------
*2:30 pm*
Tumunog na ang bell, hudyat na nagtapos na ang klase ni Yesha. Araw ng biyernes ngayon kaya't maaga ang uwian, pero mas maaga nga lang ngayon dahil may emergency meeting daw yung mga teacher.
Linigpit ni Yesha ang mga ginamit nitong notebook, books at ballpen kanina at pinasok iyon sa bag at naghanda na para umuwi. Maglalakad lamang ito pa-uwi,
dahil hindi naman kalayoan ang bahay at ang paaralan nito."Yesha Camille Andrada! Uuwi ka na ba?" Tawag ng nag-iisa nitong kaibigan sa school. Si Kate. Yes, nag-iisa. But she never lack attention, maraming mga pumapansin at gustong makipagkaibigan sa kaniya ngunit sadyang siya lamang ang umiwas. Isa si Yesha sa pinakatahimik sa paaralan, nerd at loner nga kung tawagin ng iba dahil madalas ay nag-iisa at kaharap lang nito ang mga libro. Pero isa lamang ito sa mga paraan niya upang mapansin ng pamilya niya, ang mag-excell sa klase kahil alam naman niyang hindi ito eepikto sa kaniyang mga magulang. Pero kahit gano'n ay masaya naman siya dahil kahit papaano'y may kaibigan naman siya.
Ngumiti naman ito bago sumagot, "Oo, alam mo naman Katelyn Suarez, diba? Hindi ako pweding gumala."
Agad namang nalukot ang mukha ng kaibigan. "Sabi ko naman kasi sayo, maging pasaway ka! Kainis to, ang bait-bait mo, kaya ka laging inaabuso eh!" Pagmamaktol nito sabay padyak pa sa isang paa na nagpatawa sa kaniya.
"Ikaw talaga! Ang BI mo!"
Nanlaki naman ang mata nito saka sinapo ang dibdib na para bang nasasaktan, "Di ah! Bait-bait ko nga eh! Di nga lang kasing bait mo! Bye na nga!" She beam and run away.
Napahalakhak at napailing na lamang si Yesha sa ginawa ng kaibigan.
HABANG naglalakad pauwi ay napadaan ito sa park kung saan maraming bata ang naglalaro, ang iba naman ay kasama ang mga magulang. Maaga pa naman kaya't pwede pa siyang tumambay saglit.
Umupo siya sa isang medyo tagong bench, malayo sa mga batang naglalaro at namamasyal. Sa ilalim ng naglalakihang puno ng kahoy at sa malimig na simoy ng hangin ay muling nanumbalik ang masasayang alaala ni Yesha kasama ang kanyang kuya.
Madalas sila dito noon, palagi siyang pinapasyal dito ng kapatid at hinahayaang makipaglaro sa ibang mga bata o kaya nama'y silang dalawa ang naglalaro.
Pero mula noong nangyari ang insidenting iyon ay hindi na nagkaroon ng panahong pumasyal si Yesha. Madalas ay nasa bahay lamang siya dahil pinagbabawalan itong lumabas. After that incident, she never got the chance to see her brother again. Her parents say, he never wanted to be with her, dahil gulo lang naman daw ang dala niya sa pamilya. Pero kahit ganon ay labis parin ang kagustohan niyang makasama ito. Dahil sa pamilyang kinabibilangan niya, si Kyle lang ang sobrang malapit sa kanya. Noon paman ay ramdam na ni Yesha na malayo ang loob ng iba sa kaniya, ngunit ipinagwalang-bahala niya lamang ito.
Yesha closed her eyes and embrace the peacefulness of the atmosphere, "Kuya, where are you? I thought you'll never leave me. Galit ka po ba talaga sakin? Ayaw mo na po ba talaga akong makasama?.... I miss you, kuya."
Naiyakap niya ang mga kamay sa katawan nang umihip bigla ang malakas at malamig na hangin, na para bang niyayakap siya nito.
"Ate, ate? Okay ka lang po ba?" Isang maliit na boses ang pumukaw ka sa kaniyang atensyon.
BINABASA MO ANG
When She Closed Her Eyes (On-going)
Teen FictionYessa Camille Andrada was once considered as the luckiest girl in town, she was a shy and silent type but she never lack with attention. Though she lack with warm embrace from her family, it does not bother her at all, because of her brother. Her br...