I. Mga alulong ng aso

3 0 0
                                    

Mahina kukote ng writer, di magaling magenglish at wala pang self confidence. This is not to entertain people or what, just doing this for my own purpose. Gusto ko lang maglabas ng stress.

So, walang aasahan sa kwentong ito. Ciao.
________________________________

Kung kape na lang din bumubuhay sa sistema mo, PM mo ko.

Baduy.

Masyadong papansin.

Hindi ako mukhang 23 years old pag pinost ko 'to sa wall ko. Napakawholesome ko tapos magiinvite ako ng manliligaw.

As if may manliligaw. Kahit yata magpost ako sa Job hiring pages ng ganyan kahit with pay pa, walang magtatangka.

Binura ko yung na-type ko na words. Parang mali naman advice sakin ni Mariebella. Tama ba 'to? Maghanap ako ng boyfriend para may dumilig na sa pechay kong nilanta na ng panahon? Di ba magmukhang binibenta ko sarili ko? Okay lang ba yun? Ha? Sagot.

Hindi okay, siyempre.

Actually, nagtinder nako. Pero puro mga estudyante nakakausap ko. Usap usap ganyan. Handa na nga akong magbigay ng sapatos sa basketball players eh. Have you ever been in a situation where you kept on talking with someone, hanggang lumalim usapan niyo, at kapag nakilala ka na niya in person, mago-ghost kana?

Ganun kasi ako lagi. Meet up kami sa Moa, sa Sm Trinoma, ako pa sagot ng samgyupsal at kape sa coffee shop, babae ako haler? Pero walang halong panunumbat, yung mga lalaking naka date ko jan, inanyong lahat. Wala na nga akong dede, ginatasan niyo pa ko.

Ang ending, 'di ka na ichachat.

Sabi ni Mariebella, maganda naman daw ako. Not the usual kind of ganda na headturner material. Pero yung ganda na maappreciate mo lang kung tumitig ka sa mukha ko for all eternity. Siguro kailangan ng forever para malaman mong maganda ako at worth it ako sa buhay mo. Try mo, char.

Tumunog phone ko bigla nung nasa malalim na kong pagiisip. Pag tingin ko sa caller ID, unknown number. Sino namang tatawag sakin ng ala-una ng madaling araw?

Sinilent mode ko yung phone ko. Nako, baka si Stanley na naman yan. Yung instik ko na manliligaw at 37 years old na. Gusto lang siguro akong anakan at pagbentahin ng insenso kamangyan sa Binondo someday.

Hmmm. Masyado ng mahaba ang araw na 'to para sayo Gabbie.

Mula ng mapadpad ako sa Maynila, hindi na ko nagkaboyfriend. Siguro ganun talaga. Patok lang ang beauty ko sa palayan ng Negros Occidental. Marami namang nanliligaw sakin dun. May naging boyfriend pa nga ako, si Arnel. Kaso nagbreak rin kami after graduation ng college dahil ayokong makapangasawa ng magbubukid. Fucked up ng attitude ko. Ngayon tuloy, hindi ako magkaboyfriend. Sinumpa yata ako ni Arnel.

"Ay torta!" Nagulat ako at napahawak sa flat kong dibdib nung nagvibrate yung phone ko na nasa tiyan ko pala nakapatong. Jusko naman. Stanley, madaling araw na madaling araw ah.

Makakatikim ka ng matinding ganti ng babaeng hindi interesado sayo.

"HELLO?!" Ilang beses na kitang tinurn down pero pabalik balik ka parin Stanley! Ayoko nga sa Instik! Napuno niyo na yung kalsada ng Las Piñas. Isa pa, ayoko talagang magbenta ng lucky charms!

"Sophie.."

Napatigil akong magisip ng marinig ko yung bedroom voice ng nasa kabilang linya. Hindi boses ni Stanley na parang kiki na naipit sa broom box.

At, hindi Sophie pangalan ko.

