Chapter 2
Paintings"Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinihintay." Bungad sa akin ni Ninong matapos kong magmano. Naabutan kong narito na pala lahat ng Kapitan at SK Chairman ng bawat barangay dito sa Sta. Monica, at hula ko, ako na lang ang hinihintay. Bwisit kasi ang lalaking iyon!
"Dito ka, Loves!" Si Sandro habang tinatapik pa ang isang silya sa tabi niya. Wala naman akong magawa dahil malayo kay Ninong ang dalawang upuan sa kabila, katabi ko rin naman si Tito.
"Saan ka galing?" Si Tito Vince.
"Sorry, Tito. May inayos pa kasi ako sa baba. Ano na po ang napag-usapan?"
"Hindi pa kami nagsisimula, may hinihintay pa kasi."
Nakahinga ako ng maluwag sa pag-aakalang nakapag-simula na sila. Buti naman.
"Mayor!"
"Don Manuel!"
"Senyorito!"
Nagtaka ako nang makitang sabay-sabay na tumayo ang mga kasama ko at yumuko pa para magbigay galang sa mga bagong dating. Tatlong lalaking naka-uniporme na mukhang mga body guards, si Don Immanuel Arteaga, isa sa tatlong anak ng may-ari ng buong La Tierra de Conde. At sa hindi inaasahang pagkakataon, dumako ang mga mata ko sa huling lalaking pumasok.
Napatayo ako bigla sa gulat na siyang ikinataka naman ni Sandro at Tito Vince.
"Magandang hapon, Don Manuel! Senyorito!"
Senyorito? Imposible naman na isa sa tatlong naka-uniporme ang tinatawag nila. Hindi kaya... imposible!
"Take a seat, Don. Nice to see you again, Senyorito! It's been a while since we last saw each other."
"It's been a while, Mayor." Sagot niya sa isang malalim na boses.
Bakit hindi ko alam na may apo pala itong si Don Manuel, at ito pang lalaking ito? What have you done, Haven! Nahihibang ka na ba? You just messed up with a wrong person! Bakit ang tanga-tanga mo? Hindi ka manlang nagtanong?!
"Loves, upo ka na." Kinalabit ako ni Sandro at mas lalo akong napahiya nang mapagtantong ako na lang ang nakatayo habang sila nag-uusap-usap. Tumingin ako sa lalaking nasa harap ko at nakitang nakatingin din siya sakin papunta sa kamay ni Sandro sa siko ko.
"Pasensya na, Senyorito. Puno na kasi ang paradahan sa labas." Sabi ni Mayor na ikinagulat ko. Ninong knows that this guy parked his car in a wrong place?
What the hell! Yumuko ako dahil sa kahihiyan.
"Anyway Mayor, is there any complaints in terms of services? Elected officers? Barangay officials? You know, corruption?"
Sumeryoso ang mukha ng mga opisyal, maski ako nagulat. Corruption kamo? Hindi ako kurap pero bakit na-offend ako? Ganito ba kasama ang ugali niya?
"W-wala naman, S-senyorito." Si Tito na hindi alam ang sasabihin.
"What about impolite staff? Say, using his position to overpower the—"
"We can't avoid complaints, Senyorito. Most especially... Toxic guests." Sumabat na ako dahil hindi ko na kayang makinig na lang sa mga paratang niyang wala namang katuturan. Pinagdiinan ko pa ang salitang "Senyorito".
He tilted his head and captured mine. Tiningnan niya ako sa mata habang seryosong pinatong ang kamay niya sa lamesa at pinagsaklop ang mga ito.
"So, you're telling me that I'm a toxic guest?" He said with a serious tone while staring at me.
"Ikaw nagsabi." Matapang na sabi ko at binigyan siya ng nakakalokong ngiti. Serves you right, jerk! Muntik na akong matawa dahil sa itsura niya ngayon. He looked constipated!
YOU ARE READING
Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)
Любовные романыLA TIERRA DE CONDE SERIES Series 1 Lies of the Heart SYNOPSIS "Better slapped with the truth than kissed with a lie." Haven Alexis del Valle, a girl living with a saunter life, smitten with luxury goods, always looking for a good night life in the l...