Chapter VII

20 1 0
                                    

Chapter VII

Kanina pa ako nakatulala sa pader habang iniisip nag mga sinabi ni nanay sa akin kanikanina lang na need ko raw magpaorder ng breadroll, sushi at yema cake sa mfa kaibigan ko. Ito kasing si nanay ay naisipang magbenta ng mga ganito para naman sa dagdag na income niya. Kaysa daw na nakatunganga siya sa bahay habang hinihintay ang padala ni tatay ay nag isip siya ng mga ibebenta niya.



"Aevy, magpa-order ka sa mga kaibigan mo para matikman nila ang napakasarap kong tinda!"Inilalagay na ni nanay ang cheese at hotdog sa tinapay at binilot ito. Kanina pa ako nakatingin sa kanya at antok na antok ako dahil maaga niya akong ginising dahil nagpasama sa pamilihan.



"Opo."Tamad na sagot ko. Napatingin ako sa orasan at nakita ko na ang bilis ng oras.


"Gumayak kana, Aevy! Para hindi ka magmadali at makaligo kang bata ka!"Tumayo na ako kahit tamad na tamad akong maligo dahil ang lamig ng tubig.


Ngayong araw pinatawag lahat ng mga club member for the orientation. Pumunta na ako sa sinalihan ko at nakita silang lahat na naroroon na. Naupo ako sa pinakahuli para hindi nalang nila ako makita pa at pagusapan.



Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang pinaka-president ng club with her assistant. Diniscuss niya ang mga rules and regulation sa photojourn at sa journalism. Kahit alam ko na ang mga iyon ay nakinig parin ako para hindi masayang ang laway na nagsasalita.


"Is that clear?"Lahat naman tumango at mukhang naiintindihan nilang lahat. "You at the girl in the back, you have any question in  the back of your head?"



"Wala po."Nahihiyang sagot ko.


"Okay. May I call to all photojournalist here."Tumayo muna ang tatlong babae at dalawang lalaki bago ako sumunod sa kanila.


Sinabi sa amin ni President na need naming kumuha ng sampung larawan in one hour and it must be in hard copy. May print-an naman daw dito sa loob ng campus kaya no need to go outside. Sa bawat larawan naman ay kailangan may sinasabi itong kwento. Ganun kasi sa photojourn na ang sandata mo ay yung camera to capture the visual representation.


May nagtaas ng kamay sa mga kasamahan ko,"Miss President, pwede bang kumuha ng litrato sa labas?"



"I think no. Wala pa tayong napapasa kay Mr. President na ganyan if okay sa labas kumuha ng larawan. Dito na muna sa loob ng campus kayo kumuha ng mga larawan, to make sure your safety."Tumango-tango naman kami.

Lumabas na kaming lahat sa loob ng club para nakapagumpisa na sa mga task namin. Wala akong magandang camera at tanging phone ko lang ang magagamit ko sa ngayon. Nagumpisa na ako maghanap ng mga places dito sa campus.





Nakita ko ang isang puno na kaunti nalang ang dahon nito at patuloy parin sa pagbagsak ang mga natitirang dahon.



Sinet ko ang phone ko sa video habang nagka-capture ako para may i-edit din ako.



Nagtungo naman ako sa swimming pool at may mga nagpa-praktis doon. Nakasalubong ko din ang mga kasamahan ko sa photojourn na hindi man lang napansin ang prisensya ko.


Kumuha ako ng magandang anggulo para makuhanan ko ang pag dive ng tatlong swimmers. Mabilis ko pinindot ang red button ng magda-dive na sila.



"Yes!"Nausal ko na nakuhanan ko ng maayos ang gusto kong makita.


Itatapat ko ulit sana na may humawak sa kamay ko at itinipat niya sa mukha niya. "Ako ang kuhanan mo dali! Ang gwapo ko kasi!"Mabilis kong kinuha ang kamay ko kay Autumn na basang-basa at may tuwalya na nakasabit sa balikat niya.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If I FallWhere stories live. Discover now