"H-hello?" Wrong number siguro. Nagbilang ako ng isa, dalawa, tatlo, apat at lima pero hangin lang yung naririnig ko sa kabilang linya. "H-hello?" Inulit ko pa yung sinabi ko.

Kinabahan ako lalo. Pakiramdam ko eto yung tawag sa The Ring. Mag-riring tapos after 3 days ba yun, patay ka na.

Ibababa ko na sana yung phone ko sa sobrang takot ko nung magsalita yung nasa kabilang phone.

"Sophie, bumalik ka na sakin." Tapos narinig kong umiyak yung nasa kabilang linya.

"Ha?"

"Sophie.."

"Wrong number ka kuya. Gabbie pangalan ko. Hindi Sophie!" Kinakabahan talaga ako. Paano kung hindi nga 'to multo pero isa sa budol scams to ng taon? Pano kung martilyo gang 'to? Kukunin muna yung simpatya ko tapos papasukin yung bahay ko?!

Kukunin lahat ng gamit ko dito sa condo tapos rereypin ako? Ayokong marape. Gusto kong makuha yung pechay ko sa maayos at marangal na paraan!

Naririnig kong humihingal yung nasa kabilang linya. Parang hirap na hirap.

"Sophie.."

"Hindi nga Sophie pangalan ko! Gabbie ako! Kung wala kang magawang matino sa buhay mo, wag mo ko idamay! By—-

"Nandito ako sa pinto ng condo mo."

Tumigil yung mundo ko. Wala namang ganun pero gusto ko lang talaga exaggerated kasi ganun naman diba yung sinasabi ng mga protagonist sa kwento. Pano ba magkaroon ng sariling mundo? Yung may mga rings at may sarili kang stars. Masarap siguro yun. Walang nangingialam sa'yo.

Going back, ako ay nahaharap sa isang matinding pangamba sa mga katagang aking narinig.

N-nasa pinto ng condo k-ko?

Sa totoong buhay ba, may nauutal pa kapag kausap yung sarili? Wala naman siguro. OA talaga nun.

Parang may nag red flag alert sa utak ko at bumaha ng pagpapanic yung utak ko. Nangatog tuhod ko panandalian at bumalikwas ako sa Queen sized bed ko, syempre flex ko yan sainyo. Mayabang ako eh.

Di ko alam gagawin ko. Hawak ko parin yung phone at nakatapat sa tenga ko. Parang may magnetic response yung phone sa tenga ko at ayaw matanggal. Sinuot ko yung tsinelas ko at nagpunta sa kusina at wala namang ginawa. Nagpanic lang.

"Nandito ako." Narinig ko sa kabilang linya ang panaghoy ng paghihinagpis. Di ko man alam pinagsasabi ko pero nagpapanic talaga ako. Di niyo lang nakikita.

Ano gagawin ko, ano gagawin ko.

Okay, Gabbie. Kalma.

Nagbibiro lang yan. Scam.

Tumigil ako sa pagpapaikot ikot sa kusina ko pero hindi ko pa rin inaalis yung phone sa tenga ko.

Nanood ako kagabi ng "Hush" yung movie na bingi yung babae at may nagtangkang pumasok sa bahay niya at patayin siya.

Sobra akong napaparanoid kasi iniisip ko kung anong nasa labas ng pintuan ko. What if magsisigaw na lang ako.

Pero yung condo namin ay built in na soundproof so kahit magpaumpog ako ng kaldero, walang mangyayari.

"Shit." Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko ng may kumakalampag na ng pinto ko. May peep hole naman ako para makita ko kung sino ba talaga pero parang napako yung paa ko sa kinatatayuan ko. So totoo nga, may tao sa pinto ko.

Gabbie, kalma. You'll survive this night.

"Sophie, Isama mo na lang ako."

Heh?

"Ayoko na dito. Isama mo na lang ako." Those words sounded bitter to me. Parang puno ng sakit. Nakainom for sure yung nagsasalita sa kabilang phone, husky yung boses niya pero alam mong may pinagdadaanan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ghosting GabbieWhere stories live. Discover now