One-Shot.
Tulad ng isang regular month of a rainy...cloudy day in June, nagising ako ng 8 AM, which is very unusual since iba't ibang oras talaga ako nagigising kakapuyat.
Hinihintay na 'ko ng best friend 'ko sa may pintuan dahil kakatapos lang namin kumain sa cafè.
"Baka bahain pa tayo niyan, bes! Ako na maghahawak ng payong." Ibinuka niya na ang payong para sa aming dalawa. "Sorry bes, ang dami kasing pinapagawa ng pres, eh. Alam mo naman 'yun, pinapahamak ang mga secretary."
Habang naglalakad, pinaguusapan namin kung ano yung mga nagaganap sa loob ng school. Sobrang busy 'ko lately, at kakatapos lang ng 2nd Term Exam. Ayaw naman ng president namin na wala akong ginagawa, so kailangan 'ko talaga siyang dikitan sa SCS Room. Same Student Council Staff shit.
"Don't worry, magaling naman yung president natin. Medyo gago pero, maaasahan." Ah, si Wallace Manansala. Mahilig akong kulitin nun, minsan nakakairita, kaya nakakaiyak nalang din.
"Si Manansala hindi nagkakasala bilang presidente ng classroom? Ayos, ah. First time?" Ngisi 'ko, "Ewan 'ko nga dun! Nananahimik na siya sa sa upuan niya, palaging nakatingin sa labas ng bintana."
"Nakakapagtaka minsan kung paano siya naging president." Puro babae lang ata nasa isip niya, kaya nakatingin sa labas kasi malapit sa classroom namin yung race track, eh palaging may tumatakbo doon. Madalas babae.
"Duh? Para saan pa at naging isa siyang Manansala? Ang mas nakakapagtaka, eh kung bakit siya lang ang naging gago sakanilang magkakapatid. Malinis ang record ng mga Manansala sa school."
"Ah, oo nga pala... kuya niya pala yung SCS President ng school... hehe." Nahihiya 'kong sinabi. Crush na crush 'ko yung kuya niya!
Kilala ang mga Manansala para sa magandang lahi, attitude, tska sa pagiging matalino. Sadyang naghihimagsik lang si Wallace.
"Hahaha! Akala ko ba si Wallace crush na crush mo? Pulang pula ka teh." Agad akong nagreact, sa isang bagay na di naman totoo, "Luh. Hindi noh! Yuck!"
"Yuck yuck ka dyan! Siya lang kaya ang lalaki sa buhay mo. Kinukulit ka niya, kasi gusto ka rin niya! Choosey?" Unconciously, napairap ako habang paupo kami sa waiting shed.
"Mmm... hindi! Pero friends kami." Hindi 'ko alam kung anong nangyari at bigla akong nahiya nung sinabi 'ko na magkaibigan kami ni Wallace.
"Jowa mo si Wallace?! I'm sorry, kumulog kasi. Hahahaha!"
Nanlaki ang mata 'ko dahil sobrang lakas ng bibig niya. Agad 'kong tinakpan iyon dahil may mga studyante pa sa paligid baka may makarinig!
"Ikaw! Kung ano ano pinagsasabi mo. Ayan na 'yung bus, tara na!" Umiling-iling siya habang papasok kami ng bus. Ano kayang gagawin 'ko sa babaeng 'to?
Parang gusto niyang ipagkalat palagi na si Wallace gusto 'ko. Tuwang tuwa naman siya dahil ang cute daw namin! Like?! Eww!!
Nang makahanap na kami ng mauupuan sa loob ng bus, biglang nag-ring ang phone 'ko, kaya ipinabitbit 'ko muna ang mga dala dala 'ko kay Leuna.
"Hello?" Sagot 'ko.
"Ah, Gia..."
"Sino 'to?" Napalingon ako kay Leuna na nakangiting nakatingin sa akin. Masama ang kutob 'ko sa ngiting iyon.
"Can we meet after school? I have something important to ask you."
"Okay... but who's this?" Tanong 'ko uli. Oh my God. Yung boses niya parang...
"It's Wallace."
Natigilan ako sandali. Ano yung itatanong niya?
"Hello?? Gia?"
![](https://img.wattpad.com/cover/230979686-288-k781910.jpg)