapitan nila.
Kung payapang araw lang sana ito ay tumakbo na ako papunta kay Ninong na siyang Mayor ng Bayan namin at nagkuwento na naman ng kung ano-ano, pero hindi.
"Anong nangyari?" Tanong ko kila Fred na ka-barangay ko na ngayon ay ginagamot ang sugat ni Yolly sa mukha.
"Mukhang maaayos mo naman ito, Chairman. Ikaw na ang bahala." sabi ni Kap Elvy at nginitian ko na lang.
"Hija, ikaw na ang bahala dito. May meeting pa kaming dadaluhan ni Kap Elvy at ng iba pa. I hope you'll settle this. I'm counting on you, like usual, haha. Pagpasensyahan mo na ulit ang anak ko ah?" Mayor said as he slowly tapped my back and smile with conviction.
"What is it Dad?" Apela ni Sandro.
"Whoops! I didn't say anything, son." natatawang sabi ni Ninong.
YOU ARE READING
Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)
RomanceLA TIERRA DE CONDE SERIES Series 1 Lies of the Heart SYNOPSIS "Better slapped with the truth than kissed with a lie." Haven Alexis del Valle, a girl living with a saunter life, smitten with luxury goods, always looking for a good night life in the l...